Chapter 12: Bittersweet

13.9K 674 180
                                    

Annica's POV

"Nica" napalingon ako sa tumawag sakin. It's Troy

"Uuwi ka na?" Nakangiti nyang tanong sakin

"Oo. It'try ko pa kasing magpaalam sa amo ko if pwede ako mag sleep over kila Hannah ngayong gabi. Kailangan kasi namin mag review para sa exam bukas" sagot ko naman sa kanya. Napabuntong hininga ako kasi sa totoo lang di ko alam pano ako magpapa alam kay Liah. Ngayon pa na alam kong galit sya

"Ganun ba? Siguro naman papayagan ka nun. Not unless possesive yung girlfriend mo" nakatawang sabi ni troy. Feeling ko naman uminit yung mukha ko. Di parin talaga ako nasasanay sa term na Girlfriend.

"I hope so. Kita mo naman yung galit nya satin kanina" nakaramdam ako bigla ng takot. Ni hindi ko alam kung pano sya haharapin tapos magpapa alam pa ko na aalis.

"Oo nga eh. She's scary as always. Good thing 1 week mo lang ida'date ang dragonang yun. I hope you'll survive Nic" nakangising sabi ni troy na tinapik tapik pa yung balikat ko

Bigla naman kaming napatingin sa malakas na busina na galing sa isang sasakyan. Di sya ganun kalayo kaya kitang kita ko kung kaninong sasakyan yun. Mabilis na umandar yun papunta samin ni troy.

My heart skip a beat nung nagbukas yung bintana ng kotse at bumugad yung seryosong mukha ni Liah. Mukhang galit na naman sya.

"Get in" cold nyang sabi. Kailangan kong sumunod agad. Alam kong galit parin sya

"Sige troy. Mauna na k--"

"I said get in!" di ko na natapos yung sinasabi ko kasi sinigawan nya na ko.

Dali dali kong binuksan yung pinto ng kotse. At kahit di ko pa nakakabit yung seatbelt ay pinaharurot nya na ito ng takbo.

Tahimik lang kami sa byahe. Di ko sya magawang tingnan. Di ko rin sya magawang kausapin. Alam kong galit sya. Seryoso lang itong nakatingin sa daan habang nagmamaneho.

Great. Pano ako magpapaalam nito.

Hanggang makarating kami ng bahay ay tahimik lang sya. Mabilis din syang bumaba ng sasakyan kaya bumaba din ako at sinundan sya.

"Liah" i call her

Nilingon nya lang ako pero di sya sumagot

"Pwede ba akong mag sleep over kina Hannah ngayon? Promise ngayon lang. Mag re'review lang kami para sa exam bukas" mahinahon kong pagpapaalam sa kanya.

Sobrang kinakabahan ako ngayon. Di ko alam kung san ako humugot ng lakas ng loob para magpaalam

"I dont care. Do what you want" walang emosyon nitong sagot. Tinalikuran nya agad ako at pumasok na sa loob ng bahay.

Napabuntong hininga naman ako. She's mad. I know she's mad. Lagi naman talaga syang galit sakin pero these past few days kasi nasasanay ako na okay kami.

Damn it Nica wake up! This is just all for the dare. Wag kang mag assume.

Pumasok na din ako ng bahay. Usually pag gabi wala naman pinapautos si Liah. Nagkukulong lang sya sa kwarto nya kaya mostly pag gabi talaga ang free time ko. Nagpalit nako ng damit at nag ayos ng gamit. Tinawagan ko na din si Hannah na papunta nako sa kanila.

Palabas nako ng kitchen ng makasalubong ko si Liah. Nagulat ako ng makita ko sya. Dinaanan nya lang ako at dumiretso sa ref para kumuha ng juice.

"Pwede mo naman iutos sakin yan para di ka na sana bumaba" sabi ko sa kanya pero parang wala syang narinig. Dinaanan nya lang ulit ako at umakyat na pabalik ng kwarto nya. Ni hindi nya man lang ako tiningnan.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon