"Leni."
Ang mga tingin ni Leni na kanina ay nakatuon sa mga papeles sa harap niya ay nalipat agad kay Risa. Today is sunday pero ang dami pa ring ginagawa ni Leni. Inuwi niya ang iba niyang paper works para mabawasan manlang kahit kaunti ang mga gagawin niya kinabukasan.
"Ano yun?"
"Wala lang. Love you!"
"Love you too," sagot ni Leni at bumalik na sa ginagawa niya.
Leni and Risa are friends for 6 years now kaya hindi na rin bago sa kanila ang magstay sa bahay ng isa't isa. Tulad ngayon, si Risa ay nasa condo ni Leni at nakatambay dahil rest day naman niya.
"Kain na tayo?" tanong ni Risa nang makitang nagliligpit na ng gamit si Leni.
"Gusto mo ba magluto o order nalang tayo?" sambit ni Leni.
"Luto nalang. Gusto ko ng sinigang," sagot ni Risa.
Tinabi na ni Leni ang mga gamit niya at nagpunta na sila sa kusina para magluto.
Naramdaman ni Leni na parang may yumakap sa likod niya. "Ris, mamaya na. Nagluluto ako." At tinapik ni Leni ang kamay ni Risa.
Inalis naman ni Risa ang pagkakayakap at pinanood nalang si Leni magluto.
"Yakap lang naman, damot." bulong niya.
"Narinig kita. Bulong bulong ka pa diyan. Sige na, yakap na," sabi ni Leni.
Kinuha ni Leni ang kamay ni Risa at iniyakap ito sa kanya. Risa rested her chin on Leni's shoulder.
Kahit hirap sa pag galaw habang nagluluto ay hindi na inalis ni Leni ang yakap ni Risa hanggang sa matapos siyang magluto.
"Ris, kain na."
Inayos na nila ang hapag kainan at sabay silang kumain.
Kinabukasan, balik na sila sa trabaho. Si Risa ay nasa office niya at kausap si Chel.
"Maiba muna tayo, ano na nga bang ganap sa inyo ni Leni?" tanong ni Chel.
"We're just friends," simpleng sagot ni Risa kay Chel.
"Friends mo mukha mo. Sinasabi ko lang talaga sayo, Risa. Ayus-ayusin mo lang," paalala ni Chel.
"Naka-ayos ako, Chel. Alam ko ginagawa ko."
"Sana nga alam mo, Risa. Sana." huling sinabi ni Chel sa kaibigan bago nagpaalam na aalis na.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay si Leni naman ang pumasok sa opisina ni Risa.
"Galing dito si Chel?" tanong ni Leni at umupo sa upuan sa harap ng mesa ni Risa.
Tumango si Risa habang ang atensyon ay nasa mga papeles sa harap niya. "What are you doing here?"
"Just checking up on you," sagot ni Leni.
"You don't have to."
"But I want to."
Napabuntong hininga na lang si Risa. Hindi naman siya umangal dahil na-miss din naman niya si Leni kahit kakakita lang nila kahapon.
"What's that?" tanong ni Risa nang makita niyang may dalang paper bag si Leni.
"Lunch natin," sagot ni Leni.
Tiningnan ni Risa ang oras at nakita niyang lunch time na nga.
"Nagluto ka?" tanong pa ni Risa.
Niligpit niya ang mga nagkalat na papel sa mesa at nilabas na niya ng laman ng paper bag. Apat na tupperware ang laman non at mga kutsara't tinidor. Ang dalawa ay may lamang kanin at ang ang dalawa pa ay may lamang kare kare at lumpiang shanghai.
YOU ARE READING
Sincerely, Lenrisa
Fanfiction✎ Compilation of LenRisa One-Shots AU Disclaimer: This is a work of fiction, intended only for entertainment.