Chapter Thirty One

197 23 0
                                    


Tatlong araw na hindi kami nakapag usap nina Ashna at Veyra. Kainis! Ako ba yung magso-sorry? Bahala na, bahala sila. Inabala ko na lang ang sarili ko sa likod ng bahay at tinulungan ang mga katulong sa pagkuha ng mga sirang dahon sa bulaklak.

"Mam nadito po sina Mam Ashna, papasukin ko po ba." Gulat na nabitawan ko yung gunting. Really?

"Papasukin mo." Inalis ko yung gloves ko at agad na naghugas ng kamay. Pumasok ako sa bahay at naghintay sa sala.

"Bakit ngayon lang kayo!?" Tanong ko agad. Napasimangot si Ashna at sinabunotan ako ng mahina.

"Gaga ka! Syempre binigyan ka namin ng space at baka galit ka pa! Sorry na sis kasi naman hindi naman kasi halatang edited pinatingnan ko sa isang agents namin at sinabing hindi rin edit, siguro grabeng skills nung nagedit ng picture na yun. Sorry na please bati na tayo." Sabi ni Ashna at napanguso na parang nakakaawa.

"Basta ako wala akong kasalanan huh, nadamay lang ako." Napanguso ako at tumango na lang.

"Kung makapagtanong ka naman kung bakit ngayon lang kami. Akala mo ba hindi namin alam na naka-ban kami sa bahay na to! Demonyita ka ang dami mong arte."

"Kasi ayaw ko rin muna kayong makausap at baka ano pa ang masabi ko." Parang mga tanga kami doon na nagso-sorry sa isa't isa at sa huli na nagtawanan na lang.

"Okay na kayo ni Dyson?" Tanong ko. Napatigil ito sa pagsubo ng ice cream at pabebeng ngumiti. Gaga sarap sabunotan.

"Nga pala nasaan si maldita miss ko na yun eh." Sabi ni Ashna habang nililibot ang paningin sa bahay. Sabado ngayon kaya walang klase si Aera.

"Alam nyu naman kapag walang klase si Aera palaging sinasama iyon ni Karic sa kompanya o kung saan man sya pumunta."

"Really? Tapos palagi kang naiiwan dito hahaha kawawa ka naman inabandona ka ng mag ama mo." Sus.... mamaya andyan na rin naman sila kasi hapon na rin naman.

"Anong gusto mong gawin ko sasama rin doon? Hindi ko alam at bakit hindi maipaghiwalay ang dalawang yun." Nagkatingin silang dalawa na ikinataas ng kilay ko.

"What? Ano na naman!?" Masungit kong tanong.

"Wala kaming sinabi pero kasi 5 years- hindi na nga!" Malakas na sabi ni Ashna ng akmang babatuhin ko ito ng unan.

"Ano na wala pa bang nabubuntis sa inyo? Lagpas 1 week na february na tayo ngayon. Ginawa nyu ba talaga yung parusa nyu?"

"Parusa talaga? Well hindi ko naman kailangan magpills kasi wala akong sex, 2 weeks na." Sabi nito

"Ako rin." Sabi ko. Tumawa ako ng pinagtaasan nila ako ng kilay.

"Bigyan mokong isang milyon maniniwala ako." Sabi ni Veyra.

"Ako kahit bigyan mo pa ako ng house and lot hindi ako maniniwala. Bakit di tayo magpacheck up ngayon para malaman natin. Minsan kasi may mga buntis na hindi nakakaexperience ng morning sickness o paglilihi."

"Wow ang daming alam. Nagresearch ka? So nag eexpect ka rin?"

"No, I told you ayoko talagang magkaanak." Seryosong sabi nito.

"What if mabuntis ka?" Tanong ko.

"I wont. Nag iingat ako Zertyl at alam ko-"

"What if nga eh." Sabat ko. Hindi ito nagsalita at parang nag iisip.

"I don't know. I really don't want to be a mother or maybe hindi pa ako handa. I can't see myself having a baby right now." Umiling ito at simpleng ngumiti.

"Pero gusto mo naman sigurong magkapamilya diba?" Tanong ko.

"I don't know masaya naman ako na mag isa lang. I can do whatever i want walang bawal at walang sakit sa ulo. I want to be free." Sabi nito pero may bahid ng lungkot ang boses.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon