22: Sundate

157 7 6
                                    

"Ga, wake up."

It's already 10 in the morning at nakabihis na si Leni pero hindi pa rin nagigising si Risa. Napagkasunduan kasi nila na magdate kahit once a week para manlang may pahinga sila dahil lagi silang babad sa trabaho.

"Ris, tanghali na." tawag pa ulit ni Leni.

"Five more minutes, ga."

"Risa, kanina pa 'yang five minutes mo."

"Mauna ka na sa baba. Susunod ako, promise."

Hinayaan na ni Leni si Risa dahil mukhang inaantok pa talaga ito at pagod din sa trabaho. Bumaba na siya sa sala at nanood nalang muna ng K-Drama.

Tumingin siya sa wall clock at nakitang ala-una na ng hapon. Hindi na niya napansin ang oras dahil nalibang na rin sa kakanood.

Umakyat ulit siya para tingnan kung gising na ba si Risa pero pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay bumungad agad sa kanya ang tulog pa ring girlfriend niya.

Marahan niyang tinapik si Risa sa braso upang gisingin. This time, madali na niya itong nagising. "Ga, yung five minutes mo inabot na ng 3 hrs."

"Anong oras na, ga?" tanong nito.

"1 pm"

Napabangon agad si Risa. "I overslept, sorry."

Leni kissed Risa's forehead. "No need to say sorry tsaka nanood din ako ng K-Drama kanina kaya hindi na rin kita nagising ulit."

Ngumiti si Risa sa kanya at niyakap ito pagkatapos ay inaya na niya si Leni sa baba.

Kumain na sila at gumayak na si Risa. Hinintay ni Leni na matapos ito.

"Ready ka na? Tara na ba?" tanong ni Leni nang makita niyang nakapagbihis at nakapag-ayos na ito.

"Yes."

Pagkarating nila sa sasakyan ay tinanong ni Leni kung saan gusto magpunta ni Risa.

"Manila Ocean Park, ga." sagot ni Risa.

Excited na silang pareho na pumunta sa Manila Ocean Park. Habang nagmamaneho si Leni, hindi niya maiwasang titigan si Risa sa tuwing may pagkakataon.

"Ang ganda, nakakainis," bulong ni Leni.

Hindi naman naintindihan ni Risa ang sinabi ni Leni. "Ano yun, pangga?"

"Ganda mo kako."

Mahal na mahal niya talaga ang girlfriend niya, at kahit sobrang busy nila sa trabaho, gumagawa pa rin sila ng oras para i-date ang isa't-isa.

Pagdating nila sa Manila Ocean Park, hindi na maitago ni Risa ang excitement. As soon as they parked, halos tumakbo na si Risa papasok.

"Nako, ga, kalma lang!" patawa na sabi ni Leni habang hinahabol si Risa.

Habang nagpapalibot sa loob ng Ocean Park, aliw na aliw si Risa sa bawat exhibit — mula sa mga colorful fishes hanggang sa mga moving jellyfishes.

"Ang ganda talaga dito, Leni! Thanks for bringing me." sabay hawak ni Risa sa kamay ng girlfriend.

"Anything for you, ga." tugon ni Leni kasama ng isang matamis na ngiti.

"Food trip tayo pagkatapos nito?" tanong ni Risa.

"Sure, alam ko na kung saan tayo pupunta" sagot ni Leni habang muling humawak sa kamay ni Risa.

Pagkatapos ng ilang oras na paglibot, nagdesisyon na silang lumabas ng Ocean Park. Sumakay ulit sila sa kotse at napunta sa isang sikat na street food market malapit lang din sa lugar. Amoy na amoy nila ang masarap na samgyupsal, barbecue, at mga pagkain tulad ng kwek-kwek at isaw.

"Wow, I missed this!" sabi ni Risa habang kumukuha ng plate at nagsisimula nang magtusok-tusok ng pagkain.

"Remember nung college days natin, lagi tayong nandito." kontikang alala ni Leni.

Sumang-ayon si Risa habang kumakagat sa kwek-kwek. "Oo nga, times were simpler then. Pero, mas masaya na ngayon kasi magkasama pa rin tayo."

Puno ng tawa at kwentuhan ang kanilang pagbalik-tanaw sa mga alaala. Hindi nila namalayan na gabi na pala at napuno ang kanilang mga tiyan.

"Masarap pala kung paminsan-minsan, nalalayo tayo sa stress ng trabaho para mag-enjoy lang, no?" sabi ni Leni habang papunta na sila sa kotse.

"Oo nga, ga. Ngayong nakapag-relax na tayo, ready na ulit tayo harapin lahat ng mga paper works natin sa bahay," sumandal si Risa sa balikat ng girlfriend habang naglalakad sila pabalik sa kotse.

Sincerely, LenrisaWhere stories live. Discover now