CHAPTER 26: CASE CLOSED

635 10 2
                                    

Kinabukasan, tanghali na nang magising sina Peach at Water habang walang saplot na magkayakap sa ilalim ng kumot sa kama. Nagkalat ang kanilang mga damit sa kung saan-saang sulok ng kwarto at ang ibang mga gamit sa loob nito ay wala sa tamang ayos.

Nginitian ni Water ang fiance at ganoon din si Peach sa kanya. "Wala talagang makakapalag sa ganda mo."

Iba ang naging dating nito sa pagkakaintindi ni Peach kaya parang bula na nawalan ang namutawing saya sa kanya.

"Sinasabi mo bang napilitan ka lang sa ginawa natin kagabi?" umusog si Peach palayo kay Water at tumalikod.

"Takte! Compliment yun ih!" pagpahayag ni Water sa frustration niya sa kanyang isipan.

"Hindi gano'n yu---"

"Bakit?! Porket babae ako, hindi ako pwedeng mag-iniate na may mangyari sa'tin? O baka naman...nagsasawa ka na sa'kin kasi ang emosyonal ko na masyado?" anya bago humagulgol ng iyak.

Agad na naalarma si Water at marahang niyakap at hinalik-halikan si Peach. "Hinding-hindi mangyayari yan, my dear dahil patay na patay ako sa'yo. Remember the things that I'm willing to do? LAHAT gagawin ko, huwag ka lang mawala sa'kin."

Umubra ang pagkonswelo niya at unti-unti ngang humupa ang paghagulgol ng kanyang katikya. "Talaga?" sumisinghot na sabi ni Peach kay Water.

"Yes, my dear. Mahal na mahal kita, tandaan mo yan."

"Ako lang? Pa'no naman si baby?"

"Mahal ko rin siya siyempre, parte siya ng pagkatao mo e at resulta siya ng pagmamahalan nating dalawa." ani Water saka kinintalan ng halik sa mga labi si Peach.

"Hmp! Sige na, mag-ayos na tayo. Pupunta pa tayong presinto 'di ba, my dear?" masaya na ulit ang tono ng pananalita ng buntis.

Malambing na tumango si Water saka kinintalan ng halik ang ilong ni Peach. "Opo, my dear."

"Edi halika na, mag-ayos na tayo saka kumain ng brunch." anya bago siya buhatin ng katikya papunta sa banyo.

***

Matapos makapag-ayos ay agad na nagpunta ang magfiance na sina Peach at Water sa presinto malapit sa law firm ni Mr. Tema. Naroon kasi pansamantalang nakakulong sina Arkin at Juniper.

Nang makapasok sa presinto ay nakita nila si Mr. Tema na tila inip na inip sa kakahintay. "Ang tagal ninyo."

"Sorry po." sabay nilang paghingi ng paumanhin.

Pinatunog lamang ni Mr. Tema ang dila niya at umiling. Itinuro niya sa kanila kung nasaan ang mga suspek sa pagdukot kay Peach.

"Pakawalan niyo muna ang dalawang yan!" utos ni Mr. Tema sa mga jail guard sa selda nina Arkin at Juniper bago bumalik sa lobby ng presinto.

Nakakuyom ng mariin ang mga kamay ni Water habang marahas na nagtataas-baba ang dibdib nito. Napansin iyon ni Peach kaya pinagsabihan niya ang kanyang katikya. "Huwag kang mamimisikal, Tubig. Usap lang."

"Hindi ko maipapangako yan." tugon naman ni Water dahilan upang kurutin siya ni Peach sa tagiliran.

"Aray! Oo na nga!"

Pinakawalan ng mga jail guard sina Arkin at Juniper.

Nagtagpo ang mga mata nila, and with that, tila nagslow mo ang paligid at napalibutan sina Arkin at Water ng masasaya nilang mga ala-ala noong magkasintahan pa  sila.

Kasabay ng kinalimutang mga memorya na iyon ay ang pagbalik ng pakiramdam nang unang beses nilang malaman na mahal nila ang isa't-isa - napagtanto ni Water na tunay ngang na-in love siya kay Arkin, though he strongly denied it after catching feelings with Peach. Habang si Arkin naman ay parang nadurog muli ang puso at nagiging marupok na naman; nais na naman niyang magmakaawa kay Water na maging 'sila' muli.

Strawberry CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon