❤️ 11

4 0 0
                                    

****

New week na naman. Tapos na ang nakakalokang off ko. Akalain mong sa loob ng dalawang araw, ang daming nangyari. Hahaha. Infairness, wala naman ako pagsisisi sa mga yun. Lahat yun, gusto ko. Pati yung taong dumating sa buhay ko.

Nakakatuwa no? Ka-gwapo gwapong lalaki, nainlove sa katulad ko. Ano ba meron sakin na wala sa iba or sa straight? Abnormalities? Hahaha. Pero kahit ano pa yun, ayoko na alamin. Basta, masaya ako sa kanya. At gagawin ko din lahat ng makakaya ko para mapasaya sya.

Nagising ako ng maaga. Tinignan ko agad yung phone ko kung may mga Text mula sa Supervisor at SME ko. Infairness, madami nga. May mga text din ni Tristan. Mga 'Goodmorning!', paalam na papasok na sya. Kakatuwa. May balak syang gawing diary inbox ko. xD Nirereplyan ko din naman yung mga text nya. Ngayon, may dahilan na ko para magload. Dati kasi mp3 player lang yung silbi ng phone ko ee. Hahaha.

Naghanda na ko para pumasok sa office. Ou nga pala. Nagbago na schedule ko. Panghapon na yung schedule ko hanggang hating gabi. xD Alam na din ni Tristan. Same routine pa din naman. Different time slot lang. Sinabi din skin ni Tristan yung Schedule nya sa school, di ko naman tinatanong. Hahaha. At least, mukang wala naman tinatago.

Mga ilang araw din ang lumipas. Puro lang kami text at tawag. Okay lang naman sakin kahit namimiss ko sya ng sobra. Yung feeling na para papaubos na yung suplay mo ng hangin. Yung sa bawat oras na naiisip mo sya, sumisikip yung dibdib mo. Yung feeling mo na pag nakita mo sya ngayon, for sure, para kang nakainom ng pinaghalo halong Enervon, Lipovitan at Extra Joss. Mabuti na din yun para di ako maging distraction sa pag-aaral nya. Besides, nangako sya na dapat mataas yung mga grades nya.

3 days passed, malapit na naman ako mag-off. Excited na ko makita si Tristan. Excited na ko makasama sya ulit. Gustong gusto ko sya mayakap. xD Iniisip ko sya, nasa loob ako ng elevator. Paglabas ko ng main lobby ng building, nakita ko si Tristan. Tumalon yung puso ko. Nakatingin lang sya. Nakangiti. Nakakatunaw. xD

"Hi. :)", ngiti ni Tristan.

"Ano'ng ginagawa mo dito? O_O", gulat na tanong ko.

"Di ko na kaya eh. Miss na miss na kita. xD", amin ni Tristan.

Kinilig ako. Ako din naman kung tutuusin. Tinitiis ko lang kasi para din naman sa kanya yung ginagawa namin.

"Pero di ba nagpromise ka?", tanong ko.

"Ou. Bakit, ayaw mo ba ko makita? :(", tampo nya.

"Gusto din syempre. Pwede bang hindi?", amin ko.

"Sorry kung di ko tinupad yung promise ko. Di ko talaga kasi kayang tiisin eh.", bigla sya yumakap sakin.

Eksena na naman sa tapat ng Building. Di ko na naman kinakaya. xD

"Ha? Ou nga ee. Okay lang. Andito ka na ee. Alangan pauwiin kita. :))", sagot ko.

"Okay lang naman kung pauuwiin mo ko. Basta kasama kita.", patawa ni Tristan.

"Malamang, pareho lang tayo ng uuwiang lugar.", banat ko.

"So, ano? Tara na?", yaya ni Tristan.

"Tara.", naglakad na ko papunta sa sakayan.

"San ka pupunta?", biglang tanong ni Tristan.

"Uuwi na tayo di ba?", takang sagot ko.

"May dala akong sasakyan. Haha.", natatawang sagot ni Tristan.

May dala pala syang kotse. Ang ganda ko talaga. Grabe. Hahaha!

He's his Lovestory ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon