"Happy Teacher's day po!" bati ng mga bata kay Leni habang naglalakad siya papunta sa loob ng school.
"Thank you," sabi niya sa mga bumabati sa kanya.
Dumiretso na siya sa classroom niya at nadatnan niya ang mga estudyante niya na nagkakagulo.
"Anong meron? Bakit ganyan kaingay?" she placed her hand in her pocket.
"Happy Teacher's Day, Ma'am Leni!" sabay sabay sabi ng mga estudyante niya at pinakita sa kanya ang cake.
Sa ilang taon niyang pagtuturo ay laging may nagsusurpresa sa kanya tuwing araw ng mga guro at kada surpresa ay natutuwa talaga siya.
"Nag-abala pa talaga kayo, maraming maraming salamat sa inyo."
"Walang anuman, Ma'am! The best ka kaya deserve mo 'to." sabi ng isa niyang estudyante.
"Ano ba kayo, pinapaiyak niyo ba ako?"
Natawa naman ang mga estudyante niya. "Hindi nga po namin kayo mapaiyak eh." sabi ng mga ito at niyakap siya.
"Nakita niyo si Ma'am Risa?" tanong niya pagkabitaw sa yakap.
"Nasa classroom niya po yata, ma'am."
"Puntahan ko lang muna ha? Tahimik lang kayo diyan. Huwag magulo," sabi niya sa grade ten students niya.
"Bebe time po kayo, ma'am?" asar sa kanya.
Natawa naman siya. Alam naman kasi ng lahat yung relasyon nila ni Risa kaya ganon nalang ang tanong sa kanya.
"Hindi. May sasabihin lang ako. Sige na, wag niyo kalimutan na may program pa maya maya," sabi niya at dumiretso na sa classroom ni Risa.
"Good morning, mahal." bati niya kay Risa.
"Good morning," lumapit si Risa at humalik sa pisngi niya.
"Nasan estudyante mo?" tanong ni Leni dahil walang tao sa loob ng room bukod sa kanilang dalawa.
"Nauna na sa court, mahal." sagot ni Risa.
Tumango naman si Leni at umupo sa upuan ng teacher's table sa harap. Si Risa naman ay nakatayo lang sa tabi niya.
"Ris," tawag ni Leni.
"Ano yun, mahal?"
"What if..." hindi matuloy ni Leni ang sasabihin niya.
"What if ano?" curious na tanong ni Risa.
Hinawakan niya ang kamay ni Risa.
"What if mag propose ako sa 'yo?" kinakabahang tanong ni Leni.
"Tsaka mo na yan sabihin kapag wala na yung 'what if' mo" sabi ni Risa.
Tumango siya at hinalikan ang kamay ni Risa.
"Tara na, mahal. Magsisimula na yung program," aya ni Leni.
Dumaan muna sila sa room ni Leni bago magpunta sa court.
"Pumila kayo nang maayos," sabi ni Leni sa estudyante niya.
Nang makita niyang ayos na ang pila ay pinauna na niyang maglakad ang mga ito.
"I love you, Ris." sabi ni Leni habang naglalakad sila papuntang covered court.
"Ang random pero I love you too."
Pagkarating nila ay malapit na magsimula ang program. Tumayo sila malapit sa kung nasaan ang advisory class nila.
Simpleng program lang ang nangyari. Opening Prayer, Pagkanta ng Pambansang Awit, Welcome Remarks galing sa principal. Nag intermission number din yung bawat grade level.
Bago matapos ang event ay nagulat si Leni nang biglang tawagin ng emcee si Risa.
"Wala naman siya sa program ah?" isip niya
"Magandang umaga sa inyong lahat. Itong kakantahin ko para 'to sa taong gusto kong makasama habambuhay," sambit ni Risa.
Biglang narinig ni Leni ang intro ng Panalangin.
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin
Tumingin si Leni sa mga kapwa niya guro. Tila nagtatanong kung ano ang nangyayari ngunit wala siyang nakuhang sagot.
Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita
Tumingin siya sa stage. Nagtama ang tingin nila ni Risa. Nakangiti ito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay dahil wala talaga siyang alam sa nangyayari.
Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin
Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita
Huminto na si Risa sa pagkanta at mas nagulat si Leni sa susunod na sinabi ni Risa. "Leni, mahal ko, akyat ka rito."
Naguguluhan man ay umakyat pa rin siya sa stage.
Pagkaakyat niya ng stage ay hinawakan agad ni Risa ang kamay niya.
"Naalala mo kanina tinanong mo ako kung what if magpropose ka sa akin? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nung mga panahon na 'yon. Iniisip ko na baka maunahan mo ako."
Hindi alam ni Leni ang sasabihin kaya nanatili lang siyang tahimik at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Risa.
"Mahal, una pa lang alam ko nang ikaw yung gusto ko makasama habang buhay. Gusto ko pag gising sa umaga, ikaw yung una kong makikita. Hindi ko maimagine na iba yung kasama ko sa buhay."
Inalis ni Risa ang pagkakahawak niya sa kamay ni Leni at may kinuha ito sa bulsa niya. Bumilis ang tibok ng puso ni Leni nang makita niyang isang maliit na kahon ito.
"Bakit hindi ko 'to napansin kanina?" bulong ni Leni.
"Syempre, magaling ako eh." sagot ni Risa.
Binuksan ni Risa ang kahon at bumungad kay Leni ang isang simple pero sobrang gandang singsing.
"Mahal, handa ka bang makasama ako hanggang sa susunod na habang buhay? Leni, will you marry me?" tanong ni Risa.
Pinunasan ni Leni ang mga luhang tumutulo sa mata niya tsaka siya tumango.
Sinuot ni Risa sa kanya ang singsing. Pagkatapos non ay iniabot naman ng isa pang emcee yung microphone kay Leni.
"Akalain mo yun? Naunahan mo pa ako. You're full of surprises talaga."
Si Risa naman ay nakangiti lang na nakikinig.
"Mahal, katulad ng sinabi mo, ikaw lang din ang gusto kong makasama habang buhay. Ikaw lang ang gusto kong unang makita pagdilat ng mata ko sa umaga at huling gusto kong makita pagpikit ng mata ko sa gabi."
May kinuha rin si Leni sa bulsa niya na isang maliit na kahon. Binuksan niya ito at nakita ni Risa na singsing din ang laman non.
"Kahit naunahan mo na ako, gusto pa rin kitang tanungin. Risa, will you marry me?"
"Yes, i will marry you," sagot ni Risa.
Tumulo ang mga luha sa mata ni Risa at agad naman itong pinunasan ni Leni.
"Mahal, 'wag ka na umiyak." sambit ni Leni at sinuot kay Risa ang singsing.
Niyakap nila ang isa't isa at nagpalakpakan naman ang mga estudyante at mga kapwa nila guro.
"Mahal na mahal kita. Ito na yata ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa teacher's day," sambit ni Leni habang nakayakap pa rin kay Risa.
"Mahal na mahal din kita, Leni." sagot ni Risa at hinalikan niya si Leni sa noo.
YOU ARE READING
Sincerely, Lenrisa
Fanfiction✎ Compilation of LenRisa One-Shots AU Disclaimer: This is a work of fiction, intended only for entertainment.
