Annica's POV
"Yes, naiakyat na ang kaso laban sa tita mo kaya kailangan mong magpunta sa police station para sa mga pipirmahang papeles"
"Sige po Atty. Maraming salamat po talaga"
"Don't thank me on this one Miss Villaruel. Lumapit sakin ang isa sa mga personal lawyer ng mga Salmonte at nag alok ng tulong para mapabilis ang pagtakbo ng kaso. You should thank them instead"
"Ganun po ba? Sige po sisiguraduhin ko pong makakapagpasalamat ako sa kanila. Maraming salamat parin po sa tulong nyo"
Binaba ko na ang tawag pagkatapos kong magpa alam sa abogado. Alam kong si Liah ang nagpapunta ng isa pang abogado para tulungan ako. Pasimple talaga syang kumilos. Di nya nabanggit sakin ang tungkol dito kaya di ko mapigilang mapangiti dahil sa ginawa nyang yun. Kahit napaka maldita nya ay nagagawa nya parin namang tumulong sa ibang tao.
Naligo na ako at mabilis na nag ayos kasi pupunta na ako ng police station. Dalawang buwan kong inantay to. Kailangang pagbayaran ni Tita Francine lahat ng ginawa nya samin ng mga kapatid ko.
Nagpa alam na ako sa mga kapatid ko at binilinan sila na ilock ang pinto at wag na wag bubuksan yun hanggat di ako nakakauwi. Masunurin naman silang bata lalo na si Andrei kaya may tiwala ako sa kanya sa pagbabantay kay Axiel.
Dalawang linggo na din ang nakakalipas nung may nagpunta na mga lalaki dito. Maging ngayon ay may nakikita parin akong umaaligid dito sa compound namin pero di na sila ganun kadami. Mejo nasasanay na ako sa presence nila pero syempre i need to stay on guard kahit wala naman silang ginagawang masama sakin so far.
Sabado ngayon kaya walang pasok so sakto lang din talaga yung pag process ng kaso kasi maaasikaso ko agad.
Sumakay na ako ng taxi at maya maya lang ay nakarating na sa police station. Naabutan ko dun si Atty. Dizon at isa pang abogado na tingin ko ay isa sa mga abogado nila Aliah kasi mukha itong mamahalin at professional.
"Nica parang awa mo na wag mo naman akong ipakulong" napatingin ako kay tita francine ng bigla itong lumapit sakin at hinawakan yung kamay ko
"Ito na ang kabayaran sa lahat ng ginawa nyo samin. Wala na po akong magagawa" walang emosyon kong sagot sa kanya at dahan dahan na tinatanggal ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko
"Magbabayad ako. Babayaran ko lahat ng pera na kinuha ko sa inyo wag mo lang akong ipakulong parang awa mo na" pagmamaka awa nya pa na ngayon ay napaiyak na
"Really tita? San po kayo kukuha ng dalawangpung milyon?" sarcastic kong tanong sa kanya
"Ibebenta ko lahat ng properties ko. At kung kulang pa ay pagtatrabahuan ko. Please Annica ayokong makulong. Paano nalang si Francis? Pano nalang yung pinsan mo?"
"Dapat inisip nyo muna yan bago nyo ginawa sa mga kapatid ko yun. Isang taon naghirap ang mga kapatid ko dahil sa inyo"
"Patawarin mo na ko. Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko. Nalulong lang talaga ako sa sugal. Please Annica? Gagawin ko lahat para makapag bayad"
Di ko na pinatagal ang usapan at pumayag nalang sa gusto ni tita francine. Kahit papano naman ay naging mabait sya samin nung mga panahon na kakamatay lang ng parents namin. May anak din sya at ayokong maranasan nila yung hirap ng walang magulang.
Nagka pirmahan nalang kami ng kontrata na within this year ay mabayaran nya ng buo ang 20 million nya na ginastos nya sa sugalan. Nasa kontrata din na hindi na sya pwedeng lumapit pa saming tatlo magkakapatid at tinanggal na din sya bilang legal guardian namin since nasa legal age naman na ako at ako na ang bahala sa mga kapatid ko.

BINABASA MO ANG
Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For Me
RomanceThis is a story of a pretty-face bitch who fell in love with her Maid HIGHEST RANK ACHIEVED #1 IN BISEXUAL (08-09-22) #1 IN LESBIAN (05-26-23)