Chapter 26: Making Up

16.2K 546 207
                                    


"You're staying here?!"

Yan ang magandang bungad ni Liah nung makarating kami sa Apartment ko.

Hinatid kami ni Keira pero umalis lang din sya agad kasi late na at sobrang pagod daw sya ngayong araw. Kaya eto kami at dalawa nalang natira at sobrang niririndi nya ko about sa complains nya dito sa apartment.

"You can't stay here. Let's go home" sabi nya sabay hila sa kamay ko. Nagiging bossy na naman

"No Liah. Kung gusto mo ikaw nalang ang umuwi. Nasa bahay ko na ako" mabilis kong hinatak yung kamay ko sa kanya. Ayaw nyang umuwi sa kanila tas ngayon mag rereklamo sya

"Are you serious? Pinagpalit mo yung mansion dito?" Nagsalubong na naman yung magaganda nyang kilay

"Aliah pwede ba? Kung lalaitin mo lang tong tinutuluyan ko ngayon umalis ka na. Pagod ako. Gusto ko nang magpahinga"

Dumiretso na ako ng kwarto at iniwan sya sa sala. Bahala sya kung anong gusto nyang gawin. Pagod na talaga ako. Gusto ko nang matulog.

Humiga na ako sa kama ko. Single bed lang yun kaya tamang tama lang sakin. Tumagilid ako at pinikit na yung mga mata ko. Alam kong nasa labas lang si Liah pero bahala sya. Pagod na akong makipagtalo lagi sa kanya.

Maya-maya lang ay naramdaman kong bumukas yung pinto sa kwarto. Hindi ko na yun pinansin kasi antok na talaga ako. Unti-unti kong naramdaman yung paglubog ng kama sa may bandang likod ko at naramdaman ko nalang yung maiinit na kamay ni Liah na pumulupot sa bewang ko.

Biglang nagwala yung puso ko dahil sa ginawa nyang yun. Nakahiga na rin sya sa kama at yakap-yakap ako sa likod. What is she doing? Maliit lang tong kama di kami kasya dito!

"Liah teka.." sinubukan kong tanggalin yung kamay nya pero mas hinigpitan nya lang yung pagkakayakap sakin

"Hindi tayo kasya dito. Dun nalang ako sa labas matutulog"

"How can you be so sure? You're so small. I just need to hug you and we will fit on this tiny bed"

Her voice is so soft. She sounds tired and sleepy. Parang hinahaplos yung puso ko. Kinakain na naman ako ng katangahan cause i love this feeling. I miss her so much.

Inikot ko yung katawan ko para maharap sya. Nakapikit yung mga mata nya. She's really tired. She's pale and look stressed. Yumakap agad sya sakin nung pagkaharap ko sa kanya. I can feel her warm body.

"Liah masisikipan ka lang dito. Dun na ako sa lab--"

"I will do anything to get you this close to me"

Pagkasabi nya nun ay mas lalo syang sumiksik sakin. Kinabahan naman ako kasi baka marinig nya yung puso ko na kanina pa nagwawala. Sobrang higpit ng pagkakayakap nya sakin na para bang wala syang balak na bumitaw pa.

"I dont mind sleeping on this tiny bed as long as you're beside me. As long as i know you're here with me"

Im speechless. Ayan na naman sya sa mga pamatay nyang salita. Hulog na hulog ako everytime na ganyan sya. I cant let myself fall into her trap again.

"Do you understand now how much i want you in my life?"

I dont know. Nagwala lang naman sya sa school at sa condo ni Stacey kasi di nya ko makita. Knowing it's been 2 days pa lang nung umalis ako sa kanila.

"Just rest Liah" i need to cut her off. Im so soft pagdating sa kanya. Baka makalimutan kong may boyfriend na sya.

"Yes. I can finally rest. Now that you're here"

Hindi na ako sumagot para di na rin sya magsalita ulit. Hinayaan ko lang sya na yakapin ako. Ramdam ko yung maiinit na hininga nya sa leeg ko. She's fast asleep.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon