Dumaan ang ilang buwan. Kitang kitang kita na ang improvement sa katawan ko. Medyo nagkahubog na ang katawan ko. Nagka-umbok na din yung harapan ko. Mas mahaba na din ang hair ko ngayon. Muka na kong babae pero di pa ko babae. Asa! Hahaha. Kahit sa office, pansin nila ang naging pagbabago sa katawan. Pati sila di makapaniwala.
"Girl, umamin ka. Brokenhearted ka ba?", tanong ni Mawi. Bakla din.
"Di no. Jusko. Tagal ko na kayang walang lovelife.", gulat na sagot ko.
"Eh bakit ka nagpaganda? Parang may gagantihan ka aa.", hirit ni Mawi.
Nagulat naman ako sa pagka-accurate ng hula nya. Ou nga, somehow, someway, may gagantihan ako.
"Naku girl. Wala. Masama mahalin ang sarili?", sagot kong nagmamatamis.
"Sa bagay. At least. Im so proud of my little sissy.", yakap ni Mawi.
Tinry ko pumunta sa shop one time. Wala lang. Literal, para lang maglaro. Di ko sya hinanap at ayaw ko sya makita. Dun ulit ako sa usual na pwesto ko. Di ko natiis, tumingin ako sa katabi ko. For some reason, umasa ako na sya yun. Na makita yung lalaking sumira ng araw ko, yung lalaking kahit ang lakas makabadtrip ee cute pa din, yung lalaking nagsabi na pangit ako. Kaso hindi ee. Disappointed.
Naglaro lang ako. Naglaro ng naglaro. Aamin ako, medyo nalungkot ako na di ko sya nakita. Bakit ganun? Dahil ba bigo ako na makita reaction nya sa konting pagbabago ko kung meron man. O dahil gusto ko sya makita kasi gusto ko sya makita. Haay! -.-"
Lumabas ako para bumili ng yosi sa malapit na tapsihan, naubos na kasi yung dala ko. Bumili na din ako ng kape, di na kasi normal yung mga nararamdaman kong antok. Tulala ako. Iniisip kung ano sana reaction nya pag nakita nya ko. Hmmp. Kaso wala sya ee. Kainis. Di na lang sana ako nagpunta dito.
"Kuya, pabiling yosi.", sabi ng boses sa tabi ko.
*Teka. Kilala ko yung boses na yun aa!*, isip ko lang.
Kinakabahan ako. Alam mo yung feeling na pag andyan yung crush mo, sobrang lapit tapos di ka makatingin kasi feeling mo dudugo ilong mo sa kilig? Yun ang nafeel ko. Kaso di din ako patatahimikin ng sarili ko. So, sinubukan kong tignan kung sino un. Bahagya ako tumingin malapit sa pwesto kung asan sya tapos siniksik ko ng bongga yung eyeballs ko sa kanto ng mata ko para makita sya kaso di kaya. Naku baka mahanginan ako di na bumalik. Hahaha! Bahala na. Face your fears, Gayle!
Tinignan ko na yung direksyon nya. As in lumingon na ko ng walang patumpik tumpik pa. Nasa tabi ko sya. Ang lapit. Ang Gwapo. Lumakas yung kabog ng dibdib ko. Tumingin sya sakin. P%^#%ng I*a! Kinilig ako. Kala ko kakausapin nya ko. Pero hindi. Umalis sya pagkatapos nya magsindi ng yosi. Hala! Balik! Bumalik ka dito! Kausapin mo kooo!
Shiit! Dineadma nya ko. Parang may pader na nasira sa pagdeadma nya na yun. Parang di nya ko kilala. Parang never ako nag-exist sa kanya. Parang di nya ko napagsalitaan ng di maganda. Parang di sya pinakilala ni Panda sakin ever. Kasalanan ko din ba dahil nasigawan ko sya nung inuman? Bakit ang sakit? Akalain mong nagexpect ako. Masyado akong umasa. Ayan tuloy. Namumuo luha sa gilid ng mga mata ko, pero para saan tong mga luhang ilalabas ko? Di ko sinagot ang tanong. Ang gago ee.

BINABASA MO ANG
He's his Lovestory ♥
RomanceIsang kwento ng pag-ibig dalawang puso. Isang beking takot nang magmahal pa at isang lalaking hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya nung una pa lang nilang pagkikita. Pero pano kung paglaruan ng tadhana ang mga puso nila? Pano susubok muli ang...