Chapter Twenty

237 31 2
                                    

Agad na tumayo si Ashna at hinila yung matanda papuntang back door.

"Shit kapag nalaman ni Karic ang existence mo di ka na maarawan bukas." Napakunot noo yung matanda pero wala itong nagawa ng utusan na ni Ashna yung mga katulong na palabasin na yung matanda.

Nang makabalik si Ashna agad na naglagay ito ng alcohol sa kamay.

"H-hey." Shit ba't nautal ako? Para namang nagtago ako ng kabit ko, ew! Saan galing ang word na yun?

"Hey, Why you look so tense?" Tanong nito at nilapitan ako. Napatingin ako kay Ashna pero umexit na ito.

"Anong tense? Pinagsasabi mo dyan, kumakain kami ni Ashna ng breakfast dito eh ikaw? Bakit ka bumalik may naiwan ka ba?" Tanong ko at umupo ulit.

"Yeah just some papers." Sabi nito at hinalikan ako sa noo bago umalis.

"Grabe yung kaba ko kanina girl akala ko okay lang pero nung narinig ko yung boses ni Karic." Napailing ito at uminom ng juice. Nandito kami ngayon sa gilid ng pool dahil gusto daw nyang maligo.

"Kasalanan mo bakit mo pa kasi binigay yung adress." Inis kong sabi.

"Kasi naman para tumigil na sya kakaligaw sayo kapag nakita nya si Karic, yun pala maling ideya iyon. Kanina ko lang narealize. Kasi naman yang si Karic ikaw agad hinahanap kapag umuuwi yan dito. Wala naman syang kailangan sayo pero kung makasigaw kanina"

"Delikado talaga ang matandang yun kapag nalaman ni Karic na pinopormahan ka nya."

"Don't worry pagsasabihan ko ang guard ng village na to para di na sya makapasok."

"Hello everyone!" Napalingon ako at nakitang papalapit si Veyra na maraming dala na paper bags.

"What the fuck nagshopping kana!?" Umahon ito sa tubig at agad na kinuha ang mga paper bags na dala ni Veyra.

"Napadaan lang kami ni Dyson pero may mga nakita akong nagustuhan ko kaya binili ko na." Ngumiti ito kay Ashna pero inirapan lang ito ng kapatid.

"Eh ikaw bakit basang basa ka. Akala ko ba magsho-shopping kayong dalawa?" Tanong ni Veyra at umupo sa tabi ko.

"Nakita mo namang kakagaling ko lang pool tapos magtatanong ka kung bakit basang basa ako? Ano naiwan ba yung utak mo sa mall?"

"Gusto daw muna nyang magrelax bago magshopping at baka pangit ang mabili nyang mga damit at bags."

"Relax? Stress ka ba sis?" Tanong ni Veyra at nakiinom sa juice ni Ashna.

"Wag ka ng magtanong, magpapalit lang ako at magsho-shopping na tayo."

"What!? Kakashopping ko lang" Hindi sya pinansin ni Ashna kaya napasimangot ito.

"Araw araw kayo nagwawaldas ng pera bakit di kayo magdonate sa mga charity o kaya pumunta kayong mga bahay ampunan at magdala ng mga pagkain." Sabi ko at nakikipili rin ng mga damit.

"Oh yes, I remember." Napatingin ako kay Veyra. "Bumibisita kami sa bahay ampunan tuwing December para mamigay ng regalo." Nanlaki ang mata ni Ashna at napatakip ng bibig.

"Shocks! Di pa ako nakakabili ng mga regalo. Oh no tatlo ba ang pupuntahan natin?" Nagkibit balikat si Veyra at may tiningnan sa phone nya.

"Hindi ko alam kay Alius. Bakit di mo sya tanungin." Sabi nito habang may katext sa phone.

"Oh magkasama silang tatlo ngayon. Wala ba silang mga trabaho?" Sabi ni Veyra at pinatingin sa amin ang convo nila ni Dyson.

"Parang ang dalas na nilang magkasama no?" Sabi ko. Napatingin ang dalawa sa akin na para bang nagjoke ako.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon