The Monster

5.5K 360 28
                                    

Chapter Thirty

PAKIRAMDAM ni Meredith ay sadya siyang iniiwasan ni Vengeance. Mula nang sabihin niya rito na gusto niya itong makausap ay hindi na halos niya ito nakita nang mga sumunod na araw. Nakita niya ito nang sumapit ang midterms. Pero pagkatapos noon ay lulubog-lilitaw na naman ito na parang kabute. Marami siyang tanong na tanging ito lamang ang makasasagot. At kung totoo man ang palagay niyang umiiwas ito ay hindi siya makapapayag na hindi sila magkausap. Kaya naman isang Sabado ng hapon at makitang lulan ng motorsiklo nito si Vengeance ay naisip niyang sundan ang binata.

Halos natitiyak na niya kung saan ito papunta. Nagpaalam siya kay Lola Miling na may bibilhin lamang na gamit para sa isang project. Agad naman siyang pinayagan.

"Mag-iingat ka," bilin nito na tanging tango lang ang kanyang itinugon.

Pumara siya ng traysikel at nagpahatid sa bungad ng kalsadang paakyat sa diversion road na madalas nilang pag-jogging-an ni Vengeance. Sigurado siyang doon ang punta nito.

Kailangan na niya ng kasagutan sa mga tanong na nagiging dahilan ng pangangalumata niya. Hindi siya napupuyat ng mga aralin niya sa uni pero napupuyat siya nang dahil kay Vengeance.

Pagkaibis ng traysikel ay nilakad na lamang niya ang daan paakyat. Hirap pa ang mga pangkaraniwang sasakyan na akyatin ang bahaging iyon dahil medyo matarik at malubak. Papadilim na. Pero hindi siya masyadong nag-aalala para sa sarili. Kumpiyansa siya na maipagtatangol ang sarili sa sinumang magtatangka nang masama sa kanya.

She reached the top without breaking a sweat. Her body is really used to physical activities now. Hindi tulad noong una na kahit isandaang metro yata ang lakarin niya ay hinihingal at pinagpapawisan na siya.

Malayo-layo pa ay natanaw na niya ang medyo pusikit na liwanag na nagmumula sa pakay na bahay. O gym slash firing range. Hindi niya eksaktong matukoy na bahay iyon dahil mas na parang hideout iyon kaysa ordinaryong tahanan. Now that she thought about it, lalo ng mas nabigyang-diin sa isip niya na may ginagawang mga illegal transactions si Vengeance. Malayo sa karamihan at mukhang nag-iisa lamang sa bahaging iyon ang bahay. Puwedeng-puwede nitong gawin ang kahit na ano sa lugar na iyon nang walang aalalahaning may makaka-witness.

She shakes off that thought. Kahit malakas ang kutob niya na tama ang lahat ng iniisip tungkol kay Vengeance, there's still a part of her that refused to believe. At hindi niya alam kung bakit. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Malapit na siya sa pakay nang makarinig ng malakas na sigaw.

"Huwag po, huwag po. Tulong! Tulungan niyo akooo...!"

Sa halip na matakot para sa sariling kaligtasan ay napamadali ang mga hakbang ni Meredith. Tinunton niya ang pinagmumulan ng boses.

"Tulooong...!"

Kumakabog ang dibdib ni Meredith. Boses ng lalaki iyon. At mahihimigan sa boses nito ang takot at desperasyon. Bahagya na niyang pinaglaanan ng pansin ang ilang sasakyan na nakita sa tabi ng motorsiklo ni V. Naroroon ito katulad ng iniisip niya. Pumasok na siya sa loob kung saan nanggagaling ang sigaw ng lalaki. Ngunit para siyang itinulos sa kinatatayuan nang pagbungad niya ay sumalubong sa kanya ang isang nakagigimbal na eksena. Kitang-kita ng mga mata niya nang barilin ni Vengeance sa ulo ang isang lalaki. He shot the man in cold blood. He didn't even blink. At nang mapadako ang tingin nito sa kinatatayuan niya ay hindi siya nakakilos sa labis na sindak. At nang iumang nito ang hawak na baril sa kanya ay parang biglang nagyelo ang kanyang pakiramdam.

"Vengeance!"

Umalingawngaw ang isang putok. Tila namanhid ang buong katawan ni Meredith. Nasapo niya ang dibdib kasabay ang tila panlalambot ng kanyang mga binti. Gumiray siya sa kinatatayuan. Napapitlag pa siya nang may humawak sa kanyang isang matangkad na lalaki. He looks so beautiful, almost angel-like.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon