"Good morning. Happy birthday baby!" Bati ko rito ng magising ito. Agad na ngumiti ito at niyakap ako.
"Happy birthday!" Sigaw ni Veyra at Ashna na hindi pa sumisikat yung araw nandito na sa bahay.
"Tita!" Tumayo ito at tumakbo sa mga tita nya. Ang dalawang to hindi papayag na simple lang yung birthday ni Aera. Naghire ang mga ito ng party organizer. Binayaran pa ng mga ito ang principal para walang klase yung buong kinder at preparatory.
Gusto sana nila na sa hotel na lang ni Ashna kaya lang gusto ni Aera sa paaralan.
"Look baby! This will be your outfit today!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang limang gown sa sala na nakasuot sa manequin.
Tuwang tuwa naman ang anak ko at tumakbo ito doon.
"Hiyang hiya ang ambag ko anak." Napatingin ako kay papa ng bumulong ito sa akin.
"Ilan ba binigay mo pa?" Tanong ko
"Wala na anak, sayang naman kung ibibigay ko pa. Ise-savings ko na lang to. Mayayaman naman yang mga kaibigan mo. Yakang yaka na nila yan." Natawa ako at lumapit kay Aera."Mamaya dadating na yung mag aayos sayo anak. Maligo kana." Wala akong naging problema sa preparasyon since inangkin na nila Ashna yun. Ang poproblemahin ko lang ngayon ay si Karic.
"9 yung dating ni Karic ngayon, sakto lang kasi 10 pa naman magsisimula yung party." Napatango ako, kinakabahan na.
Wala akong tigil sa kakalakad habang yung iba busy sa pag aasikaso ng lahat.
"Zertyl 8:20 na." Bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin ni Veyra yung oras sa akin. Tumango ako at nagbihis na.
"Mama bakit ganyan lang po suot nyu? Hindi po kayo pupunta ng birthday ko?" Tanong ni Aera na nakasimangot. Ngumiti ako at nilapitan ito.
"Baby, aasikasuhin ni mama yung surprise ko sayo. Si tita Ash at tita Veyra muna ang sasama sayo, okay ba yun?" Tanong ko. Malapad na ngumiti ito at saka tumango.
"Pretty pretty na ng anak ko." Nakangiting kinurot ko ang pisngi nito. Nakamake up na ito at magsusuot na lang ng gown.
Hinalikan ko ito at nagpaalam ng umalis.
"Pa." Tawag ko rito dahil busy ito sa kakatry ng mga suit na binigay ni Dyson at Alius.
"Oh anak bakit di ka pa nagaayos?" Tanong nito.
"Aalis ako pa, may pupuntahan ako." Napakunot noo ito at binitawan ang necktie. "Aalis ka? Saan ka naman pupunta? Birthday ng anak mo dapat magfocus ka sa kanya." Sermon nito.
"P-pupuntahan ko si K-karic pa." Kinakabahan kong sabi. Napakagat ako ng labi dahil natahimik si papa. Nawala ang masyang expresyon nito.
Lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"Kung saan ka masaya, susuportahan kita anak." Napangiti ako at niyakap si papa.
Ilang beses na napabuntong hininga ako habang sakay sa Kotse ni Ashna. Pinahatid ako nito sa driver nya para mabilis akong makarating sa condo ni Karic.
Dapat 9 pa dadating si Karic pero 8 pala ang dating nito. He's actually sulking right now dahil di ko nasagot ang mga tawag nito mula kaninang umaga.
Oh god! This is it! Binuksan ko ang pintuan ng condo at pumasok.
"Karic?" Pumunta ako sa taas at nakitang wala rin sya doon.
Lalabas na sana ako ng biglang may yumakap mula sa likuran ko.
"I miss you." Paos nitong sabi at sinubsob ang mukha sa leeg ko
"How are you?" Tanong nito at hinarap ako.
"Are you okay, why you looks so nervous?"
BINABASA MO ANG
LIVING WITH MY EX
Storie d'amoreI didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong kinilala p-pero pinapasok kita sa buhay ko kahit di ako sigurado, nagtake ako ng risk dahil ang sabi mo mahal mo ako! Gusto kong maranasan m...