The Suspect

4.6K 428 44
                                    

Chapter Thirteen

MASAMA ang tinging ipinukol ni Meredith kay Rocky.

"O, bakit? Ano ang ginawa ko?" inosenteng tanong nito.

"Iniwan mo ako kahapon," pagalit na sumbat niya rito.

''Naro'n naman si YM. Paano mo nasabing iniwan kita?" itinuro ni Rocky ang nakasabit na Boy Bawang. "Pabili ng sampung piraso."

Kinuha niya ang nakasabit na tsitsirya at binilang. Saktong sampung piraso iyon. Iniabot niya kay Rocky sabay kuha ng bayad nito. Medyo padaskol pa nga dahil naiinis talaga siya sa ginawa nito.

"'To naman, sorry na. Maarte kasi ang puwet ko. Hindi siya basta-bastang nagtitiwala sa inidoro ng iba. Loyal 'to sa inidoro namin sa bahay."

"Sana nagpaalam ka man lang," sikmat pa niya.

Habang naglalakad sila kahapon na magkadikit sa ilalim ng payong dahil nga lumakas na ang ulan, kulang na lang talaga ay literal siyang matunaw dahil pinagtitinginan sila ng mga taong nakakasalubong nila. Hiyang-hiya talaga siya. At tila nadagdagan pa ang kahihiyan niya nang tanungin siya ni Lola Miling kung nanliligaw raw ba sa kanya si YM. Bagay na mabilis niyang itinanggi at nagpakailing-iling.

"Atsaka harmless naman si YM. Pogi pa," nahimigan niya ang panunukso sa huli nitong sinabi.

 "Ano ang connect?"

"Ano nga ba? Teka lang, kakain muna ako ng Boy Bawang para gumana ang mga neurons ko," binuksan nito ang maliit na pack ng tagpipisong tsitsirya atsaka iyon ibinuhos sa loob ng bibig. Hindi pa nakuntento roon at binuksan nito ang ikalawa pa at ibinuhos ding lahat sa bibig.

Hindi na ikinagulat ni Meredith ang ginawa nito. Kung 'yong dalawang buong itlog nga kasya sa bibig nito gasino na iyong dalawang maliit na pakete ng tsitsirya. Binalikan na lamang niya ang binabasang libro. Hindi na siya interesadong marinig ang sasabihin ni Bato. Puro lang naman ito kalokohan. 

Habang nagbabasa siya ay dinig niya ang malutong na pagkain nito ng Boy Bawang. Napailing na lang siya.

"Luma na yata 'tong Boy Bawang niyo, medyo makunat na."

"Makunat na pero dinig na dinig ko 'yong tunog ng pagnguya mo," sagot niya rito na may kasamang matalim na irap.

Ngunit agad siyang napabawi ng tingin nang makitang bahagyang nakauklo sa estante ng tindahan ang tila kagigising lamang na si YM. Nakaturay pa ang may bandang unahan ng buhok na parang sinuklay lamang ng mga daliri.

"Isa ngang vitamins," saad nito na nakasenyas pa ang hintuturo.

"Vitamins? Baka lason," hindi napigilang komento ni Meredith bago tumayo para kumuha ng sigarilyong binibili ni YM.

Narinig niya ang pagbungisngis ni Rocky. "Nagagalit, Boss."

"Tss. Kapag tumigil ako sa pagbili ng vitamins magiging kabawasan 'yon sa benta niyo."

"It was just a small amount compare sa damage na puwedeng magdala ng sakit sa baga mo."

"Uy, concern siya," tudyo ni Rocky.

Inambaan ito ng kamao ni Meredith. Namumuro na ito sa kanya. Nang mapatingin siya sa mukha ni YM ay tila may naglalaro na namang ngiti sa isang sulok ng mga labi nito. Napasimangot siya. Bagay talagang magkaibigan... o mag-amo ito at si Rocky. Parehong mapang-asar ang hilatsa ng mga mukha.

"Ito na po ang vitamins niyo at ito ang pansindi para mapabilis ang pagkasunog ng inyong baga. And for the record, I am not concern."

"Bakit parang defensive?" ani Rocky.

The Untouchables Series Book 2 Vengeance LiuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon