Chapter Twenty
NANAKIT ang buong katawan ni Meredith kinabukasan. Para siyang natrangkaso at hirap na hirap kumilos. Nang dumating si Vengeance para sunduin siya sa napag-usapan nila nang umagang iyon ay napagalitan ito ni Lola Miling. Inusisa pa ito ng butihing yaya kung ano raw ba ang ginawa sa kanya ng binata at daig pa niya ang nabugbog at hindi halos makabangon ng hinihigaan. Pinilit niya lang bumaba ng kanyang silid para harapin ito. Ngunit sa bawat hakbang ay napapangiwi siya dahil parang namamaga ang mga kalamnan niya.
"I'm okay, Lola," awat niya sa yaya. "Nabigla lang yata ang katawan ko dahil hindi naman talaga ako sanay sa full body workouts."
"Workout lang ba talaga ang ginawa ninyo?" matiim na nagpalipat-lipat ang tingin ng dating yaya sa pagitan nina Meredith at Vengeance.
"Yes, Lola," mabilis na sagot ni Meredith. Ano pa ba naman ang puwede nilang gawin ni Vengeance maliban sa pag-e-exercise?
"Tiyakin niyo lang, ha? At ako ang malilintikan sa Mommy mo," may pag-aalalang saad ng yaya saka ito nagpaalam para hayaan silang makapag-usap nang sarilinan ni Vengeance.
"Opo, Lola."
Magkaharap silang nakaupo ni Vengeance sa maliit na sala slash komedor ng bahay. Wala kasing masyadong space doon dahil sa ilang nagkalat na boxes at mga paninda na hindi na magkasya sa loob ng tindahan.
"Um, pasensya ka na kay Lola," paghingi niya ng dispensa kay V.
"Ayos lang. Normal lang naman 'yon."
Ngumiti siya. "Gusto mo ba ng maiinom? You drink coffee, di ba? May kape kami rito, instant nga lang."
"Huwag ka ng mag-abala. Nahihirapan ka na ngang kumilos. Magpapabili na lang ako ng breakfast natin kay Rocky."
"Naku, huwag na. Nagluto naman si Lola kaya may breakfast na rito."
"Baka kulangin. Makikikain kami ni Rocky."
"Er, s-sige. Ikaw ang bahala," sa kawalan ng maisasagot ay iyon na lang ang nasabi niya.
Agad itong nagpasintabi sa kanya at tinawag si Rocky. Kahit nahihirapang kumilos ay tumayo si Meredith mula sa kinauupuan at nagtungo sa kusina para tingnan kung ano ang nilutong agahan ni Lola Miling. Naulinigan niya itong maagang bumangon. At nang katukin siya nito sa kuwarto para sabihing naroroon na si Vengeance ay sinabi nitong nakapaghanda na ito ng kanilang agahan.
"Huwag ka na munang kumilos," ani Vengeance mula sa likuran niya. "What do you need? Nauuhaw ka ba?"
"T-tinitingnan ko lang kung ano ang inihandang breakfast ni Lola. I think may sinangag na rito at tinapang bangus. Maghihiwa na lang ako ng kamatis."
"Ako na ang gagawa. Sit down," hinila nito ang isang dining chair.
Hindi na siya nagreklamo dahil totoo namang hirap talaga siyang kumilos.
Itinuro niya kay Vengeance ang lagayan nila ng kamatis.
"Gaano karami?"
"Tatlo lang."
"Okay."
"Piliin mo 'yong hindi masyadong hinog para malutong."
"I got it."
Kumuha ito ng lagayan at kutsilyo.
Tingin niya ay hindi naman ito asiwang kumilos sa kusina. Naisip niyang siguro ay sanay itong asikasuhin ang sarili. Pinapanood niya lang ang ginagawa nito habang naghihiwa ng kamatis. Gustung-gusto niya ang juice ng kamatis na isinasabaw sa sinangag. She developed a weird taste and eating habit. Weird iyon para sa kanya dahil hindi iyon ang nakagisnan niya.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
ActionSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu