♥ 2

46 0 0
                                    



Lumipas ang maraming linggo, wala ako inatupag kundi magtabaho, maglaro at kumain. Di din ako masyado nagpupunta dun sa shop kasi nagkukulang ang tulog ko pag andun ako. Buti pa pag dun ako sa shop na mas malapit sa bahay, nakakapaglaro ako at nakakatulog ng maayos. Nilalakad ko lang kasi kaya di nasasayang yung oras sa tulog. Pwede ko pa iwasn kung may oras pa kong natitira. Hahaha.


Sa kasamaang palad, nagsara yung shop na yun. Panu yan? Wala nang malapit na shop sa bahay. Don't tell me, dun na naman ako kung saan ko nakita yung Cutie na guy. Infairness, kahit papano parang gusto ko pumunta dun at makita sya. Kaso for sure, di ako gusto makita nun. Pake ko? May pambayad ako ee. Wala syang magagawa.


Dumating ang off ko na naman. Di ko mahagilap ang mga kaibigan ko. Nag-Group Message ako kaso walang nagrereply. Si Magz at Avi, wala sa mga bahay nila. Yung mga Girl Friends ko naman, busy sa mga jowa nila. Minsan tuloy natanong ko sa sarili ko. Pag ako kaya nagkaroon ng jowa at nawalan din ng time sa kanila, hahanapin kaya nila ako? Hahaha. As if magkakajowa. Goodluck naman. Ee makakita lang ako ng konting rejection mula sa isang guy tumitigil agad ako. Ayoko ng rejection ee.


Medyo naging pabor sakin yung pangyayari. Okay lang sakin di makatambay. Gustong gusto ko din kasi talaga maglaro tonight. Ewan ko ba. Hooked na hooked ako sa game na yun. Yung minsan, pinapatayan ko sila ng phone para di nila ako makontak kahit alam naman nila kung saan ako naglalaro. Hahaha!(Ang sama.)


Di ko na naman mahagilap ang mga bakla. Ewan ko kung anung trip nila. For sure, may mga contact na namang mga lalaki yung mga baklang yun. Hahaha. Bahala sila sa mga buhay nila. Pag tingin ko sa orasan, malapit na mag-6 o'clock ng gabi. Kailangan ko na pala maligo. 7 o'clock ng gabi kasi naguumpisa yung promo sa Computer Shop na nilalaruan ko. Mura lang. Perfect para sa mga katulad kong patayan kung maglaro. Yung inaabot ng umaga at kala mo wala nang balak umuwi. Hahaha.


Pagkatpos ko maligo at magbihis. Dumerecho ako sa Shop. Medyo malapit lang pero kailangan pa sumakay ng jeep. Pagdating ko sa shop, napatingin ako sa paligid. Kakaiba talaga yung aura dito. Palibhasa nga, Computer Shop, so napakadaming lalaki. At everytime na bubukas yung pinto napapatingin yung mga players. So, malamang alam nyo na. Napatingin sila sakin nung pumasok ako. Care ko kung anu iniisip nila. Nagpunta ako dun para maglaro. Nagbayad na ko agad at umupo sa station. Nagbukas ng Facebook, Youtube at naglog in sa larong nilalaro ko. Habang nagiintay sa match, nagbrowse muna ako sa Fb habang nakikinig ng Take Me Home ng Cash Cash sa Youtube-


"OH ANO. BAKA! MALAKAS KA BA? DI MO KO KAYA! T**G IN* M*!"


Nagulat ako sa lalaking sumigaw sa tabi ko. Sa sobrang lakas ng sigaw nya ee narinig ko kahit malaks din yung volume sa Youtube. Napatingin ako sa lalaking ng medyo irritated. Syempre, bahagyang nawala yung poise ko sa sigaw nya.

Ang hot nya. Mukang may lahi. Bagsak yung buhok na hanggang kilay at itim na itim.. Almond eyes na di ko makita kung black ba o brown, basta ang alam ko, ang ganda ng mata nya, mapungay. Mapula yung lips at matangos yung ilong. Medyo maputi din sya. Di masyadong malaki yung katawan pero di din ganun kapayat. Tapos ang ganda pa ng porma nya. Gwapong gwapo. Muka sya yung tipong irarampa mo sa mall. Yung tipong maglalakad lang kayo hanggang mapudpod yung sapatos nya, maibalandra mo lang na sya yung jowa mo. HAHAHAHAHAHA! Bigla ko naman narealize,"Eto yung sumigaw? Ka-turn off naman. Mukang Guardian Angel kaso basura yung bibig."

He's his Lovestory ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon