❤️ 12

3 0 0
                                    

****

    Nagising na ko pero di ko pa minumulat yung mata ko. Gusto ko pa matulog. Ang sarap matulog. Binawi lahat ng katawan ko yung energy na nagamit ko. Kinapa ko yung tandayan ko. Di ko makapa. Sinubukan ko pa din hanapin. May nasanggi yung kamay kong katawan. Sure ako. Parang bandang dibdib ng lalaki yun. Kung babae kasi dapat may umbok di ba? Pero wala ee. Nacurious ako kung sino. Binuka ko yung mata ko. Pag tingin ko, si Tristan. Si Tristan? Sa kwarto ko? Sa kama ko? At walang damit. Naka-boxers lang. >.< Shiiit!

    Napatingin ako sa sarili ko. Nakaspaghetti ako at shorts. May nagpalit ng damit ko. Puta! Mamaya may nangyari tapos di ko alam. Rape? Kapal naman ng mukha ko. Choosy pa ba ko kung re-rape-in ako ng ganito kasarap na lalaki? Pero hindi. >.< Hindi pwede mangyari yun. Daya nyaaaaa!

    Nagtalukbong ako ng kumot at tumalikod kay Tristan. Ngayon ko lang to nakatabi matulog. At nakahubad sya. Pano kung andito na si Mama? Ano sasabhin ko? GG yata ako neto aa. >.< Kinabahan ako. Bumilis tibok ng puso ko. Ang dami kong iniisip. Sa dami ng iniisip ko, wala akong mapili kung ano dapat kong isipin. Patay!

    Naramdaman ko yumakap si Tristan sakin. Napa-igtal ako. Hinatak nya yung katawan ko papunta sa kanya hawak ang baywang ko. Naki-cooperate naman ako. Umatras ako. Yakap nya na ko mula sa likod. Mahigpit yung pagkakayakap nya. Ramdam ko ang buong katawan nya sa buong likod ko. Pati yung isang bagay na hindi ko dapat maramdaman, nararamdaman ko din. >.< Ano ba tooo!

    "Goodmorning!", bulong nya mula sa likod.

    "G-Goodmorning.", sagot ko. Kabado ako ee.

    Naramdam kong humalik sya sa batok ko. >.< Ang intimate naman ng eksena. Di ko kinakaya.

    "Tristan. Kwarto ko to.", sabi ko.

    "Ou nga.", sagot nya. Boses na parang half asleep pa.

    "Bakit andito ka?", tanong ko.

    "Nakatulog ka. Binuhat kita papunta dito. Di na ko pinauwi ni Tita. Dito na lang daw ako matulog kasi delikado.", sagot nya.

    Napabangon ako nung sinabi nya yung word na 'Tita'. Ibig sabihin alam ni ermat na andito to. Nakita na sya ni mama. >.<

    "Nakita ka ni Mama?", biglang tanong ko.

    "Ou. Nakita nya ko kagabi. Bakit?", tanong nya habang bumabangon. Nakatungkod yung isang kamay sa kama. Yung isa nasa tuhod. Ang hot. O_O

    Natulala ako. Ito din pala ang first time na makikita ko syang walang damit. >.<

    "Ha? Wala naman. xD", sabi ko habang humihiga ulit.

    Humiga din si Tristan sa tabi ko. Niyakap nya ko.

    "Sana ganito lang tayo palagi.", bulong nya. Napangiti ako.

    "Sana nga.", sagot ko.

    Maya maya pa. Tinawag ako ni Mama. Expected ko na din naman. Maaga talaga nagigising nanay ko. Magkakape yun habang nagyoyosi. Tinawag ako ni Mama. Kinabahan ako. Kung tutuusin din kasi, eto din yung first time na may lalaki dito na di ko sila nainform na may boyfriend na ko. So, in short, magmumukang complete stranger si Tristan.

    "Tawag ka ni Tita.", yugyug sakin ni Tristan.

    "Alam ko. Di lang ako sumasagot para kunyari tulog pa ko. xD", sagot ko.

    "Bakit?", takang tanong ni Tristan.

    "Natatakot ako ee. xD", amin ko.

    "Bakit ka natatakot?", tanong pa ni Tristan.

He's his Lovestory ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon