Prologue

915 46 0
                                    

"Pa, sorry......" hindi ko mapigilang mapaiyak ng malaman ang results. Malungkot itong ngumiti at niyakap ako.

"Okay lang anak. Okay lang." Napahagulgol ako ng iyak sa mga braso ni papa.

"Iha tahan na bawal ang stress sa bata." Concern na sabi ng doctor. Mahigpit akong niyakap ni papa habang pinapatahan. Pagkatapos ng check up dumiretso kami ng uwi ni papa.

Sinubukan kong tawagan si Karic kahit na alam kong pustahan lang ako. Nagbabasakali pa rin ako, kahit sustento na lang sana. Pero umasa ako sa wala, halos itapon ko yung cellphone ko dahil sa galit.

Lumabas ako ng kwarto at napatigil ng makita si papa sa kusina na nakatulala. Hindi ko mapigilang lumuha na naman. Napatakip ako ng bibig at pumasok sa kwarto.

Wala akong narinig ni isang salita mula kay papa. Alam kong sinisisi nito ang sarili kahit wala naman itong kasalanan.

Napakatanga mo Zertyl! Ang gaga gaga mo! Napasabunot ako sa sarili  dahil sa inis. Sanggol pa lang ako wala na akong ina. Si papa nagpalaki sa akin ng mag isa. Kitang kita ko ang hirap ni papa habang pinapalaki ako. Hindi ako naghanap ng ina pero sinubukan ni papa na bigyan ako, nag asawa ulit sya pero hindi naging maganda ang trato nito sa akin kaya hindi rin nagtagal ang relasyon ng mga ito.

Ang swerte ko. Ang swerte swerte ko kay papa, dahil lahat binigay nya kahit mahirap lang kami. Palipat lipat kami ng bahay, lahat ng trabaho pinasukan ni papa mapaaral lang ako. Makapagtapos na lang sana, kahit yun na lang sana ang maisukli ko kay papa, hindi ko pa nagawa.

"Anak." Napaigtad ako sa gulat at agad na inayos ang sarili ko.

"Kumain kana. Isda na lang muna ang uulamin mo anak, bukas pa yung sweldo ko." Sabi nito ng pagbuksan ko ito ng pintuan.

"Okay lang pa." Mahinang sagot ko. Inayos nito ang buhok ko at saka ako hinalikan sa noo. "Matulog ka kaagad anak, bawal kang mapuyat." Nakangiting sabi ni papa. Naghihintay akong tanungin nito tungkol sa ama ng anak ko, pero wala akong natanggap na tanong.

"Hira!" Tawag ko sa kaibigan ko. Lumingon ito at umirap saka huminto para hintayin ako.

"Aabsent ka?" Mataray nitong tanong.
"Pwede mo bang kausapin si Karic mamaya?" Napataas ito ng kilay.
"Paano ko kakausapin ang taong nasa labas ng bansa? Eh wala akong cellphone, bakit ikaw ang di kumausap sa kanya." Napaawang ang labi ko at di alam ang sasabihin. Parang nalaglagan ng malaking bagay ang mga balikat ko.

"Seryoso ka? Di mo alam?" Wala sa sariling umiling ako.
"Well, wala na rin naman kayo. Bakit pa nya sasabihin sayo." Napakunot noo ako sa inaakto nito.

"Hira, buntis ako." Mahinang sabi ko na kinanlaki ng mata nito. Napaawang ang labi nito at napatingin sa tyan ko.

"Napakabobo mo talaga no! Hindi mo ba ininom yung pills na binigay ni Ashna sayo!?" Malakas na sabi nito. Umiling ako at pinigilang wag maiyak.

"Hira pwede bang tulungan mo akong makausap si Karic—"

"Late na ako, at saka problema mo yan! Wag mo kong idamay dyan." Napaatras ako sa lakas ng boses nito.

"H-hira..." nauutal kong sambit sa pangalan nito. Inirapan ako nito at saka aalis na sana ng bumalik ito, may binigay itong maliit na plastic sa kamay ko. "Bigay ni Ashna yan, sa bahay mo na buksan." Sabi nito at saka umalis.

"Nga pala wag kang mag inarte dyan. Kasalanan mo rin naman diba? Isang buwan pa nga lang kayo ni Karic bumukaka ka agad." Para akong nanlamig sa sinabi nito.

"L-lasing ako nun Hira, ayaw kong uminom pero pinilit moko. Bakit ka ganyan!?"

"Kung ayaw mo, hindi ka talaga iinom kahit pilitin ka pa!" Malakas nitong sabi at aalis na sana ng pigilan ko ito sa braso.

"Hira please kahit sina Ashna na lang sabihan mo. Wala akong pakialam sa pustahan o kay Karic basta sustentuhan nya ang bata, wala akong pakialam sa kahit na ano, yung..... b-bata na lang." Nagmamakaawang pakiusap ko rito.

Sarkastikong napatawa ito at malakas na kinalas ang kamay ko sa braso nito. "Sabi ko na nga ba at wala kang pakialam kay Karic, mabuti ng ganyan ka! Deserve mo yan." Napaawang ang labi ko at di maprocess ng utak ko ang sinabi nito.

"Umalis ka na lang, magpakalayo ka at baka mapahiya ka lang sa paaralan, yung top 1 ng klase ay nabuntis ng maaga." Panunuya nito at saka umalis.

Tumulo ang mga luha ko at malungkot na ngumiti  habang tinatanaw si Hira sa malayo. Unti unting nagbago ang ugali nito ng makapasok kami sa barkada nina Ashna na pinsan ni Karic.

Napaiwas ako ng tingin ng tingnan ako ni papa ng makauwi ako sa bahay. Agad na dumiretso ako sa loob ng kwarto. Napatingin ako sa plastic na bigay ni Riha.

"Gamot?" Naguguluhang sambit ko. Binuksan ko yung plastic at kinuha yung gamot.

"A-anong...." napatulo ang luha ko ng makita kung anong klaseng gamot iyon. Napatakip ako ng bibig at nanghihinang napaupo sa kama ko.

Gamot pampalaglag, gusto nilang ipalaglag ko ang bata?

Anong ibig sabihin nito, alam na ba nilang buntis ako? Alam rin ba ni Karic? Kaya ba sya umalis ng bansa.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon