❤️ 9

2 0 0
                                    

~ ~ ~ ~ ~ ~  Tristan

    Pauwi na ko galing kela Gayle. Nakilala ko yung utol nya pati yung tropa nya. Ang saya saya ng araw na to. Akala magiging isa to sa mga araw na gugustuhin kong kalimutan habang buhay. Ang original plan kasi ay magkikita lang kami ng ex ko para tapusin na ang lahat. Di ko inaasahan na makikita ko si Gayle sa mall, nauwi tuloy sa di inaasahang date.

    Dami ko nalaman. Parang naging mas kilala ko na si Gayle. Sinabi nya sakin mga sama ng loob nya pero napatawad nya ko. Mahal nya daw kasi ako. Nakakahiya. Bakit pa kasi hindi ginawang babae si Gayle? Pero kahit na. Masaya pa din ako. Kahit eto ang pinakakomplikado at kakaibang lovestory ko, okay lang. Kung magiging masaya ako bakit hindi natin subukan di ba?

    Pero hanggang ngayon di pa din kami kahit inamin nya nang mahal nya ko. May balak ba sya pahirapan ako? Bakit sa mga babaeng niligawan ko, madali lang magpasagot? Bakit ang isang to, ang tigas? Pero di ako titigil. Itutuloy ko to.

~ ~ ~ ~ ~ ~  Gayle

    Nagising ako sa ring ng phone ko. Kinuha ko yung phone ko para tignan kung sino tumatawag. Unknown Number. Sinagot ko.

    "Hello?", habang garalgal pa boses ko kasi bagong gising.

    "Asan ka na? Pupunta ka ba?", tanong ng tao sa kabilang linya.

    "Sino to?", iritableng tanong ko. Demanding aa.

    "Di mo ko kilala?", tanong ulit nung lalaki sa kabilang linya.

    "Magtatanong ba ko kung kilala kita? Tanga lang?", sagot ko.

    "Ano ka ba? Tristan to.", si Tristan palaaa. >.<

    Nagulat ako. Bigla ko umayos.

    "Ayy! Ikaw pala. Sorry, di ko pa kasi nase-save yung number mo ee.", paliwanag ko.

    "Punta ka pa ba dito?", tanong ni Tristan.

    "Ou. Nakatulog lang ako. Sorry.", paliwanag ko.

    "Okay sige. Sunduin na ba kita?", tanong ni Tristan.

    Kinilig na naman ako. Nagising pati buong diwa ko.

    "Ha? Magsha-shower muna ako. Pwede?", tanong ko.

    "Magtatagal ka ba?", madali ni Tristan.

    "Shower lang to. Mabilis lang. Para fresh. Haha.", sabi ko.

    "Osige. Basta, text mo ko pagsusunduin na kita ah.", utos niya.

    "Opo.", magalang na sagot ko.

    Binaba na ni Tristan yung phone. Nakakapagtaka. Bakit parang nagmamadali yun? Sinave ko ang mga tanong para sa pagdating nya. Nagshower na din ako. Isang mabilisang paglilinis lang ng katawan bilang buong araw akong nasa galaan kanina. Pagkatapos ko magshower, tinext ko si Tristan na okay na. Nagpaganda ako ng konti. Di masyadong hard. Powder at perfume lang. Saktong pagkatapos ko magayos, may bumusina sa tapat ng bahay. Akala ko isa sa mga tropa ni Jr. Nilabas ko at nakita ko ang lalaking nagpapadisorient ng buong organ system ko, si Tristan.

    May kotse pala tong ungas na to. Kakaloka. Isasakay nya talaga ako dyan? Bumaba sya sa kotse at lumapit sakin. Hinawakan nya yung braso para ihatid sa pinto ng sasakyan. Inalis ko yung kamay ko sa kamay nya.

    "Okay lang. Kaya ko. Hahaha.", naiilang na sabi ko.

    "Okay ka lang? Parang namumutla ka.", tanong nya.

    *Shiit! Nahalata nya ba?*

    "Okay lang ako." sabi ko habang sumasakay sa kotse.

He's his Lovestory ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon