Chapter Twenty Nine

191 25 2
                                    


January is a bad month for Veyra i guess pero ngayon okay na ang lahat. Maliban na lang sa biglaang pagpapakasal nilang dalawa ni Dyson at Veyra. Hindi pumayag ang parents ni Dyson na walang kasalan na magaganap ng malaman na buntis si Veyra. Pero sa judge lang nagpakasal ang mga ito dahil yun ang gusto ni Veyra at sa susunod na raw sa simbahan.

"Birthday na ni Karic sa susunod." Nakangiting sabi ni Ashna at binunggo bunggo ang balikat ko.

"Please stop mentioning birthdays." Masungit na sabi ni Veyra. Kung noon palagi silang nasa bahay. Ako naman ngayon ang palaging nasa bahay nila. Bahay ng parents ni Dyson. Hindi pa tapos yung bahay na pinapagawa ni Dyson kaya doon raw muna sila.

"By the way anong nangyari sa first month nyu?" Napakunot noo ako sa tanong ni Ashna at pinag isipan ang ibig sabihin nito.

"First monthsary nyu raw." Sabi ni Veyra at umirap. Napakasungit na talaga nito. Nabuntis lang eh! Hanggang ngayon hindi pa rin sila okay ni Dyson. I mean okay naman sila nagpapansinan pero di na gaanong kasweet tulad noon.

"Uso pa ba yun? Teenager lang ata ang nagce-celebrate ng ganun." Sabi ko pero tinignan nila ako na parang di naniniwala sa sinabi ko.

"Balita ko kumain daw kayo sa labas."

"Minsan sa labas naman talaga kami kumakain-"

"Nang kayong dalawa lang and it's a romantic dinner. Roses and wine anong nangyare kasunod?" Namula ako kaya napaiwas ako ng tingin.

"Sana all." Bulong ni Veyra kaya napatingin ako rito. Palagi itong galit at nagsusungit pero nakikita ko sa mata nito na malungkot ito.

"Yung pustahan." Agad na pag iiba ng topic ni Veyra ng makitang nakatitig ako sa kanya. Ngumisi ito at nang aasar na tinignan kaming dalawa ni Ashna. Well hindi nya ako kailangan pagsabihan dahil nung birthday pa lang ni Dyson nakalimutan ko ng uminom at naging sunod sunod na yung mga araw.

"I wonder kung sinong una na mabubuntis." She smirk.

"What!? I won right? So si Zertyl lang yung kailangan na mag skip ng pills."

"No pareho kayong talo." Sagot ni Veyra.
"What!? Diba ang sabi ko magbabalikan kayo sa birthday ni Dyson."

"And we didn't Ash i was force to marry him pero hindi kami nagkabalikan if were talking about to our past relationship." Pareho kaming natahimik ni Ashna

Past agad?

"Love..." napalingon kami at nakita si Dyson na may dalang hinog na papaya. Kitang kita ko sa mata nito na pagod ito.

"Bakit ang tagal mo!? Wala na akong ganang kumain ng papaya. Gusto ko na ng saging." Sabi ni Veyra at umalis.

"Saan ka galing at ganyan ang mukha mo?" Tanong ko. Napabuntong hininga ito at pagod na umupo.

"Kay Aling Merang ba yan galing?" Tanong ni Ashna at tinuro yung papaya na dala ni Dyson. Napakunot noo ako sa sinabi nito.

"Aling Merang? Yan yung matanda na nagbigay sa atin ng mga prutas nung magcamp tayo diba?" Tumango si Ashna. Nanlaki ang mata ko at di makapaniwalang tumingin kay Dyson.

"Galing ka dun? Oh my god napakalayo ng lugar na yun."

"Kaya nga! Tapos kung makapagreklamo ang gaga kong kapatid akala naman nya sa market lang galing si Dyson eh alam naman nya kung gaano ang lugar na yun." Naawang tumigin ako kay Dyson na tahimik lang. Nakapikit ito at mukhang nagpapahinga sa layo ng binyahe nito.

"Bakit doon pa? I know naman na matamis ang papaya nila doon pero marami ring matamis na papaya sa supermarket."

"Gusto nya doon daw dapat galing." Sabi ni Ashna at napailing. "Kung hindi lang buntis yun baka nasabunutan ko na yun." Nanggigil na sabi ni Ashna.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon