Chapter Thirty

210 24 1
                                    


"Babe." Napaangat ako ng tingin at napatigil sa pagsubo ng pagkain.

"Nagrequest ka daw na wag munang papasukin sina Ashna sa bahay."

"Oo nga pala sorry nakalimutan kong hindi ko pala bahay to." Sabi ko at tumayo. Nawalan na ako ng gana bwisit!

"Babe." Pigil nito sa kamay ko at pinaupo ako ulit.

"Anong sinasabi mo na hindi mo bahay to." Malambing nito sabi. "It's also your house okay? You can do whatever you want. Im just curious because they are your friends your always together bakit biglaan ang request mong ganun?" Napairap ako at inalis ang kamay nito sa akin.

"Sabihin mo na lang kung ayaw mo ng request ko ang dami mo pang sinasabi." Inis kong sabi. Napakunot noo ito na parang di ako naiintindihan.

"Okay, I won't ask you about it." Napabuntong hininga ito at hinalikan ako sa noo.

Pagkatapos nitong kumain nagpaalam na itong aalis.

"I love you, Call me if you need anything." Malambing nitong sabi. Hindi ako sumagot at tumango na lang.

"Mam eto na po yung lista." Magalang na sabi ni Yaya Tere. Ngumiti ako at kinuha yung grocery list.

Napatingin ako sa oras at alas 8 pa lang ng umaga. Sana naman walang ganap na mangyayare.

"Just wait me here. Tatawagan ko na lang kayo kapag kailangan ko na ng tagabuhat." Utos ko sa mga bodyguard ko ng makarating sa mall.

Palagi naman silang naiiwan sa labas dahil ayokong may sumusunod sunod sa akin lalo na kapag kasama ko ang dalawa.

Hindi muna ako namili at naglibot libot sa loob ng SM. Nasa thirdfloor na ako ng makarinig ako ng dumadagundong na boses, napatigil rin ang mga tao at napatingin sa pinanggalingan nun.

Napatakip ako ng bibig sa gulat ng makita si kuya Vinzo.

You know kung saan mas nakakatakot si kuya? Sa work kasi hands on sya at super super strict.

"The child almost lost his life because of your stupid performance!" Galit nitong sigaw. Nakakatakot ito at hindi makaangat ng tingin ang mga staff na pinapagalitan nito. Wala ring naglalakas ng loob na sumagot at depensahan ang sarili.

Marami pa itong sinabi na masasakit na salita. Mukhang sa kanya ata yung palaruan ng mga bata na nasa loob ng mall.

Napatigil ito ng mapatingin sa iba hanggang sa magtama ang mga mata namin. Awkward na ngumiti ako dahil parang mali na nakita ko syang ganoon. Hindi ito ngumiti at napaiwas lang ng tingin kaya napakunot noo ako.

Aalis na sana ako ng bigla itong tumakbo sa direksyon ko at hinarangan ako.

"Can we talk?"
"Ah oo naman kuya, hindi naman ako masyadong busy." Sagot ko at ngumiti. Sumunod ako ng naglakad ito papasok sa office nya ata.

"I don't want to ruin your relationship with Karic so let's just forget what happened." Napakunot ang noo ko pero tumango na lang.

Ang ibig ba nyang sabihin ang nangyare kanina? Pero ano naman ang koneksyon nun sa relasyon namin ni Karic?

"I just need to clear it. Walang kahulugan ang pangyayaring iyon." Tumango lang ako kahit na medyo hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin nito.

"Iyon lang po ba? Simple lang naman pong kalimutan iyon, wala po iyon Kuya." Nakangiting sabi ko.

"Yes i know. Because you love Karic so much and i know that." Tumango ito at sinabing pwede na akong umalis.

Para akong tanga na lumabas doon dahil iniisip ko yung sinabi ni Kuya Vinzo. Maapektuhan ba ang pagmamahal ko kay Karic sa pagsigaw nya sa mga staff kanina? Para akong mababaliw sa pagco-connect ng relasyon namin ni Karic sa nangyari kanina.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon