Chapter Thirty-Five
TILA inilutang ang pakiramdam ni Vengeance nang mainit na tugunin ni Meredith ang kanyang halik. Her hands coiled around his nape as she eagerly welcomed his questing tongue. She moaned sexily when she met his tongue and play with it for a little tongue hockey. The kiss became heated and all-consuming. At kung pagbibigyan ang kanilang mga sarili ay batid niyang walang makapipigil sa kanila.
They were both panting nang maglayo ang kanilang mga labi. Pagkatapos ay muling naglapat na para bang ayaw pang matapos ang sandaling iyon. They kissed and parted and then kissed again like they couldn't get enough.
"We should go," ani Meredith ngunit tila hindi napaglabanan ang sariling inilapat ang mga labi sa mga labi niya.
"Yes, we should," his reply and gave her a peck on her lips.
"No, really," she was smiling and gave him another quick, light kiss on the lips.
"Sure?" he was smiling, too, and he gave her a chaste kiss.
"V, we should stop," natatawang sabi nito.
Ngunit sa bawat pagdidikit ng mga labi nila ay tumutugon din naman agad ito nang may init at kapusukan. In the end, they compromised.
"Let's fill our stomach first. And from there let's see where this quest for the best goto or pares will lead us," she proposed. "I'm hoping it's not in a memorial park again."
He laughed so hard after hearing that. It brought back old memories, sweet memories. He remembered the night he took her innocence. It was a very unfortunate event--them ending in a memorial park because he lost control of the steering wheel. Nevertheless it was a moment that he will cherish for as long as he's still breathing. At nang saglit niyang lingunin si Meredith ay may munting ngiti rin na nakaguhit sa mga labi nito. He'd like to think that it was a pleasant memory to her as it was to him.
"There, goto pares," itinuro ni Meredith ang isang parang kubol sa gilid ng daan.
May nakalagay na goto/pares sign doon. Naisip ni Vengeance, daig pa ng asawa niya ang naglilihi. O siguro ay nami-miss din nito iyong panahon nila noong nag-aaral pa silang dalawa at yayayain niya itong kumain sa Parekoy's Lugawan o di kaya ay ibibili niya ito ng pares. Those were the days that he thought didn't matter to her at all. But judging her reaction, looking excited and almost salivating at the prospect of eating the food they used to eat, masasabi niyang nagkaroon ng timbang sa alaala nito ang bahaging iyon sa kanilang nakaraan.
Tulad kanina ay nauna pa ito sa kanyang bumaba ng sasakyan. Kaagad itong lumapit sa tinderang nagtitinda ng lugaw. Parang hindi nito pansin ang nakatangang hitsura ng ilang kumakain doon na animo'y mga nakakita ng artista. Oo, may ganoong impact ang kagandahan ni Meredith kahit madalas ay nakaka-intimidate ang personalidad nito sa karamihan. Maging ang tindera ay saglit na napatitig sa kanyang asawa bago iyon ngumiti at sumagot nang may paggalang.
"Mainit na mainit pa po, Ma'am. At garantisadong hindi maalat."
"Thank God. Hindi na baleng matabang, huwag lang maalat."
"Masarap ho ang pares at goto nila rito, Ma'am," sabat ng isang lalaking kustomer. "Kaya nga ho kahit malayo itong puwesto nila Asyang dinadayo namin."
"Totoo ho 'yon, Maam," pabibong susog naman noong isa na ipinagsalubong ng kilay ni Vengeance.
The air around him reminds him of Scythe.
"Kapag natikman niyo ang goto at pares ni Asyang ay babalik at babalik din kayo," dagdag pang saad ng lalaki.
"Tumigil ka na, RJ," nakangiting saway rito noong tindera na hula ni Vengeance ay ang tinukoy na Asyang. "Saglit lang po, Ma'am, at ipaghahanda ko kayo ng mesa."
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
AçãoSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu