♥ 4

53 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw. Di muna ako nagpunta sa Computer Shop. Ayoko lang. Baka kung ano na naman marinig ko mula sa lalaking yun. Medyo nakamove-on na din naman na ako. Okay lang. Di ko naman sya kailangan i-please ee. Pero for some reason, gusto ko sya makita. Tanga ba ko? May mga sinabi na ngang masama sakin pero gusto ko pa din sya makita. Parang may something na nagsasabi sakin na di nya meant yun. Tanga nga siguro ako.

Nagkaroon ng small Event sa bahay nila Panda. Invited ako at mga friends nya. Inexpect ko na pupunta yung friend ni Panda na kakilala yung pesteng Guy. At di nga ko nagkamali, andun sya. Di ko sya pinansin. Di ko naman sya kilala at di kami friends. Dumikit lang ako kay Panda at Rej bilang sila lang naman ang personal kong kilala. Uminom kami, kwentuhan, tawanan. Nagkwentuhan sila about sa Dota at medyo na-out-of-place ako kasi di nako naglalaro nun. Nakaramdam na din ako ng konting tama sa iniinom namin, di naman kasi ako masyado umiinom kaya humina na ko.

Nagpasya muna ako magpahangin. Umupo ako sa gutter sa labas. Ganito ako pag nakakaramdam ng konting tama, medyo Emo. Hahaha! Lumabas ako para mag-isip isip ng mga bagay bagay. Naisip ko pano kung naging babae nga kaya ako, tapos maganda ako. Ano kaya pwedeng mangyari? May masasabi pa kayang masama ang mga tao? May masasabi pa kayang di maganda yung lalaking yun? Bigla sya pumasok sa isip. Badtrip.

"Sa dinami daming tao na pwede pumasok sa isip ko, yun pa. Pucha naman.", bulong ko sa sarili ko.

"Bakit? Ano ginawa sayo nun? Resbakan na natin?", sabi ng boses sa likod ko.

Napalingon ako sa nagsalita. Si pesteng Guy. Napaisip ako, *Anong ginagawa neto dito? Invited pala to, di naman ako nainformed.*

Di ko alam kung nabigla ba ko kasi ayoko sya makita pero andito sya, or nahihiya ako kasi mukha na kong zombie.

"Resbak? Bakit kilala mo ba kung sino tinutukoy ko?", tanong ko.

"Hindi. Pero kung sasabihin mo, malalaman ko. :D", sabi ni Guy.

"Tigilan mo nga ko.", medyo iritableng sagot ko.

"Ganyan ka pala pag nakakainom. Masungit.", asar ni Guy.

"Actually, hindi. Ganito ako pag ayoko yung taong kausap ko.", tinalikuran ko sya at bumalik sa bakuran nila Panda.

Naglakad ako papunta sa bakuran nila Panda. Nakasunod naman si Pesteng Guy.

"Oh girl. San ka galing?", tanong ni Panda.

"Sa labas. Sasagap sana ng sariwang hangin kaso masamang hangin yung dumating ee.", sagot ko na bahid pa rin ng pagiging irritated.

"Bakit girl? May umutot sa labas? Hahaha!", asar ni Panda.

"Hindi. Dumating kasi yung friend ng friend mo-", natigilan ako sa sigaw ni Panda sa likod ko.

"Oyy! Buti nakarating ka.", masayang bati ni Panda dun sa Guy.

Takte! Invited pala talaga tong ungas na to. Di man lang sinabi ni Panda. Sabunutan ko kaya to. Sa bagay, party nya to. Bahala sya kung sino invite nya. -.-"

"Ayy, Gayle. Si Tristan nga pala.", pakilala ni Panda sa Guy.

Inabot ni Tristan yung kamay nya. Waring makikipagshake hands. Tumingin lang ako. May pangalan pala tong ungas na to. Syempre, kahit nabastusan ako sa kanya. Naging mabait pa din ako. Pero nakataas isa kong kilay. Inabot ko kung kamay nya at nakipaghandshake.

"Hi, Gayle.", bati nya na may kasamang ngiti. Sinamahan nya pa ng ngiting tagumpay. Shoot! Ang pogi nya ngumiti. Lakas makatunaw ng defense. Mabilis kong kinompose ang sarili ko. Di pwede to. Ganyan talaga ang mga demonyo, kunwari charming pero masasama ugali.

Ngumiti lang ako. Yun lang talaga sagot ko. Binitawan ko yung kamay nya. Napansin ko kasi hawak nya pa din yung kamay ko. Nahiya naman ako, baka maramdamam nya ang mga kalyo ko. HAHAHA!

"Tristan, si Gayle nga pala.", pakilala sakin ni Panda.

"Ou. Kilala ko na yan. Nakikita ko sa shop yan ee.", sagot ni Tristan.

Infairness, naaalala nya ko. Sa bagay, pano nya ko makakalimutan ee pinagsabihan nya ko ng kung ano-ano, di naman kami personal na magkakilala.

"Ayy talaga. Kilala mo na sya?", gulat na tanong ni Panda.

"Oh sya. Maiwan ko na kayo. Entertain ko lang yung ibang bisita ko.", habol ni Panda.

"Ha? Bisita mo din ako girl.", sagot ko. Ayoko kasing maiwan kasama tong lalaking to. Naiinis ako. Ang yabang aura. Feeler masyado. Yun nga lang nakaalis na si Panda.

"Pano ba yan? Mukang tayong dalawa na lang.", hirit ni Tristan.

"Ay di bale na lang. Sige maiwan muna kita.", sagot ko.

"San ka pupunta?" - Tristan

"Sa labas magpapahangin ulit." - Ako

"Samahan na kita." - Tristan

"Wag na. Magpapahangin lang ako. Di naman siguro ako mapapano." - Ako

"Okay lang. Sasama na ko.", pilit ni Tristan.

"Ako na nga lang. Di ba obvious na ayaw kita kasama?", medyo napalakas na boses ko.

Natigilan si Tristan. Di na sya nakasagot. Ako naman, siguro sa hiya ko umalis na lang ako without saying sorry or anything similar. Lumabas ako. Napaisip ako. Mas maganda siguro kung hayaan ko na lang tong mga lalaking to. Bakit ba kasi di ako matahimik. I'm searching for love. I am full of love, the problem is I have no one to give it to. Very hopeless romantic no? Well, that's the truth.

Natapos ang gabi. Naginuman na kami. Magkaharap kami ni Tristan sa mesa, kinakausap sya ng mga girls na bisita din ni Panda, gwapong gwapo sa kanya. Sabi ko na ee. Gwapo to. Wala lang nagrereact kapag nasa Shop kasi puro lalaki ang tao dun, ngayong may mga babae na, confirmed. Napapansin kong minsan, nakatingin sya sakin. Ako naman di ko alam kung kikiligin ako or matatakot kasi sinigawan ko sya kanina. Sya naman nauna ee. Kung pinakitaan nya sana ako ng kagandahang asal edi sana nice din ako sa kanya. Oh well.

He's his Lovestory ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon