♥ 3

44 0 0
                                    





~ ~ ~ ~ ~ ~ Gayle





Dumaan ang off ko ng puro ako tambay sa shop, kain dito, kain doon, kape-kape kasama mga Village Friends ko at walang katapusang chismisan. Buti na lang di ko nakita yung mayabang na lalaking yun. Hindi nasira ang araw ko.

"Gising na! Papasok ka ba?", gising sakin ng kapatid ko.

"uhmmmmm. Five minutes.", bulong ko.

"Anong five minutes? Alas-kuwatro na!", sigaw ng kapatid ko.

Bumangon ako. Nakapikit pa. Ganito talaga feeling ko pag first day of the week. Pagapang ako pumasok. Auto-Pilot kumbaga. Ginawa ko ang usual routine ko. Kape-yosi-chika. Naligo ako. At pumasok na. Sa di malamang dahilan, gustong gusto ko talaga pumwesto sa kanang upuan sa tabi ng bintana. Sa di ding malamang dahilan ee walang tumatabi sakin. Kever! Mas gusto ko yun, at least, di masikip. Hahaha!

Nakatingin lang ako lagi sa labas ng bintana. Muni-muni. Naghahanap ng mga guy mukang pwedeng Boyfriend kahit sa imagination ko lang. Biglang pumasok sa isip ko yung bwisit na lalaking yun. Ganun pala sya ka-nakakabwisit para kahit maisip k lang ee nasisira na araw ko. *Argh*



****

Pagdating ko sa office.

"Hi beastfrieeend! Why so early?", tanong ni Magz.

Nakalimutan ko sabihin. Magkaofficemate din pala kami ng Magz. Hahaha!

"Baka umulan ee. Kaya inagahan ko.", sagot ko.

"I was oh-ed.", sabi nya.

Pagkatapos ko ayusin ang computer ko, nagumpisa na kami magkwentuhan.

"Girl, alam mo ba may lalaking bumaboy sakin sa Computer Shop. Kaloka.", umpisa ko.

"Oww! At sino ito? - Magz.

"Di ko nga kilala ee. Pero tandang tanda ko ang fez(mukha). Humanda sakin yun." - Ako

"Oww! So scary!" - Magz.

"Ayy te! Lintik lang ang walang ganti no.", ngitngit ko.

Sa office, walang gwapo. May mga lalaki pero di ko type(di sa pagmama-choosy aa), o kaya naman'y mga bisexual. At syempre, mawawala ba ang mga kapatid kong mga bakla din? Call center to ee. Malamang naglipana kami dito.

Mag-isa lang ako lagi. During lunch, break at kung ano-ano pa. Lagi akong mag-isa. Di ko alam. Siguro para may katahimikan. Dumaan ang limang araw ng pagta-trabaho ng ganun.

Off ko na naman. Salamat Lord! And of course, maglalaro na naman ako. Pumunta ako sa Computer shop na pinaglalaruan ko. On the way, nananalangin akong di makita si bwisit na guy kaso mukang kulang yata dasal ko aa. Andito sya ee. -.-" Tae naman! At pag minamalas ka, katabi ko na naman sya. Wtf?

Paghila ko ng upuan, napalingon sya. Pucha! Bakit parang may nakatutok na Aircon sa batok ko? Nagtayuan yung mga balahibo ko sa batok bigla. Shiit! Ang cute nya ngayon. Narealize ko, Pogi naman talaga sya ee. Puro lang talaga lalaki dito sa shop kaya walang mga babaeng nagtitilian. Alangan naman magpansinan tong mga lalaki dito kung gaano sila kagagwapo di ba? Ang wierd naman nun. Tinalo pa kami. Hahaha.

Naglaro na ko ulit. Di ako tumitingin sa kanya, or maybe, di ako makatingin. Baka mahuli ako, magfeeling pa tong gagong to. Naglaro lang ako ng tahimik. Check-check lang ng fb. Soundtrip lang sa Youtube as usual.

"Teeeeeh!", may sumigaw sa likod na kinaloka ko ng bahagya.

Napalingon ako at nakita ko sa Panda ulit, kasama ang ever so hot nyang jowa na si Rej.

He's his Lovestory ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon