Chapter Twenty Four

212 32 0
                                    


Maaga pa nasa bahay ampunan na kami at para makapagdala kami ng breakfast para sa lahat. Tuwang tuwa ang mga bata ng makarating kami roon.

"Daddy wala na pong chicken." Naiiyak na reklamo ni Aera. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maawa sa iba dahil minsan lang sila makakakain ng fast food since healthy food ang kadalasan na pinapakain sa kanila dito.

"Should we order again. Oh no its a mess." Stress na si Ashna ng mag agawan yung mga bata sa chicken joy dahil ang dami ng kinuha ng iba.

Hindi kami nagtagal doon dahil wala rin naman silang activity or program para sa pasko. Pagkatapos naming mamigay ng regalo nagpaalam na kaming aalis na.

"It's not fun." Komento ni Ash ng makaalis kami.

"Mukhang di nadidsiplina ng maayos ang mga bata." Sabi ni Veyra.

"Should we donate money there? Mukhang kulang kasi sila sa budget at maliit lang yung place nila wala rin akong nakikitang staff or something na nag-aalaga sa mga bata." Hindi ako nagsalita at hinayaan lang silang mag usap doon.

"Oh uh! Alius ideretso mo sa airport!" Napatingin ako kay Veyra ng bigla itong magpanic.

"Andito na raw si kuya, pasensya na guys at mukhanh tayong lahat ang magsusundo kay kuya ngayon."

"What!? Hindi pa ako nakakapaglinis ng kwarto ko. Ayokong mapitik sa noo." Nakakunot noong nilingon ko si Ashna na di na mapakali ngayon sa upuan nya.

"Bakit hindi mo pinalinis sa kasambahay nyu?" Tanong ko.
"We're not living in our house Zertyl nasa condo kami tumitira ni Veyra  at tuwing linggo lang pumupunta doon ang katulong para maglinis." Nakasimangot nitong sabi.

"Don't worry sis malaki na tayo siguradong hindi na namimitik si kuya sa noo." Pampapakalma ni Veyra kay Ashna.

"He will just pull your hair." Sabat ni Karic.
"Po? Bakla lang po kaya ang nanghihila ng buhok ng mga babae." Nakisali pa nga.

"Hindi lang bakla baby. Yang mga tita mo kasi pasaway kagaya mo palaging napipitik yan noon para magtanda. Kuya Vinzo is a strict kuya at gusto nya palagi malinis kaya ikaw palagi mong ligpitin yung mga laruan mo kapag bumisita si Kuya sa bahay nyu kung ayaw mong mapitik." Nanlaki ang mata ni Aera at agad na tinakpan yung noo.

"He can't enter my house then."

"He is your cousin." Sabi ni Veyra
"And so?" Napailing na lang ako at hinilig ang ulo ko sa balikat ni Karic naramdaman ko agad ang akbay nito sa akin at inayos ang posisyon ko.

"He is the oldest kaya we need to respect him." Mariing sabi ni Ashna at nilingon si Karic.

Hindi sumagot si Karic kaya tumahimik na ang lahat hanggang sa nakarating kami sa airport.

Napatingin ako kay Aera ng hilahin ako nito palapit. Buhat ito ni Karic kaya di ito nahirapang bumulong sa tenga ko.

"Im hungry na po can we eat first tapos sila na po ni tita ang maghihintay sa Kuya nila." Nagkatinginam kami ni Karic.

"Tito princess call him tito." Sabi ni Karic.

Nagpaalam muna kaming aalis para pakainin ang patay gutom kong anak.

"Nakapagbreakfast ka naman kanina tapos gutom ka na naman ulit kaya ka tumataba eh." Napanguso ito habang pinapalibot sa daliri nya ang nakaponytail nyang buhok.

"Kanina pa pong 7 yun Mama 11 na po ngayon at saka di po ako nakakain sa pinuntahan natin kanina kasi wala na pong chicken."

"Hindi ka naman talaga dapat kakain dun kasi para lang sa kanila iyon." Sabi ko. Nagsalubong ang mga kilay at pinagkrus ang mga braso.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon