Chapter Thirty-Nine
MEREDITH released a long, shaky breath. Nang tingnan niya ang oras sa suot na wristwatch ay quarter to eleven na iyon ng gabi ngunit hindi pa rin bumabalik si Vengeance. They had an early dinner before they went up to their suite. Ngunit nang makapasok sila sa loob ay nagpaalam ito sa kanyang maglalakad-lakad sandali. Sa madaling salita ay gusto nitong mapag-isa. Tango na lang ang naisagot niya bago ito lumabas ng suite.
Parang may nakadagan na toneladang bagahe sa dibdib niya pero hindi niya magawang umiyak. She took a long bath instead, hoping the heaviness inside her chest will alleviate. Habang nagpapatuyo ng buhok ay hinintay niyang bumalik si Vengeance. Sa buong sandaling naghahapunan sila ay hindi halos ito nagsasalita. He looks so devastated. Masakit din naman sa kanya ang nangyari. She just consoled herself that it probably wasn't the right time yet. Nagsisimula pa lang siyang magkapangalan noon sa napili niyang karera. Bagaman kung nalaman niya o naging aware man lang siya sa mga pagbabago noon sa sariling katawan, baka naisantabi niya ang karera at mas pinagtuunan ng pansin ang pagdadalantao.
Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Isinandal niya ang ulo sa kinauupuan at malungkot na pinagmasdan ang madilim na ulap. Pakiramdam niya ay nasa ganoong estado ang buhay niya sa mga sandaling iyon.
Black night. Naalala niya bigla ang sinabi ni Vengeance.
Ganoon din ba kadilim ang gabing iyon minsan sa buhay nito? How very poignant. Wala sa loob niyang nayakap ang sarili nang bigla siyang makaramdam ng lamig. Itinaas niya ang dalawang paa sa kinauupuan atsaka patagilid na nahiga sa armrest ng sofa. She curled up in a fetal position while gazing up on the dark horizon.
Namimigat na ang talukap ng mga mata ni Meredith nang marinig niyang bumukas ang pinto ng suite. Tinatamad na siyang bumangon kaya nanatili na lamang siya sa kanyang puwesto. Mayamaya pa ay may narinig siyang mga kaluskos. Pagkatapos ay ang mahinang pagmumura ni Vengeance. Bihira niya itong marinig na magmura maliban na lamang kapag nasa kasukdulan na sila ng kanilang pagtatalik.
Is he drunk again?
Babangon na sana siya nang marinig niya itong tumatawag sa front desk.
"Have you seen my wife?"
Sa narinig ay mabilis siyang napabangon mula sa sofa. Hindi talaga siya nito mapapansin dahil nakaharap ang sofang kinahihigaan niya sa terrace. Bukod doon ay mataas ang sandalan niyon kaya hindi talaga mapapansin ang nakahiga niyang bulto kung hindi pupunta sa mismong sofa.
"V?" tawag niya sa asawa na parang natalo ng kung ilang milyon sa casino ang hitsura. Magulo ang buhok na parang ilang beses sinuklay ng mga daliri.
Napaawang ang bibig nito nang mapatingin sa kinaroroonan niya.
"Never mind," sabi nito sa kausap at ibinalik sa cradle ang telepono. Sa ilang malalaking hakbang ay tinawid nito ang distansyang nakapagitan sa kanila.
Napasinghap siya nang basta na lamang nitong kabigin at yakapin nang napakahigpit. Halos pangapusan siya ng hangin nang tila bakal na pumalibot sa kanyang katawan ang mga bisig nito.
"I thought you left me again."
Muntik na siyang matawa sa sinabi nito. But his voice held so much pain that it brought a sting to her eyes instead.
"No. Never again," she hugged him back as tight as she could. She rubbed his back like a mother would to pacify her child. "Never again."
Nang lumayo ito sa kanya ay may ilang sandaling pinakatitigan nito ang kanyang mukha. Pagkuwa'y inabot nito ang kanyang pisngi, his knuckles caressed her cheek. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Meredith at kusang ikiniling ang mukha sa banayad sa haplos nito. His eyes soften. Bumaba ang mga labi nito at lumapat sa kanyang noo. He whispered some words that she could not understand. Then he kissed the tip of her nose, her cheeks, down to her chin, before claiming her lips for a sweet and gentle kiss. She kissed him back with all the pent up emotions she's been holding back for so long.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
ActionSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
