❤️ 13

8 0 0
                                    

****

    Kinahapunan, nagaantay ako ng text ni Tristan. Di ako lumabas ng bahay. Nakatulog na ko kakaintay pero wala pa din text. Nag-aalala ako. Sinubukan ko tawagan si Tristan pero walang sumasagot. Tang inaaa! Napaparanoid ako. >.< Pano kung may kasamang iba yun? Pano may nangyaring masama dun? Di matahimik yung isipan ko. Ang daya. Di ko alam yung bahay nya. :'( Di ko tuloy alam gagawin ko.

    Pinasya kong mag-antay hanggang gabi. Pag wala pa ding sagot, pupunta akong Shop kung san kami unang nagkita. Magbabakasakali ako. Pag hindi ko pa din sya nakita, hahanapin ko yung kupal nyang friend para alamin yung bahay nya.

    *Oh tapos? Pupuntahan mo?*, tanong ko sa sarili ko.

    Napaisip ako. Ano'ng mukha ang ihaharap ko sa family nya. Mag-iisip yun. Bakit may baklang naghahanap kay Tristan. Shiit! Napu-frustrate ako. Di ko alam ang gagawin. Di ako mapakali. Maya't maya ako tumitingin sa phone ko, hoping na baka sumagot na sya. Naiinis lang ako kasi mga may magtetext pero puro Notification lang naman. Kainiiis! >.< Super expect pa naman ako na si Tristan yun. :'(

    Pag dating gabi, di pa din sya nagtetext. Di ko na to kinakaya. Nagpasya ako magpunta sa bahay ni Maggie, binulabog ko sya. Di ako pwede mag-isa. Mababaliw ako sa kakaisip sa mga posibleng nangyari kay Tristan. Naglakad ako papunta sa bahay ni Maggie nang may mabigat na dibdib. Parang ang nipis talaga ng hangin ngayon. Natatakot ako. Baka sa sobrang saya ko nung mga nakaraang araw ee bigla ako singilin.

    Pagdating ko sa bahay nila Magz, tinawag ko sya. Kumatok ako ng mabilis. Yung may sense of urgency para talagang magmadali sya.

    "Ano baaaa? Nanonood ako. Istorbo ka eh. >.<", sigaw ni Magz habang binubuksan ang pinto.

    Natigilan sya nang makita yung mukha ko. Kitang kita nya na mukha na kong iiyak at bibigay. Minsan nya lang akong nakitang ganito. At pinuntahan ko din sya noon sa bahay nila.

    "Anyare friend?", nag-aalalang tanong ni Magz.

    Di ako nagsalita. Nakayuko lang ako. Nagpipigil ng namumuong luha sa mga mata ko.

    "Sabi ko na nga ba. Nung una pa lang nakita ko yung lalaking yun, di ko na gusto eh.", galit ni Magz.

    Hinila ako ni Magz palabas ng bahay nila.

    "Dun tayo sa bahay mo te. Mag-kape tayo habang nilalabas mo yan.", yaya ni Magz.

    Di pa din ako nagsasalita. Di ko alam kung pano sisimulan. Di ko alam kung pano ko sasabihin na kaya ako nagkakaganito ee dahil wala akong balita mula kay Tristan. Baka maloka to si Magz. Isipin baliw na baliw na ko kay Tristan. Napaisip tuloy ako. Hindi ba? Mali ba hinala ko sa sarili ko? Sumama ako pauwi ng bahay. Naglakad lang kami. Naririnig kong dumadakdak si Magz pero masyadong clouded ang isipan ko para magreact. Sa totoo lang, kaya ko sya pinuntahan ee para may makasama ako. Baka kung ano mangyari sakin pag mag-isa lang ako ee. Baliw lang.

    "Dapat talaga di ka nagpa-uto sa lalaking yun eh. Sabi ko na nga ba tabas pa lang ng kagwapuhan nun, piligroso na eh. Paag nakita ko talaga yun ngayon, patay sakin yun.", dugtong ni Magz.

    Nang malapit na kami sa bahay, natanaw kong may kotseng nakaparada sa labas ng bahay. Di ko alam kung anong oras na. Di ko dinala phone ko kasi ayokong mabiliw kaka-check ng kaka-check tapos wala naman akong makikitang text mula kay Tristan. Habang papalapit, lalong lumalakas ang kabog sa dibdib ko. Magkahalong takot at excitement ang nararamdaman ko.

    Pagdating namin sa bahay, nakita ko si Tristan. Nakaramdam ako ng matinding ginhawa. Andito sya. Tumingin sya sa direksyon namin ni Magz. Sa lakas ng boses ni Magz talaga namang mapapatingin ka ee. Tumakbo si Tristan sakin at yumakap.

He's his Lovestory ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon