"Mano po ninang mano po ninong...." napatingin ako kay Aera na walang tigil sa kaka-kanta. Alam kong nagpaparinig lang sya sa mga bisita dahil 31 na bukas."Handa na yung bente ko bebegirl." Sabi ni Dyson na ikinasimangot ng anak ko.
"Bawal po!" Reklamo nito at nagsalubong yung mga kilay na hinarap si Dyson.
"Benteng libo." Agad na bawi ni Dyson. Nanlaki ang mata ni Aera at napatalon sa tuwa. Napatigil ito ng tawagin ni Papa. Nakangiti na ito ng makabalik.
"Bawal daw po palang sabihin yung perang ibibigay kaya ibahin nyu na lang po tito dyson bawal pong pababain." Natawa ng malakas si papa at proud na nagthumbs up kay Aera.
"Anak ng! Sige 20,001 na lang." Si Alius naman ang natawa at hinampas ng unan si Dyson sa mukha.
"Hmp! Damot." Sabi nito at tumakbo sa ama.
"Ano naman kaya ang gagawin nya sa pera?" Bulong ni Dyson at napakamot ng ulo.
"May bagyo ba?" Tanong ni Veyra habang nakaharap sa phone nito.
"Huh? Anong bagyo? Hindi naman umuulan— ay pucha!" Napatawa ako ng napamura si Dyson ng biglang kumulog ng malakas.
Hindi nga nagkamali si Veyra dahil umulan ng malakas at binalita sa tv na merong bagyo.
"Anak ng! 31 na bukas uyy sa susunod na taon kana bumagyo. Isang araw na lang naman masyadong excited." Parang tanga na sumisigaw si Alius sa labas.
"Baby girl yung rabbit mo nabasa ng ulan, namatay daw."
"What? Noooo..!" Agad na tumakbo palabas si Aera pero nahabol ito ni Karic at napigilang lumabas.
Nagpeace sign lang si Alius ng tignan ito ng masama ni Karic. "Ikaw ang papatayin ko kung nakalabas si Aera." Seryosong sabi ko.
"Grabe naman! Biro lang eh." Inirapan ko ito at pinuntahan ang mag ama ko.
"They're okay mama!" Masayang sabi ni Aera habang pinagmamasdan yung mga rabbit nito na kumakain.
"Bebe girl yung ibon mo—"
"What!?" Natahimik si Dyson ng si Karic na yung nagsalita.
"Kumakain boss. Init ng ulo." Mga gagong to walang magawa mas mabuti pa sigurong pauwiin na silang lahat para walang problema.
"What happened po? Nakawala po ba si ivon." Sabi ni Aera at mabilis na pinuntahan ang lagayan ng ibon nito.
"Ivon? Sinong nagpangalan nun?" Tanong ko. Tumawa si Veyra at tumingin kay Alius.
"Syempre ako! Ang ganda nga eh! Basta pagdating sa pagpapangalan magaling ako dyan. Kaya nga sa akin na pinapaubaya ni Rius ang pagbibigay ng pangalan ng business namin."
"Oo nga naalala ko, Alius'Rius napakagaling. Ang creative pakinggan ang effort nun, halatang pinag isipan talaga." Sarcastic kong sabi.
"Maganda naman ah! Napakajudgemental mo." Sabi nito na parang nasaktan. Ang drama.
"Pag-nagkaanak ka ng babae anong ipapangalan mo?" Tanong ni Dyson.
"Ali." Mabilis nitong sagot at mukhang proud pa. Tumawa kaming lahat at napailing.
"Bakit ba? Hindi nyu ba alam kung bakit Ali? Kasi galing sa pangalan ko. Alius tapos Ali o ano ang galing ko diba?" Napahinga ng malalim si Ashna at di na maipinta ang mukha nito habang nakatingin kay Alius. Sa inis nito binato nya ng unan si Alius.
"Paano kung aso?" Tanong ko.
"Ano ba yan simpleng tanong, syempre doggie!" Natawa ako ng malakas at napahampas kay Karic na napailing na lang."Pag pusa catie?" Natatawang tanong ni Veyra.
BINABASA MO ANG
LIVING WITH MY EX
RomanceI didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong kinilala p-pero pinapasok kita sa buhay ko kahit di ako sigurado, nagtake ako ng risk dahil ang sabi mo mahal mo ako! Gusto kong maranasan m...