Annica's POV
Nag aayos ako ng mga gamit ko ngayon. Pano ba naman kasi sa galing ng amo ko ngayon lang sinabi na may pupuntahan pala kami. Birthday daw ng Kapatid ni Hazel na boyfriend ni Keira at inimbitahan kami. Bigla daw kasi naisipan na gawing 2 days and 1 night yung party kaya eto ako ngayon kailangan talaga magdala ng mga gamit. Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas nako agad ng sala.
"What took you so long? Maglalayas ka ba?" Inis nyang bungad sakin tas napatingin pa sa bag ko
"Syempre 2 days tayo dun eh. Mas mabuti na yung may extra akong damit. Ako naman magdadala nito hindi naman ikaw" sagot ko naman sa kanya. Halatang nainis sya lalo kasi sinagot ko na naman sya. Lagot ako neto
"Maam, anjan na po sa labas si sir Luke" biglang singit ni Ate Jona kaya napabaling yung pansin ni Liah dun. Buti naman.
Pero sino daw? Si Luke?
"Okay let's go" yun lang ang sinabi nya at naglakad na palabas. Sumunod naman ako sa kanya kasi baka mas lalong magalit pa.
Pagkalabas namin ng bahay ay nakita ko agad si Luke na nakatayo sa may kotse nya. Sobrang pogi nito sa suot nyang white polo and shorts. Parang ang linis nyang tingnan. Nahiya yung kutis ko sa kanya. Sobrang puti.
"Hi babe" rinig kong sabi nya at hinalikan pa si Liah sa pisngi. Nainis ako dun pero di ko nalang pinansin
"Hi" bati din sa kanya ni Liah
"Are you sure sasabay na kami sayo? I can drive naman""Yes. I insist please" sagot naman ni Luke. Shuta so sabay sabay pala kami pupunta dun sa resort?
"Okay let's go" sabi naman ni Liah.
Binuksan ni Luke yung likuran para malagay na din yung gamit.
"Hi little one" bati nya sakin. Ano ngayon nya lang ako nakita?
"Hello po" bati ko nalang din sa kanya. Di naman ako bastos eh
"Pasok ka na para makaalis na tayo" nakangiti nyang sabi kaya pumasok na ko sa backseat. Nakita ko naman na pinagbuksan nya ng pinto si Liah and syempre katabi nya sa harap yun.
-
Nasa byahe na kami at di matigil tong dalawang nasa harap ko sa paghaharutan. Hahawakan ni luke yung kamay ni Liah tapos hahalikan. Mag uusap sila tapos magtatawanan. Tsk. Edi wow kayo na sweet. Di ko alam kung malayo ba yung resort kaya kinuha ko nalang yung earphone ko. Makikinig nalang ako ng music kesa makinig sa harutan nila.
"Hey baby, wake up"
Nagising ako dahil sa pagpisil ni Liah sa mukha ko. Shit nakatulog pala ako. Napatingin agad ako sa paligid kung nasan si Luke. Nasa labas na pala dala dala yung mga gamit namin.
Lumabas na kami ng kotse. Nangalay yung likod ko kaya nag unat unat muna ako. Malaki at maganda yung resort nila Hazel. Andaming pool kaya hindi crowded sa bawat lugar. Madami din tao ngayon. Di naman nila kailangan solohin tong resort para lang sa birthday kasi sobrang laki talaga.
"Nicaaaa" napalingon ako sa kung sino yung tumawag. Si Hazel pala yun. Tumakbo sya palapit samin.
"Im so glad you made it" nakangiting sabi sakin ni Hazel
"Wala naman akong magagawa kahit tumanggi pa ko" pabiro kong sabi. Tumawa naman si Hazel at tiningnan si Liah
"Thanks Ali" inirapan lang sya ni Liah. Aga aga napakasungit
"And Luke, Hi" bati nya rin kay luke na katabi ni Liah
"Hi. Where's your brother?" tanong ni luke kay hazel. Oo nga pala yun ang pinunta namin dito
BINABASA MO ANG
Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For Me
DragosteThis is a story of a pretty-face bitch who fell in love with her Maid HIGHEST RANK ACHIEVED #1 IN BISEXUAL (08-09-22) #1 IN LESBIAN (05-26-23)