Chapter 21: Tequila

13K 525 93
                                    


"Uy Nica anyare jan sa alaga mo at nakasimangot?"

Bulong na tanong sakin ni Keira. Kasi naman yung kilay ni Liah nagsasalubong na. Galit na galit sakin.

"Nagalit yata sakin. Antagal ko daw kasi"

"So impatient as ever. Hayaan mo kakalma din yan maya maya"

Natapos na kami lahat mag dinner pero di nya parin ako pinapansin. Si Luke lang ang kinakausap nya. Pati si Hazel di ako pinapansin. Si Kiera lang ang bukod tanging pumansin sakin pero umalis din naman agad para samahan yung jowa nya. Baka invisible ako di lang ako na inform.

"Wait lang guys tawagin ko lang si Keira para makapag bar na tayo"

Tumayo na si Hazel para tawagin si Keira. Ako thirdweel na naman. Wala naman akong magawa kaya kinuha ko muna yung phone ko at nag scroll sa fb. Nakita ko yung mga uploads ni Hannah nasa tagaytay pala sya ngayon. Na miss ko sya bigla. Sya lang yung bukod tanging di pinagseselosan ni Liah. Kung andito lang sana si Hannah edi sana di ako out of space dito.

Napatingin ako sa nag pop up na text. Galing kay Liah?

From: Maam Liah

Are you ignoring my friend request?

Napatingin ako sa kanya. Hawak hawak nya din yung phone nya at may tinitingnan dun. Anong friend request? Sa fb ba?

Chineck ko agad yung friend requests ko sa fb. Madami kasi nag a'add sakin after nung School fest kaya di na ako nag aaccept. Pag open ko nakita ko name nya. Inaccept ko agad yun.

Pano nya nalaman na nag f'fb ako ngayon? Baka pasimple syang tumitingin sakin? Assumera na naman ako. Never ko naisipan istalk si Liah sa fb. Macheck nga?

I was about to check on her profile pero wag nalang pala. Masyadong mapanakit yung latest post nya eh.

 Masyadong mapanakit yung latest post nya eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Edi wow. Nahiya pa syang itag si Luke. Pwede bang mag angry react? Wag nalang.

Binalik ko na yung phone ko sa bulsa. Nawalan ako ng gana bigla. Gusto kong umalis sa harap nila. Gusto kong huminga. Wala naman akong hika pero feeling ko sobrang sikip ng dibdib ko.

Kung magharutan sila parang wala ako sa harap nila. Lagi silang ganyan. Alam ni Liah na may gusto ako sa kanya pero di nya man lang naisip kung ano ang mararamdaman ko everytime na sobrang sweet nila ni Luke. Gusto kong magreklamo pero di naman pwede. Amo ko sya at di ako pwede maging bastos.

Ang hirap. Di ko magawa yung gusto ko. Kahit magpaalam ako sa kanya para magpahangin ngayon for sure di sya papayag. No choice ako kundi tiisin nalang yung bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Sa wakas at nakabalik na sila Hazel at nag aya na mag bar. May mga iba pa silang kasama ngayon. Mga friends din yata nila. Mas lalo akong nagmukhang hangin. Di ko sila ka level. Bakit ba ako nandito ngayon? Gusto ko na talagang umalis.

Salmonte Series Book #1 | She Is Maid For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon