Chapter Thirteen

348 34 2
                                    

"I promise this will be the last one." Sabi nito at niyakap ako.

"Yeah right. I still can remember na yan rin ang sinabi mo ng bumili ka ng hamster and then guinea pigs. Alam ko namang gusto mo lang bumawi kay Aera sa mga taong wala ka sa tabi nya. But, this is already too much Karic." Hindi ito sumagot at humigpit lang ang yakap nito sa akin. Inis na kinalas ko ito at tinulak ng mahina.

Hindi ko kinausap ang dalawa hanggang gabi. Natulog ako sa kabilang guestroom pero nagising ako ng nasa kwarto na ako ni Karic.

"Mama don't be mad na please..... I promise, promise ,promise super promise na last na talaga po yung cat." Nagmamakaawang sabi nito. Hindi naman talaga ako galit pero gusto ko ng matigil ang kabaliwan nilang mag ama kaya ako nag-galit galitan.

Panay ang bili ng mga hayop hindi naman nila inaalagaan. Palagi naman itong nakaharap sa Ipad nito pagkatapos ng klase samantalang yung isa busy sa trabaho. Binibigyan lang nila ng panibagong gawain ang mga katulong.

"Teacher Ana is already here, pumunta ka na ng classroom mo." Sabi ko rito at inayos ang buhok nito. Napanguso ito at humalik sa pisngi ko at saka tumakbo. I really don't understand Karic kung bakit pa sya nagpagawa ng sariling classroom ni Aera. Hindi pwedeng forever homeschool si Aera, pinaplano kong hanggang halfyear lang yung homeschool nya at babalik na sya paaralan.

"Hoy!" Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang may humampas sa akin sa likod.

"What the fuck! Ash." Ngumisi lang ito at umupo sa tabi ko.

"I am so bored this past few days. I want to have a vacation." Sabi nito at pagod na sumandal sa armrest ng sofa.

"Okay na ba si Veyra?" Tanong ko
"Oo naman, okay na ulit na sila ng asungot na yun, by the way let's camp."

"Camp? I don't think i can go with you." Sagot ko dahil hindi ko pwedeng si Aera dito.

"Ano ba yan! Wala ka namang ginagawa dito. Sasama rin naman si Karic at saka si bebe maldita." Napataas ako ng kilay.

"Sasama si Karic? Really natanong mo ba sya tungkol dyan?" Tanong ko. Napasimangot ito at napairap sa hangin.

"Well kung sasama ka, siguradong sasama yun." Hirit pa nito.

"May klase si Aera, busy sa work si Karic tinutulungan ko rin si papa sa Internet Cafe nya na malapit ng bumukas." Naningkit ang mga mata nito.

"Andami mong rason no? Halatang ayaw mo talagang sumama." Inosenteng ngumiti ako rito. "Totoo naman at saka plano ko sanang bumalik sa pag aaral kaya lang hindi ko pa pwedeng iwan si Aera ng mag isa kaya sa susunod na taon na lang siguro."

"Share mo lang? Bakit naman nasama yan sa usapan. Gusto mo lang ipaalala sa akin ang katangahang ginawa mo noon eh." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Anong katangahan?" Nagtatakang tanong ko.
"Umalis ka sa maling impormasyon na binigay sayo at saka sana nakapagtapos ka na kung di ka lang umalis. Karic can already provide you and the baby at that time, pwede mo namang pagpatuloy yung pag aaral mo ng sa bahay ka lang. You know nanggigil pa rin ako sayo hanggang ngayon." Inis nitong sabi at hinila ng mahina ang buhok ko.

"Ashna!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat ng marinig ang sigaw ni Karic.

"Im just kidding! Hindi naman seryoso." Agad nitong depensa habang papalapit si Karic na masamang nakatingin kay Ashna.

"Are you okay?" Napairap ako at inalis ang kamay nito sa mukha ko.

"You're so OA, mahina lang nam—" hindi nito natuloy ang sasabihin ng tignan ito ni Karic, napanguso si Ash at napaiwas ng tingin.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon