4: Top of My School

693 42 43
                                    

TW: Emotional Abuse, Self Harm, Suicide Attempt and Mention of Blood.

Please don't read this if you're uncomfortable.

--------------------------------------------------

"Gerona, Maria Leonor," banggit ng adviser ni Leni at lumapit siya sa teacher niya.

"You did so well," dagdag pa nito at iniabot ang results ng exam niya.

"Thank you po, ma'am," ngumiti siya at bumalik na sa upuan niya.

Tiningnan niya ang scores niya perfect naman ang mga 'yon ngunit parang nanlumo siya nang makita niya ang score niya sa isang subject. 45/50.

"Lagot ako nito pag-uwi," bulong niya sa sarili.

"Tingin ako ng scores mo," nabaling ang atensyon niya sa katabi at iniabot niya ang maliit na papel na hawak niya.

"Perfect mo lahat? Wow, galing mo talaga," sabi ng katabi niya.

"Hindi ah. May 45 nga ako," sagot ni Leni.

"Mataas kaya 'yan! Tingnan mo yung sa akin," sambit nito at pinakita ang scores niya.

"Taas ng scores mo."

"Mas mataas yung sa'yo 'no! 'Wag ka na malungkot diyan, bawi ka nalang next time. Gusto mo ba libre kita mamayang lunch?" tanong ni Risa sa kanya.

"Huwag na, nakakahiya. Tsaka kasama mo yung mga kaibigan mo maglunch diba?" sagot ni Leni.

"Pwede ko naman sabihin sa kanila na sa'yo muna ako sasama maglunch. Maiintindihan naman nila 'yon," sambit ni Risa.

"Nakakahiya pa rin," sabi ni Leni.

Hindi kasi siya sanay na may kasabay tuwing lunch o recess dahil wala naman siyang kaibigan. Kadasalan pa ay after niyang kumain ay dumidiretso agad siya sa library para mag-aral.

"Sige na, minsan lang naman. Huwag ka na mahiya," dagdag pa ni Risa.

Mukhang hindi siya titigilan ni Risa hanggat hindi siya pumapayag kaya um-oo na siya.

"Tara na," sabi ni Risa nang maglunch break na.

Nagpunta silang canteen at pumwesto sila sa pinakadulo.

"Anong gusto mo?" tanong ni Risa.

"Kung ano nalang din yung sa'yo," sagot ni Leni.

Bumalik si Risa sa table nila na may dalang pagkain at nakita niyang menudo ang ulam na binili nito at may dalawang tubig.

"Kumakain ka ba niyan?" tanong ni Risa at umupo na siya upuan niya.

Tumango si Leni at ngumiti. "Salamat."

"Bakit ka malungkot kanina nung nakita mo yung score mo? Mataas naman yun ah?" sambit ni Risa habang kumakain sila.

Uminom muna ng tubig si Leni bago nagsalita. "Baka kasi pagalitan ako ng parents ko. Dapat kasi perfect ako lagi."

"Gusto mo ba sa amin ka nalang tumira? Sa parents ko okay lang as long as hindi bagsak." sabi ni Risa.

"Baliw, hindi pwede. Edi mas lalo akong pinagalitan," sagot ni Leni at bahagyang tumawa.

"Pero kapag gusto mo ng mapagsasabihan, huwag kang mahiya na magsabi sa akin ha?" sabi pa ni Risa.

"Salamat talaga, Risa."

"Wala 'yon 'no! Friends na tayo ha?"

Ngumiti si Leni at tumango.

Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sila sa classroom.

Sincerely, LenrisaWhere stories live. Discover now