Chapter Forty

257 31 0
                                    

"Kumatok ka na." Sinamaan ko ng tingin si Ashna dahil kanina pa ito.

"Baka kasi tulog pa, ang aga aga pa kasi." Napairap si Ashna at parang gusto na akong sabunotan.

Hindi pa ako nagigising kanina nandoon na sila sa bahay. Mas excited pa silang makilala ang pamilya ko kesa sa akin eh.

"Anak ng! Tatayo lang ba tayo dito? Ako na ang kakatok." Agad akong kinabahan at pinigilan si Dyson.

"Bakit ba—" Pareho kaming napatigil ng makarinig ng katok.

"Tao po!" Sigaw ni Aera habang kumakatok. Nagkatinginan silang lahat at napangisi na tumingin sa akin. Hindi na lang ako nagsalita dahil wala na rin naman akong magagawa.

"Tao po Tao po! NAMAMASKO PO!"

"Tapos na ang pasko maldita baka pagkamalan ka nilang baliw naku ikakaila talaga naming di ka kilala."

"ILABAS NYU NA ANG IYONG TAMB—" Lahat kami natahimik ng bumukas iyong pintuan at bunungad sa amin ang lalaking kumukusot pa ng mata.

"Sisingil ba kayo ng utang? Wala dito si Mama bumalik na lang kayo sa susunod na araw." Sabi nito ng hindi kami tinitignan. Isasarado na sana nito ang pintuan ng pigilan ko ito.

Napatingin ito sa akin at napakurap ng ilang beses. Pinalaki pa nito ang mata at nilapit ang mukha sa akin kaya napalayo ako ng konti.

"Luh ang aga mo namang magising ate saan ka galing!?" Napaatras ako sa lakas ng boses nito. Parang bigla itong nagising.

"Ah.... Im—" Nanlaki ang mata nito at napatakip ng bibig. Tinuro ako nito at di makapaniwala sa nakikita nya.

"Sino ka!? Hindi ka si Ate Zeryna ah! Mukha kang anghel yung ate ko demonyo." Nanlaki ang mata ko ng biglang may lumipad na tabo sa direksyon namin at natamaan sa ulo yung lalaki.

"Put*ngina!"

"Ang lutong bro." Rinig kong bulong ni Alius.

"Gago anong ginagawa mo dyan at hindi ka pa nakakapagsaing huh!? Yung kapatid mo papasok pa sa paaralan sino na naman ang kinakausap mo dyan at ang aga aga pa."

"Sabado ngayon ate wag kang bobo walang pasok at kakagising ko lang rin! May impostora dito sa labas." W-what!?

"Impostora amputa." Sabi ni Alius at natawa kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Anong impostorang tarantado ka ke-aga aga chismis agad ang inaatupag mo, pag yan tropa mo puputulan kita ng bayag." Napangiwi ako sa usapan nila at tinakpan ang tainga ni Aera.

"Magsaing kana dun, sino ba—" Napatigil ito ng makita ako. Akala ko magugulat ito pero niluwagan nito ang bukas ng pintuan at pinapasok kami.

"Ikaw ba si Zertyl?" Diretsahang tanong nito. Napahigpit ang hawak ko kay Karic at nakita kong napansin nya iyon kaya napatawa ito ng pagak at napailing.

"It's better if you're gonna talk to her alone." Bulong ni Karic sa akin. Napatango ako dahil mukhang mas maganda iyon.

"Can i talk to you privately?" Napataas ito ng kilay at namewang.

"Walang private place dito, kahit na mag usap tayo sa kwarto maririnig pa rin nila tayo."

"That's okay we'll wait outside." Nakangiting sabi ni Veyra.

"No! Okay lang. We can talk to your room if that's okay—"

"Sige pasok, Zya, Kina labas." Walang pasabing hinampas nito ang mga paa ng kapatid.

"It's okay, you can let them sleep." Nahihiyang sabi ko.

"Hoy mag-sigising na kayo!" Sigaw nito. Nakasimangot naman na bumangon ang dalawa at napatigil ng makita ako. Parang naestatwa ang mga ito at napabalik balik ang tingin sa amin ni Zeryna pero tinulak na sila palabas ni Zeryna.

LIVING WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon