1: Panaginip

2.2K 58 67
                                    

"Dalian mo na kaya diyan? Hindi natin maaabutan yung concert sa sobrang tagal mo," sabi ni Chel sa kaibigan niya.

"Saglit lang," sagot naman ni Leni.

Nasa loob siya ngayon ng banyo at nag-aayos ng sarili. Wala silang gagawin ngayong araw kaya inaya sila ni Chel na manood nalang daw sila ng concert ng kaibigan niya.

"Hay salamat. Nakalabas na rin," saad naman ni Teddy pagkalabas ni Leni ng banyo.

"Ikaw magd-drive papuntang MOA dahil sobrang tagal mo," sabat pa ni Chel.

"Oo na. Tara na nga," sabi naman ng babae at kinuha na ang susi ng sasakyan.

Si Chel ang nasa shotgun seat at nasa likod naman si Teddy at si Neri.

Nakikinig lang sila sa radyo habang nasa byahe. Biglang tumugtog ang alapaap at sumabay naman ang iba sa pagkanta habang si Leni ay tahimik lang na nagmamaneho.

Hanggang sa dulo ng mundo
Hanggang maubos ang ubo
Hanggang gumulong ang luha
Hanggang mahulog ang tala

"Sabay ka naman, Leni!" sabi ni Neri.

Sumabay siya sa chorus pero mahina lang ang boses niya. Hindi naman kasi siya kumakanta.

Masdan mo ang aking mata
'Di mo ba nakikita
Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama

Nagkantahan lang sila buong byahe at nang makarating na sila sa MOA ay dumiretso na sila sa Concert Grounds.

Tiningnan ni Leni ang oras sa cellphone niya. 7:43 PM. 8:00 PM pa magsisimula ang concert kaya hindi pa sila late.

"Chel?" tawag ni Leni.

"Oh, bakit?" sagot niya.

"Di ba yun na yung kaibigan mo?" turo niya ron sa babaeng nag aayos ng gitara sa gilid ng stage.

"Ay oo. Si Risa," saad ni Chel.

Tumango lang siya at finocus na lang ang tingin sa kaibigan ni Chel. Hindi naman ito ang unang beses na nakita niya ito. Minsan kasi kapag may gala silang magkakaibigan ay sinasama siya ni Chel kaya familiar na si Leni sa kanya. Pinagmasdan niya ito nang mabuti.

"Grabe, ang ganda niya talaga. Kamukha niya si Mama Mary." isip ni Leni

"Leni!" tawag ni Neri.

"Oh? Bakit ka naman sumisigaw?" pinagtaasan siya ni Leni ng kilay.

"Kanina pa kita tinatawag hindi ka namamansin. Sino ba 'yang tinitingnan mo?" tanong niya at tumingin din kung saan siya nakatitig kanina.

"Wala ah, ano ba yun? Bakit mo 'ko tinatawag?" sabi niya nalang.

"Itatanong ko lang kung gusto mo ba ng chocnut," pinakita niya ang isang balot ng chocnut.

Kumuha lang si Leni ng limang chocnut at tumingin ulit sa stage. Tapos na si Risa mag-ayos ng gitara niya at paminsan ay kumakaway siya sa mga tao.

Nagulat nalang si Leni nang biglang magsalita ang emcee.

"Please welcome, Risa Hontiveros."

Naglakad na si Risa papuntang gitna ng stage. Ang mga tao naman ay nagpapalakpakan at nagsisigawan. Isa na ron ang mga kasama ni Leni ngunit siya ay nakatayo lang at tinititigan ang babae sa harap.

"Magandang gabi sa inyong lahat!" panimula ni Risa. "Kung alam niyo yung mga kantang kakantahin ko, pwede kayong sumabay sa akin." dagdag pa niya.

Ini-strum niya ang gitara niya habang nakatingin sa crowd.

Sincerely, LenrisaWhere stories live. Discover now