Bakit lagi na lang ba ako mag-isa?
Aasa na lang ba ako sa pantasya?Nasa'n ka na ba? Maghihintay nga ba?
Para 'kong tangang nalulungkot sa wala
Kahit sa'n tumingin, ang daming nahuhulog sa isa't isa
Ba't sa 'kin ay wala?"Okay lang 'yan, Risa. Sige ikanta mo lang 'yan," pagkantiyaw ni Trillanes.
"Madam, crushback mo na raw po kasi si Risa para di na siya umiiyak diyan," sabi pa ni Chel.
Lumapit ka, asa'n ka na ba?
Wala naman akong gusto na iba
Ang sakit kahit walang nananakit
Maghihintay ako, hinahanap kitaPagkanta pa ni Risa sa videoke. Sina Chel at Trillanes naman ay tawa lang nang tawa habang si Teddy ay vinivideo-an ang lasing na si Risa.
"Ris, yung hinahanap mo nasa tabi mo lang," sabi ni Trillanes habang natatawa pa rin.
Si Leni ay iiling iling lang sa tabi niya habang pinipigil ang pagtawa.
Minsan, iniisip ko kung pangit ba 'ko?
"Hindi naman diba?" tanong ni Risa sa kalagitnaan ng pagkanta.
Umiling ang mga kaibigan niya.
Kasi asa'n na binibini't habang-buhay ko?
Hindi ba talaga sapat ang tulad ko
Sa buhay ng isang prinsesa na tulad mo?"Uy madam prinsesa ka pala eh," asar ni Trillanes.
"Hay nako, Trillanes. Ewan ko sa 'yo," natatawang sabi ni Leni.
"Madam, maniniwala ka po ba kapag sinabi naming gusto ka ni Risa?" tanong ni Chel.
Nagkibit-balikat si Leni at binalik ulit ang tingin kay Risa na patuloy pa rin sa pagkanta.
Magtitiwala ba sa sinasabing tadhana?
Pa'no ba naman maniniwala?
Kung kahit sa'n tumingin, ang daming nahuhulog sa isa't isa
Ba't sa 'kin ay wala?"Tingnan mo nga naman 'tong si Risa, 'pag ako nainis blind date ko 'to para manahimik na eh," komento pa ni Trillanes.
Bumaling tuloy ang tingin ni Leni kay Trillanes dahil sa narinig at tinaasan niya ito ng kilay.
"Hala bakit parang galit ka, ma'am? Joke lang naman po," sabi bigla ni Trillanes at tinaas pa ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko.
"Parang tanga ka naman kasi," sabi ni Chel.
Lumapit ka, asa'n ka na ba?
Wala naman akong gusto na iba
Ang sakit kahit walang nananakit
Maghihintay ako, ako'y nalilito"Tama na karaoke, Hontiveros. Nandadaya ka lang ng shot eh," sabi ni Trillanes.
Binitawan ni Risa ang hawak niyang mic at lalapitan na sana niya si Trillanes nang biglang magsalita si Chel.
"Tama na away, inumin niyo na 'tong shot ninyo," sabi ni Chel at iniabot ang baso sa kanila.
"Bakla ka, ginawa mo namang tubig yung alak," sabi ni Teddy kay Risa.
"Ris, tama na 'yan," saway ni Leni.
Hindi naman nagpaawat si Risa at uminom pa rin. "Epal kasi nitong si Trillanes sabi ba naman nandadaya ako ng tagay."
"Sige inom ka lang dyan basta hindi ka namin ihahatid pauwi ha?" sabi ni Teddy.
"Leni, di raw nila ako ihahatid pauwi oh," sumbong ni Risa.
"Ako maghahatid sa 'yo," sagot ni Leni.
"Yieee sana all may taga hatid pauwi," sabi ni Teddy.
"Buti nga sa inyo wala kayong taga hatid pauwi. Masama kasi ugali niyo," sambit ni Risa.

YOU ARE READING
Sincerely, Lenrisa
Fanfiction✎ Compilation of LenRisa One-Shots AU Disclaimer: This is a work of fiction, intended only for entertainment.