❤️ 10

2 0 0
                                    

****

    Kinabukasan, nagyaya ang tropa ng Volleyball. May mga nakontak daw silang kalaban. Di naman pustahan. Just for fun lang. Naglalaro lang kami for the sake na magenjoy at magpapawis. Puro kami nagta-trabaho kaya banat banat din ng buto pag may time. Puro kami computer ee. Hahaha.

    Kinahapunan, nagkita kami sa Basketball Court sa Village namin. PAgdating ko, andun na si Karen, Avi at Magz. Nagchikahan muna kami ng konti tungkol sa mga latest chismis bilang di kami masyado nagkita nung mga nakaraang araw. Biglang na-open ni Magz si Tristan.

    "Kamusta naman yung lalaking bumarubal sayo te?", tanong ni Magz.

    Natawa kami nila Karen at Avi sa term na ginamit ni Magz.

    "Barubal talaga ang term mam? Kaloka. Rape lang ang peg. Hahaha.", natatawang sagot ko.

    "Gaga! Ee di ba may bumaboy sayong otoko?", tanong ni Magz.

    Di ako nakapagreact agad. Alam ni Magz yung kwento. Sa kanya ko nakwento yung kwento namin ni Tristan ng detalyado. Kumabaga ang alam lang ni ng ibang friends ay Synopsis lang ng kwento. Hahaha. Nung mga panahong yun kasi, ayoko pag usapan. Pero pano ko ngayon sasabihin na nanliligaw si Tristan sakin. Baka maloka tong mga to, di dahil nagpapaligaw ako. Kundi baka isipin nila na nananaginip ako ng gising. Hahaha. Pabulaanan pa kong adik.

    "Ha? Meron. Pero wala na yun.", sagot ko kay Magz.

    "Anyare?", gulat na tanong ni Karen.

    "Anong 'wala na'?", tanong naman ni Avi.

    Naloka naman ako sa sunod sunod na tanong ng mga friends ko.

    "Wait lang mga mam, mga sir. Isa isa lang.", awat ko.

    Natawa naman sila.

    "Okay na kami. He said sorry na. So whatever happened was just part of history.", sagot ko.

    Naloka si Magz sa sinabi ko.

    "Anoooooo?!", gulat na gulat na tanong ni Magz.

   

    Nanlaki yung mata ko sa gulat kay Magz.

    "Bakit ate? O_O", tanong ko.

    "Anong okay na? Nagkabati kayo ng ganon kadali? Porket lalaki?", tanong ni Magz.

    "Hindi ganon. Nagsorry naman sya. Nakita ko din naman na sincere sya kaya pinatawad ko sya.", tanggol ko.

    "So, asan na si kuya ngayon?", tanong ni Avi.

    Natigilan ako. Di ko alam kung sasabihin ko ba yung totoo. Di ko alam kung ano magiging reaction nila pag sinabi ko na di lang kami naging okay. Naging okay na okay pa. >.< Natatakot ako sa magiging tugon netong mga maldita kong friends. Baka kung anong negative things sabihin nila kay Tristan bilang naging masama ugali sakin nun.

    Di ko sila masisisi. Alam nila ang pagka-Hopeless Romantic ko. Alam nilang kahit muka akong masungit, napakadali kong saktan. So, malamang my friends are just protecting me of getting hurt again. Sinusubukan ko din naman hindi ihulog sarili ko sa bangin ni Tristan. Pero wala, nahulog na ko.

    "Ano mem?", tanong ni Magz uli. Mas kinabahan ako.

    *Ano sasabihin ko? Ano sasabihin ko? :\*

    "Girl?", tanong ni Magz ulit. Tulala ako.

    Napaitlag ako kay Magz.

    "Ha? Ewan ko. Bakit nyo ko tinatanong? Di naman kami close no?", tanggi ko.

He's his Lovestory ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon