Chapter 45: Wasted Years

12.6K 490 21
                                    

"Ladies and gentlemen, Atlas Air welcomes you to New York City. The local time is 11:23 am. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate.."

Nag unat unat muna ako bago ayusin yung iba kong gamit. Sa 15 hours na byahe dalawang beses lang yata ako tumayo para lang mag banyo.

Sa tingin ko pa nga ambilis lang ng byahe ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kasi andami kong naiisip. Hindi parin mawala ang kaba sakin lalo na ngayon na nandito na ko.

Isa isa na kaming pinababa kaya mabilis akong tumayo para mauna na din. Ang sabi kasi sakin ng secretary ni sir stanley na may susundo daw sakin na representative ng Salmonte group sa Airport.

Pagkababa ko ng plane ay dumiretso agad ako ng Luggage area para makuha yung mga bagahe ko. Isang maleta tsaka isang bag lang naman yun kaya nakuha ko agad at nagpunta na sa arrival gate. Nilinga linga ko yung ulo ko baka sakaling may makita akong poster na may pangalan ko pero wala.

Pano ko malalaman kung alin dito ang susundo sakin? Andaming tao ngayon pero wala naman akong kakilala ni isa sa mga to.

Kinakabahan na ako kasi malapit na ako sa exit ng airport. Kanina pa ko lingon ng lingon sa paligid pero wala talagang lumalapit sakin. Kinuha ko yung phone sa bag ko para tawagan si stacey kasi di ko na alam ang gagawin ko dito. Di ko naman alam kung san ako pupunta.

"Hi there" halos mabitawan ko yung phone ko ng biglang may nagsalita sa likod ko "little one"

Pagkalingon ko sa nagsalita sa likod ay automatic na nanlaki ang mga mata ko. I cant believe who i am seeing right now.

"L-luke?"

Ngumiti lang sya sakin at sinenyasan yung dalawang guards na kasama nya. Kinuha nila yung mga bagahe ko at nauna nang maglakad "Let's go?"

Ngumiti sya ulit at inalalayan ako palabas ng airport. Pagkalabas namin ay may tatlong kotse na nag aantay sa labas pero dun ako pinapunta ni Luke sa isang mamahaling kotse at pinagbuksan ng pinto.

Nagtataka ako kung bakit sa tabi ng driver's seat nya ako pinaupo, pwede namang sa likod nalang. Umupo na sya sa driver's seat at pina andar na yung kotse.

Tahimik lang sya at ganun din ako. Hinding hindi ko naisip na sya ang susundo sakin. Kelan pa sya naging parte ng Salmonte Group?

I mentally slap my head. Gosh Annica, malamang asawa nya ang tagapag mana nun.

Napatingin ako sa kamay ni Luke habang hawak hawak yung manubela. He got a ring on his finger. Kasal na talaga sila.

Sobrang awkward ng nararamdaman ko ngayon kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Ang ganda at ang lawak ng daan dito sa New York. Malayo pa lang pero tanaw na tanaw mo na ang mga malalaking buildings and structures na magaganda din ang designs. Halatang magagaling ang mga architect nila dito at puro professionals. Balita ko nasa US ang ilan sa mga sikat na architect. Sana kahit papano makakuha ako dito ng mga ideya para sa mga susunod kong projects pagbalik ko ng pinas.

Napa ayos ako ng upo ng nakita kong papasok na kami sa isang establishment. Isang malaking residential building na parang katulad ng The Lanes Residence yung design. Nagulat pa ko kasi biglang bumukas yung pinto ng kotse kasi pinagbuksan ako ng isa sa mga guard nila. Nilingon ko si Luke at sinenyasan lang ako na bumaba pagkatapos nya akong ngitian.

Dahan dahan akong bumaba kasi di ko naman alam kung kakausapin ko ba sya o hindi. Puro ngiti lang naman si Luke kaya sinusunod ko nalang kung ano ang gusto nilang gawin ko. Isa pa, kabadong kabado talaga ako ngayon.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon