Let's see what will happen. First time ko to. Hahaha. xD Sana magustuhan nyo. ~ ♥
♥♥♥♥♥
3:59am
Nakatingin lang ako sa orasan ng Avaya ko, nakapwesto ang hintuturo ko sa "Log Out" Button. Tinatawag lahat ng santo na wag na ko pasukan ng call. Utang na loob lang. Nag-aabang mag-alas-4. 4 o'clock kasi uuwi na ko. Ngatal na ngatal na ko umuwi. Last day of the week na at pagkatapos off na. Approved pa naman yung leave ko ng two days after off so, 4 days akong mawawala, 4 days akong di papasok. Mahaba -habang pagpapahinga to. SARAP! ^_^
4:00am
*PAK!!!
Mabilisan kong pinindot ang Log Out button. Sarap ng feeling. Yung tipong para kang nakalaya sa kulungan. Para kang nabunutan ng tinik sa lalamuna(OA lang. HAHAHA!)
"Taray! Uuwi na si Gayle! Ikaw na naka-leave ng two days.", sabi ng ka-officemate ko.
Nakalimutan ko. Ako nga pala si Gayle, isang Call Center Agent. Bakla. Pero kakaiba sa iba. Bakit? Di kasi ako pala-ayos. Okay na ko kung ano masuot ko papuntang opisina, matutulog lang naman ako at wala din nama nako pagpapagandahan ee. Isa din akong Gamer. Mahilig ako sa computer Games, tambay ako ng Computer Shop. Kung minsan nga, mas matagal pa ko naglalaro kesa sa working hours ko. Wala ee, yun talaga trip ko.
Nagligpit na ko ng mga gamit ko. Ready na ko umuwi, uwing uwi na ko actually. Pinatay ko na din ang Computer ko.
"Bye Selected Friends!", sigaw ko.
"Selected Friends talaga?!", tanong ni Rap, officemate-slash-friend ko.
"Bakit? Piling-piling mga kaibigan lang. Hahaha!", natatawang sagot ko kay Rap.
"O sige na. Uuwi na ko frieeends. Byeeeee!", paalam ko sa kanila.
Eto na naman ako sa habulang-gahasa kong uwi. 4am. Sino ba naman di matatakot umuwi ng ganitong oras? Ako lang yata. Haha. Oh well. Look on the bright side, off ko na.
*************
"Hi frieeend!! San tayo magmi-merienda?"
Rinig ko mula sa dreamworld ang boses ng kaibigan kong bakla na si Magz. Ugali nya yan. Iistorbohin ka mismo sa kwarto mo habang natutulog. Di ko naman sya masisisi, feeling kasi namin bawat oras mahalaga 'pag off na.
"Bakla, gising na! Ano ba?",gising ni Magz.
"ISARADO MO YUNG PINTO!!", sigaw ko. Iwan ba naman bukas yung pinto.
Infairness, sinarado nya naman yung pinto at bumangon na din ako, napansin kong hapon na pala. Sayang yung oras. Nakapag-laro sana ako kahit 4 hours lang.
"Kain tayo beks. Natotomi(Nagugutom) ako.", yaya ng bakla.
"San tayo kakain?", tanong ko habang naglalakad palabas ng kwarto. Dumirecho ako sa kusina para tignan kung anung niluto ng aking butihing Ina. Kaso di ko trip yung ulam. And as usual, walang katao-tao sa bahay. Walang si ermat at utol ko pati ang jowa nya.
"Bili na lang tayo ng mga inihaw-chi.", niyaya ko si Magz lumabas.
"Keri lang."-Magz
"Asan ba si Badong sa bahay nila?-Ako
"Daanan na lang natin. Yayain natin si bakla kung gusto kumain."-Magz
"Okay."-Ako
Lumabas kami at pumunta kela Avi. Isa pa naming friend na bakla, badong lang tawag namin pero Avi talaga name nun. Mahilig kami magtawagan ng kung anu anung mga pangalan, depende sa trip namin, minsan mga beauty queen, minsan mga bida sa mga teleserye at kung anu anu pa. Depende lang talaga sa kung anu unang maisip at lumabas sa bibig namin, at awa naman ng diyos, nagkakaintindihan pa rin kami. Ewan ko ba. Sadyang ganun talaga kami.
BINABASA MO ANG
He's his Lovestory ♥
Storie d'amoreIsang kwento ng pag-ibig dalawang puso. Isang beking takot nang magmahal pa at isang lalaking hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya nung una pa lang nilang pagkikita. Pero pano kung paglaruan ng tadhana ang mga puso nila? Pano susubok muli ang...