Chapter Forty-One
KINUMPLETO nilang isang linggo ang pananatili sa Nuvou Hotel and Resort. Ngunit kung si Vengeance ang masusunod ay gusto pa niyang i-extend ang honeymood nila ni Meredith. Pero dahil pareho silang may kailangang gampanan--his promise to help her--at ang misyon ni Meredith na bigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Baby Rose Ilacad, umuwi na sila mula sa Tagaytay. They will be staying in Empyrean, kung saan meron siyang sariling bahay tulad ng kanyang mga kaibigan. Ayos lang din iyon kay Meredith dahil malapit lamang iyon sa law firm nito.
"By the way, I'm expecting someone today at the office," ani Meredith na maagang gumayak sa kauna-unahang umaga nila mula sa honeymoon.
Nakahiga pa si Vengeance at pinapanood ang asawa habang naglalagay ng manipis na makeup. Kung siya ang tatanungin ay mas gusto niyang bare lamang sa anumang kolorete ang mukha nito.
"A client?" he asked bago ipinailalim ang dalawang kamay sa ulo.
"Nope. My soon to be partner in the law firm."
"Lalaki o babae?"
"Lalaki."
"Straight or gay?"
"Straight."
Biglang nabuhay ang kanyang interes. "Name?"
"Gideon Hayes."
"An American?"
"Half-half."
Nagsalubong ang mga kilay ni Vengeance. Parang hindi maganda ang pakiramdam niya.
"Can he practice law in the Philippines?"
"Of course, Filipino citizen naman siya at dito rin siya nagtapos ng pag-aaral. He even make it to the top ten at the Bar Exam."
"Hah."
Mula sa paglalagay ng hikaw ay nilingon siya ni Meredith. "What was that for?"
"Ihahatid na kita sa office," aniya at dali-daling pumasok ng banyo bago pa makasagot ang asawa.
Hindi talaga maganda ang kutob niya sa Gideon Hayes na 'yon. He took a bath as fast as he could. At naalala niya, hindi pa nga pala sila nakakapag-almusal.
"Aren't you gonna eat breakfast?" kahit puno pa ng bula ang ulo ay isinungaw niya iyon sa pinto ng banyo para marinig ng asawa.
"Sa office na lang. I can't afford to be late, so hurry up."
"Noted." May lakad din siya sa araw na iyon. Pero mas importanteng makita niya ang hitsura ng Gideon Hayes na iyon bago pumunta sa taong pakay.
"Are you going to work today?" tanong ni Meredith mula sa labas ng banyo.
Itinigil niya saglit ang pagbabanlaw ng ulo para sagutin ito. "Nope. I'm meeting Zee today."
"Casual wear?"
"Uh... yep?"
"Jeans and shirt?"
Natigilan siya. Ipaghahanda ba siya nito ng bihisan? The thought suddenly thrilled him and gave him some butterflies. Darn!
"Yes," he almost choke on his reply.
"'Kay."
He was smiling like an idiot while under the shower.
"I have prepared your clothes. Hurry up!"
"Coming!" hinagip niya ang tuwalya sa towel rack at kinuskos na mabuti ang kanyang buhok. Iyon na yata ang pinakamabilis niyang ligo
Lumabas siya ng banyo na nakatapi lamang ng tuwalya. Ang asawa niya ay may tsine-check na dokumento. She's wearing a pair of eyeglasses and she looked so effin' hot with it. She was clad in a pair of expensive blazer jacket and a pants trousers. Underneath the apricot blazer was a white, silk top.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
ActionSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu