Chapter Twelve

360 35 3
                                    


"Anak, saan ka galing?" Napatingin ako kay papa ng pumasok ito ng sala habang bitbit ang aso ni Aera. Ginabi na ako ng uwi dahil pinuntahan ko po yung school kung saan ko ieenroll ng taekwondo class si Aera. Mabuti na lang at may night class yung mga teenager at kahit gabi na nakaabot pa ako dahil bukas pa sila.

"Bakit nasayo yan pa? Nasaan si Aera?" Tanong ko.

"Ako yung unang nagtanong diba? Bakit di mo kaya sagutin muna yung tanong ko bago ka magtanong." Napangiwi ako dahil mukhang bad mood si papa.

"Anyare pa, bakit parang bad mood ka?"
"Oh kita mo na. Nagtanong pa nga ulit." Napakunot ako ng noo. Napakaseryoso ng mukha nito.

"Pa, what's wrong? May nangyare ba?" Nagaalala kong tanong. Napatingin ito sa akin at walang sinabi pero maya maya natawa ito.

"Ang hirap palang gayahin yung hilaw kong manugang." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nito. Napailing iling ito.

"What's going on, Pa?"
"Wala anak, sinunod ko lang yung Karic na yun. Akalain mo yun sagad pala sa buto ang kasungitan nun. May nangyare kasing kapalpakan ang mga trabahador ko doon sa Computer Shop na ipapatayo ko. Alam mo naman na pinapagawa pa yun diba? Tapos kanina hindi ko maintindihan yung foreman, inaway ko....." Nanlaki ang mata at napalapit ng upo dito.

"Inaway nyu Pa?"
"Aba eh, english ng english eh hindi ko sya maintindihan at saka iniiba nya yung lay out ng original plan ko."

"Saktong sakto andun yung hilaw kong manugang. Naku! Gulat na gulat ako. Maatitude yung boyfriend mo nak!"

"He's not my boyfriend Pa." Pagtatama ko dito.

"Talaga!? Paano?" Napakunot noo ako sa tanong nito.

"Anong paano?" Nagtatakang tanong ko.
"Ama yun ng apo ko diba, tapos dito tayo nakatira. Kung hindi mo boyfriend yun eh ano? Hindi naman asawa kasi hindi pa naman kayo kasal."

"We're friends."
"Uyy artista?" Natawa ako at inis na hinampas si papa.

"Yung totoo anak? Friends kayo pero magkatabi kayong matulog? Ano yun friends with benefits?"   Ama ko ba talaga to?

"Naku! Sa tanda kong to, ako pa ang lolokohin mo. Hala pumunta kana sa taas yung anak mo, nakipag away dun sa bata na anak ng isa sa mga katulong."

"What!?" Bakit lahat na lang nakikipag away? Sana ako rin nakipag away dun sa matanda.

"Anong nangyare?" Bulong ko kay Karic dahil natutulog na si Aera.

Napailing ito habang inaayos ang kumot ni Aera. "Ask her tomorrow, did you already ate your dinner?" Tanong nito at hinalikan ako sa noo. Inayos nito ang buhok ko at saka ako hinawakan sa bewang habang papalabas sa kwarto ni Aera.

"Nakipag away rin daw si papa sa foreman kanina?" Tanong ko.

"Yes, but it's not a big deal. I already fire him." Hindi na ako nagulat dahil ineexpect ko na yun.

"Stop it." Warning ko rito dahil nagsisimula na naman ito sa kakahalik sa balikat ko. "I think i need to have my own room." Sabi ko ng makapasok kami kwarto.

"There's no available room."
"There's a lot of guest room here." Naningkit ang mga mata nito at umupo sa kama. "Why do you need a room? Do you want to have study room or office?"

"No! Aanhin ko naman ang mga yun? Karic listen, we don't have a relationship—"

"So what babe. Come on, you're just the only one who doesn't know that we don't have a relationship. Everyone knows that you're my wife." Bored nitong sabi at humiga.

"Wife!? Kapal mo." Natawa ito at hinila ako pahiga.

"Come on babe, bakit kasi di mo na lang ako sagutin." Mahinang sabi nito habang ang mukha nasa leeg ko.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon