~ ~ ~ ~ ~ ~ Tristan
Nabagabag ako sa mga sinabi ni Gayle. Di ko alam na ganun na pala nararamdaman nya para sakin. Di ko alam na nahihirapan sya dahil sakin. Sa bagay, naiintindihan ko. Ganun din ako sa kanya eh. Iba na din nararamdaman ko para sa kanya. Malakas na yung nararamdaman ko para sa kanya. At wala na kong pakelam sa sasabihin ng ibang tao. Pero pano na ngayon? Masama loob sakin ni Gayle. Masama loob sakin ng taong nagpapasaya sakin.
Nagpunta ako sa shop. Umaasang makikita sya. Gusto ko humingi ng tawad. Gusto ko magkaayos kami. Kaya ko lang sya biniro ng ganun para makita kung totoong may gusto sya sakin eh. Kaso wala sya. Umasa lang ako. Nakita ko si Rej at Panda. Bigla ko naalala, mga tropa ni Gayle yung mga yun. Nilapitan ko sila.
"Panda.", tawag ko kay Panda.
Tumingin si Panda at Rej.
"Oh. Bakit bakit?", tanong agad ni Panda.
"Nakita nyo si Gayle?", sinagot ko ang tanong ni Panda ng isa pang tanong.
"Ha? Hindi ko na nga nakikita yung baklang yun ee.", malungkot na sagot ni Panda.
"Ah. Alam mo ba kung saan nakatira yun?", kinapalan ko namukha ko.
"Syempre naman.", sagot ni Panda.
Nakuha ko yung address ng bahay ni Gayle. Gusto ko puntahan agad. Pero panu kung wala sya? Panu kung magkita kami tapos ipagtabuyan nya ko? Di ko na inisip kung pano sasagutin yung mga yun. Ang mahalaga makita ko sya at kung papalarin, magbati kami.
Gamit ang sasakyan ng kuya ko. Pinuntahan ko ang bahay ni Gayle. Malapit lang pala sa shop. Maayos ang village na tinitirhan nya. Tahimik. Nakita ko ang bahay nya. Pumarada ako sa tapat ng street light sa tabi ng bahay nila.
*Lalabas ba ko? Kakatok ba ko?*
Isip ko.
*Sige. Kakatok ako. Bahala na si Batman.*
Napagdesisyonan ko. Tinignan ko mukha ko sa salamin kung maayos pa ba. Hinawi ko ang buhok pataas. Bababa na sana ako nang may lumabas sa bahay nya. Di ko maaninag kung si Gayle o ibang tao. Nakashorts na maikli, kita yung mahaba at maputing binti. Nakasandong puting hapit. Nakalugay yung buhok kaya di ko masyado makita yung mukha. Nakita kong humithit sya ng sigarilyo. Si Gayle nga. Way pa lang ng paghithit kilala ko na. Natawa ako bigla. Nakilala ko pati paghithit nya.
Pumasok sya ulit ng gate. Hahabol na sana ako kaso lumabas sya ulit. May dala nang tasa. At gitara? Marunong mag-gitara si Gayle? Binaba ko ng kaunti ang bintana ng kotse para marinig ko kung talagang marunong sya at kung anong kanta yung tinutugtog nya. Humanga na naman ako sa isang to. Kakaiba talaga. Di sya katulad ng iba. Mahilig sya maglaro nung online games tapos ngayon, malalaman ko, marunong din pala mag-gitara. Ano pa kayang supresa meron tong isang to?
Narinig ko ang tinutugtog ni Gayle. Alam ko yung kanta. Dati ko pa narinig yun. Wish You Were Here ni Avril Lavigne. Dati di ko pinapansin yung kanta, pero ngayon talagang nakinig ako. Di ko alam kung anung nagyayari sa boses ni Gayle. Parang lasing yata. Parang humihina. Biglang tumigil. Tumigil sya sa pagtugtog. Tinignan ko sya. Nakatingin lang sya sa langit. Madami namang bituin. Nanikip yung dibdib ko nag makita kong pinupunasan nya ang mga mata nya. Umiiyak sya.
Paguwi ko ng bahay. Dumirecho na ko sa kwarto ko. Sesermonan pa sana ako ng kuya kasi nagtagal ako sa paghiram ng kotse pero di ko na sya pinasin. Binigay ko na lang yung susi at pumunta sa kwarto ko. Humiga ako. Nag-isip. Tang ina! Bat ganun? Bat ko minahal yun? Eto na siguro yung sinasabi nila na pag-umibig ka, di na gagana mga mata mo. Basta nagtatalon sa saya yung puso mo pag kasama yung taong mahal mo, okay ka na. Badtrip. Galit sya sakin. Anong gagawin ko? Nagisip ako kung pano kami magkakabati ni Gayle hanggang nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
He's his Lovestory ♥
RomansIsang kwento ng pag-ibig dalawang puso. Isang beking takot nang magmahal pa at isang lalaking hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya nung una pa lang nilang pagkikita. Pero pano kung paglaruan ng tadhana ang mga puso nila? Pano susubok muli ang...