Chapter One

522 48 0
                                    

Napangiti ako ng makita ang nakasimangot na mukha ng anak ko habang papalapit ako sa bahay.

"Bakit ngayon ka lang?" Malditang tanong nito at tinaasan pa ako ng kilay kaya natawa ako.

"Ang strict naman!" Reklamo ko at kinurot ang pisngi nito. "Nagovertime ng konti si mama kasi kulang ng tao yung restaurant." Paliwanag ko at binuhat ito.

"Hmp! Did you buy me food!?" Malakas nitong sabi at mahigpit na yumakap sa leeg ko.

"Mamaya anak, hintayin muna natin si lolo okay?" Tumango ito at nagpababa. Pagod na umupo ako sa maliit naming sofa at pinanood na tumakbo si Thaeryxia papuntang kwarto namin. Pumikit ako ng konti para magpahinga, maya maya pa'y naramdaman ko ng umaakyat sa kandungan ko si Aera.

"Mama look!" Napadilat ako at tiningnan ang papel na hawak nito.

"Pwede na po kong magschool?" Tanong nito. Napangiti ako dahil marunong na itong magsulat ng pangalan nito.

"Tambay po ako kay teacher Arina kaya tinuturuan nya akong magwrite ng name ko." Nawala ang ngiti ko sa sinabi nito. Masyado na ba akong busy sa trabaho na yung obligasyon ko bilang ina hindi ko na nagagawa.

"Lolo!" Nabaling ang atensyon ko ng biglang sumigaw si Aera at tumakbo kay papa na kakarating lang.

"Aba, ang bigat bigat na ng Aera ko ah!" Napangiti ako at lumapit para kunin ang mga dala ni papa.

Napakunot noo ako ng makita na dala na nito ang lahat nitong gamit sa trabaho.

"Pa, ano na naman to? Sisante na naman po kayo?" Napatingin ito sa akin at binaba muna si Aera bago kinuha sa akin ang mga gamit nito.

"May magandang offer yung kumpare ko sa manila." Napasapo ako ng noo at mabigat na pabagsak na umupo sa sofa.

"Ayan na naman po kayo pa, kapag hindi nyu na nagustuhan yung trabaho aalis kayo tapos lilipat na naman tayo." Reklamo ko.

"Hindi anak, maganda yung offer at saka malaki yung sweldo. Malapit ng mag aral yung apo ko kaya kailangan natin ng malaking pera, masyadong maliit yung sweldo dito sa probinsya." Paliwanag nito.

"Paano kung kayo na lang pumunta ng manila pa, tapos magpapadala na lang po kayo dito." Suggest ko na ikinakunot ng noo nito.

"Iiwan ko kayo dito!? Aba'y di pwede Zertyl pareho kayong babae dito. Hindi ako mapanatag na iwan kayo, masyadong malayo ang manila hindi ako basta bastang  makallipad agad kapag may nangyaring masama sa inyo." Natawa ako ng mahina dahil nanlalaki ang mga nito habang nagsasalita.

Napatingin ako sa gilid ng biglang may tumikhim. Napangiti ako ng makita ang anak ko na nakapamewang habang nakatingin sa amin ni papa.

"Pakainin nyu po muna ako bago po kayo mag away dyan, hmp!" Sabi nito at tumalikod saka dumiretso ng kusina. Nagkatingin kami ni papa at natawa.

Pagkatapos ng dalawang linggo naiayos na rin lahat ni papa ang pag alis namin. Nag barko na lang kami para makatipid si papa, kaya lang hirap na hirap naman ako dahil sa kaartehan ng anak ko.

"Anak malapit na tayo sa manila, bibilhan kita agad ng masarap na ice cream wag ka lang malikot okay?" Pakiusap ko dito dahil napakakulit nito. Nakasimangot na ito at malapit ng dumikit ang mga kilay nito. Iniirapan nito lahat ng tumitingin sa amin.

"I wanna go home now!" Nagpapadyak na ito at tumalon talon sa inis. Nagpapaumanhin na tumingin ako sa mga tao na nasa paligid namin.

"Baby come here." Binuhat ko ito at inayos ang buhok. Malapit ng dumaong yung barko kaya bumalik na ako sa pwesto ni papa. "Ako ng bahala sa lahat ng gamit anak." Sabi ni papa na ikinatango ko. Yumakap sa leeg ko si Aera at binaon ang mukha nito. Hindi pa ito nakakain at natutulog kaya ang sungit sungit.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon