Ilang araw na ang lumipas ng hindi ko nakikita si Karic, pero dumadalaw naman ito kay Aera kapag wala ako. Alam kong busy ang mga ito na irescue si Veyra dahil nalaman nilang dinala ng mga sindikato si Veyra sa isla.
"Anak." Oh shit! Nahiwa ko ang kamay ko sa gulat ng tawagin ako ni papa.
"Mama...!" Agad na tinakpan ni Aera ng Tissue yung kamay kong dumudugo.
"Wala ka na naman sa sarili mo. Anong problema anak?" Kinuha nito ang kutsilyo at mansanas sa kamay ko at tinignan ako ng seryoso.
"Dahil ba to sa ama ng apo ko?" Agad na napailing ako at saka pumasok ng banyo para linisan ang sugat ko.
Dumating ang araw na pwede ng umuwi si papa dahil hindi naman masyadong nadamage ang mga paa nito. Nagpapasalamat ako na walang masyadong naapektuhan sa pagsabog. Ilang ulit akong humingi ng tawad sa mga nanay ng bata dahil sa nangyare.
"Iha may kaarawan man o wala. Pupuntahan pa rin nila ang eskwelahan dahil doon maraming bata. Gawain na nila noon pa man ang ganung bagay. Kami ang dapat na magpasalamat sa inyo dahil sagot nyu lahat ang pagpapahospital ng anak namin." Napangiti ako dahil nagsitanguan yung ibang nanay.
Wala naman akong kinalaman sa pagsagot ng bill nila sa hospital dahil si Karic naman namang ang owner nito pero hindi ko na sinabi.
Hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung naligtas na ba si Veyra. Si Ashna ang naiwan dito at ilang araw na rin syang stress at wala sa sarili kaya minsan pinagpapahinga ko na lang sya sa bahay nila pero matigas ang ulo nito at palaging bumibisita sa hospital.
"I hope na hindi ka kokontra kapag dinala ko kayo sa bahay ni Karic." Nanlaki ang mata ko at nilingon si Ashna na syang may hawak sa wheelchair ni papa habang papalabas kami ng hospital.
"Please........ Zertyl" hinawakan nito ang kamay at tiningnan ako. "Kahit yun na lang makabawi ka kay Karic. I swear walang pustahan na nangyare. Sana naman maniwala ka na. You know you're hurting Karic right now. Bumalik na naman sya sa dati ng iwan mo sya. He can't even focus rescuing my sister." Malungkot nitong sabi.
Hindi ako sumagot at tumingin kay papa.
"Sige na pumayag kana anak. Wag na kayong magdrama dyan. At ayaw mo bang makasama ng anak mo yung tatay nya? Anak lumaki ka ng hindi kompleto yung pamilya sana wag mo ring iparanas iyon sa apo ko." Natigilan ako at agad na napatingin kay Aera na nakikipaglaro sa mga kaklase nito na nasa hardin ng hospital.
"H-how about our things p-pa." Nakita kong ngumiti at nagkatinginan sila ni Ashna.
"Kahapon pa nandoon anak. Mas excited silang lumipat kaysa sayo." Nanlaki ang mata ko at di makapaniwalang tumingin kay papa.
"Pumayag na pala kayo, bakit hindi nyu agad sinabi sa akin?" Inis kong tanong.
"Dahil alam kong magdadalawang isip ka pa. Halikana nga umuwi na tayo excited na kong makita yung kwarto ko eh." Napaawang ang mga labi ko habang sinusundan ng tingin si papa na papalayo na.
What the fuck!
"Aera!" Tawag ko rito. Napanguso ito at agad na tumakbo papalapit sa akin.
"Let's go home na anak." Napasimangot ito at saka nilingon ang mga kaklase nito at nagwave ng babye.
"Mama Where are we!?" Gulat na sigaw ni Aera nang makababa ito ng sasakyan.
"Do you like it baby? It's your daddy's house." Nanlaki ang mata nito at napatakip ng bibig.
"My daddy is really rich!? Mama look it's a mansion. I wanna live here!" Excited nitong sabi at tumatalon talon sa tuwa.
"You don't have any idea how rich he is." Mahinang sabi ni Ash at napailing.
BINABASA MO ANG
LIVING WITH MY EX
RomanceI didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong kinilala p-pero pinapasok kita sa buhay ko kahit di ako sigurado, nagtake ako ng risk dahil ang sabi mo mahal mo ako! Gusto kong maranasan m...