♥ ~ Nagugustuhan nyo ba? Please comment lang po if you have any questions. Feel free po. Thank you so much. :D
Nagpasya akong sa ibang Shop maglaro. Ayoko magpakita dun. Magpapakita lang ako kapag maganda na ko. Pangit daw ako ee. Gusto ko sya mapahiya sa sinabi nya. Mga ilang buwan din akong di nagpakita dun. Wala akong ginawa kundi iimprove ang sarili ko.
Kung tutuusin konti lang naman ang dapat iimprove. Masyado lang ako payat kasi lagi akong kulang sa tulog. Pano, pagkauwi galing office minsan maglalaro pa ko. Kaya di ko nakukumpleto yung tulog ko. Minsan nalilipasan din ako ng gutom. So ang ginawa ko, kinu-kumpleto ko na ang tulog ko. Minsan na lang ako maglaro. Nagumpisa na din ako uminom ng Hormonal Pills, dahil dun, nagiging gutumin at antukin ako. Siguro okay na din. At least, kumakain na ko at nakakatulog. Gumaganda pa ko dala ng pills. Sabi nila may Side Effects daw yun. Siguro nga yun na yun.
Nagpapawax na din ako lagi ng mga sumpa ni Amang Adan sakin. So ngayon, medyo nawawala na sila. Manipis na lang.
"Girl, tara. Girls Pamper Time tayo?", yaya ko kay Magz at Avi.
"At anong binabalak mo te?", tanong ni Avi.
"Parang gusto ko ipabago yung hair ko. Masyadong plain ee. Try ko kaya magpakulay para maiba naman?", tanong ko.
"Ayy girl. Bakit di mo try magpa-red ulit ng hair? Kabog ka kaya nun.", biglang suggest ni Magz.
Nagpapula kasi ako dati ng buhok. Idol ko kasi si Hayley Williams ng Paramore kaya ginaya ko yung kulay ng buhok nya. Nagpa-redhead ako nun. Pulang pula talaga. Para akong clown na nagparebond. Hahaha. Ang kaso nga lang, sinira nun yung buhok ko. Nagdry and brittle talaga tapos para naging goma. Badtrip pa kasi pag naligo ako, sumasama sa tuwalya ko yung kulay ng buhok. Naloka ako. Kala ko Jobus yung ginamit ko sa buhok ko. Hahaha. So, ang ginawa ko, pinabalik ko na lang ulit sa black yung buhok ko. Tapos nagpagupit ako ng super ikli para humaba ulit healthy. At di ko na ulit pinagalaw. Tanging shampoo at conditioner lang ang ginagamit ko.
Ganun lang ako. Hanggang sa humaba sya ulit. Buti may changes naman. Medyo alive na ulit tignan.
"Girl, ayoko na. Baka patayin nya na naman yung buhok ko. Bleach kung bleach ang kailangan dun te.", sagot ko.
"Sa bagay, edi try mo na lang yung di masyadong red, or yung pang european colors. Muka ka naman Kastila ee.", suggest pa ni Magz.
"Pwede. Depende kung ano matripan. Ano tara?", yaya ko sa dalawa.
"Gooo!", sagot nila in chorus.
Nagsiligo kami para pumunta sa mall. Simple lang ang sinuot ko. Tshirt at jeans lang. Powder at pabango. Ganun naman lagi. Komprtable ako dun ee. Pagkatapos ko magready, dumirecho ako sa bahay ni Avi. Dun kasi yung meeting place namin ee.
Pumasok ako sa gate nila at pumunta sa kwarto.
"Kaloka ka namaaaaan!", sigaw ko kay Avi.
Nakita ko kasi si Avi na super nagme-make up pa. Di ko kinaya. Di ko alam na nabago na pala yung pupuntahan namin. Punta pala kaming pageant?
"Te, hindi pageant yung pupuntahan natin.", sabi ko kay Avi.
"Girl, kailangan magpaganda. Mall yun so for sure madaming lalaki.", sagot ni Avi habang naglalagay pa ng Eyebrow liner.
BINABASA MO ANG
He's his Lovestory ♥
RomanceIsang kwento ng pag-ibig dalawang puso. Isang beking takot nang magmahal pa at isang lalaking hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya nung una pa lang nilang pagkikita. Pero pano kung paglaruan ng tadhana ang mga puso nila? Pano susubok muli ang...