~ ~ ~ ~ ~ ~ Tristan
Hinila si Gayle ni Panda. Bakit kaya biglang nagbago yun? Siguro dahil sa nangyari kanina. Narinig nya yung sinabi ko. Bakit ko ba kasi sinabi yun? Di ko sana sya nasaktan. Kaya ko lang naman nasabi yun para depensahan sarili ko. Aaminin ko, mabait sya. Masarap din kausap, masarap din kulitin. Kung naging babae lang sya, saktong sakto. Sigurado mamahalin ko sya. Kaso... Napansin ko naiwan nya yung computer nya. Nakabukas pa yung Facebook nya. Nakalimutan nya yata ilog-out. Na-curious ako. Gusto ko malaman yung laman ng Facebook nya. Gusto ko malaman yung mga klase ng kanta na pinakikinggan nya.
Umupo ako sa upuan nya. Pinakelaman ko yung pc nya. Grabe. Gamer na gamer pala tong isang to. Puro post ng nilalaro nya. Pati cover photo galing dun. May mga post din sya tungkol sa love. Aba! Kala ko di pa sya ready pero bakit parang naghahanap sya? May mga makukulit din syang mga picture. Wala syang pake kung ano itsura nya. Kakatuwa. Ang kulit ng mukha nya. Nakakatawa. Pumunta ako sa Youtube nya, may pinakikinggan syang kanta. Everything has Changed ni Taylor Swift. May pinaghuhugutan ba to? Bumalik ako sa upuan ko. Binuksan ko Fb ko at pinakinggan ko yung kantang pinakikinggan nya. Love song pala to. Pinanood ko din yung Music Video. Natuwa naman ako. Parang nakakarelate ako sa kanta. Nakaramdam ako ng kakaiba.
~ ~ ~ ~ ~ ~ Gayle
Bumalik kami nila Panda sa Shop. Dali dali akong pumunta sa computer ko. Kinakabahan ako, mamaya may kung sinong nakelam nung at kung ano ano pinost sa wall ko. Pag dating ko sa computer ko, wala na si Tristan. Bakante na yung katabing upuan ko. Nalungkot ako. Di man lang ako nakapagpaalam. Galit siguro yun sakin. Di ko pinansin ee. Kasalanan nya naman ee. Binuksan ko yung monitor ng computer ko. Kung pano ko sya naiwan ganon pa din naman maliban sa Friend Request. Tinignan ko kung sino. Kinabahan naman ako sa nakita ko. Si Tristan, inadd ako sa Fb. Di ko ako makapagdecide kung iko-confirm ko ba o hahayaan ko na lang. May mga mutual friends kami, marami rami din. Tinignan ko profile nya. Mygawd! Ang pogi nya talaga. Kahit sa mga wacky pictures nya, ang pogi pa din. Nakakainis. Pero ako kahit pa-sweet ako sa picture ko bakit parang wacky pa din? Kinonfirm ko si Tristan. At naglaro ulit.
****
New week na. Tapos na off ko. Papasok na naman ako later. The usual routine, ginising ako ng kapatid kong ungas at nagtimpla na din ng kape. Di ako matahimik. Parang may kulang. Gusto ko magbukas ng facebook, hoping ako na baka may message si Tristan or my post sya. Gusto ko sya makita kahit sa picture lang sa Fb. Bigla ako nawindang sa mga iniisip ko.
"Ge, may problema ka?", tanong ni Jr.
Nagulat ako sa tanong ng kapatid ko.
"Wala no.", tanggi ko.
"Weh? Di nga?", kulit nya.
"Wala nga. May iniisip lang ako.", sagot ko.
"Ayiie! Inlove ba ang kapatid ko?", pang-aasar ni Jr.
Naloka ako. Inlove ba ko? Kung inlove ako, obvious ba sa'king inlove ako? O_O
"Hindi ako inlove. Kanino naman ako maiinlove?", tanggi ko ng bongga.
"Eh bakit tameme ka kanina? Ano iniisip mo?" - Jr
"Pag tameme, inlove agad?" - Ako
"Bahala ka nga. Lalabas at lalabas din yan." - Jr
Umalis na si Jr at pumasok sa kwarto nya. Napaisip ako. Inlove ba ko? Inlove ba ko kay Tristan? Aamin ako, gusto ko sya makita pero umabot na ba sa ganung punto? Ni wala pa nga kaming pinagsamahan ee. Inalis ko muna sa isip ko yun. Yoko mastress sa first day ko. Baka tamarin ako bigla pumasok. Haha!
Naligo na ko. At nagready ng mga gamit ko. Kumain na din ako at uminom ng pills. Di kasi ako umiinom ng pills pag nasa office para di ako antukin sa floor. Nakapagbihis na din ako. Umalis na ko. Naglakad ako palabas ng Village namin. Nag-iisip. Iniisip si Tristan. Ano kaya kung kami, tapos ihahatid nya ko sa opisina? Haha! Ambisyosa lang. Natawa ako sa thought. Pagkadating ko sa labasan, agad naman ako sumakay ng bus.

BINABASA MO ANG
He's his Lovestory ♥
RomanceIsang kwento ng pag-ibig dalawang puso. Isang beking takot nang magmahal pa at isang lalaking hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya nung una pa lang nilang pagkikita. Pero pano kung paglaruan ng tadhana ang mga puso nila? Pano susubok muli ang...