"WE'LL garnish it with sesame seeds, scrambled eggs and spring onion," wika ng cook ng restaurant habang ipinapakita kay Rachel ang preparasyon ng Calbichim. Beef stew iyon, Korean style.
Kanina ay pinatikim na siya nito ng bulgogi, isa namang uri ng barbeque. Nalaman niyang ang marinade niyon ay maaari sa manok, baka o kahit karne ng baboy. Masarap daw lalo iyon kapag tinernuhan ng kimchi subalit hindi na niya ginawa. Maanghang ang kimchi at naalala na naman niya ang chili crab na ipinatikim sa kanya kahapon.
At bagama't pamilyar na sa panlasa niya ang chapchae ay nagustuhan din niya ang paraan ng pagtitimpla nito.
Maraming Korean restaurants sa isla. Naroroon ang Arirang House, Korean at Seoul Korea. Inisa-isa niyang puntahan iyon at nadiskubre niya ang tipikal na paghahanda ng mga ito ng Korean foods. May pakiramdam siyang bago matapos ang field work niyang iyon ay marami na rin siyang alam na lutuin.
***
"ALL alone?"
Muntik nang masamid si Rachel nang may gumambala sa paghahapunan niya. Nasa San Mig Boracay siya. Doon sa isa sa mga mesang naka-set sa beach sapagkat tahimik ang ambience doon. Sa lobby ay lively ang atmosphere. Nakararami ang kabataang doon pumuwesto sapagkat may live band pa roon.
Dinampian muna niya ng napkin ang bibig bago tinugon si Andrew. Hindi niya alam kung amusement ang nababasa niya sa mga mata nito. O baka naman panunudyo. Sa mga naroroon ay siya lang ang nag-iisa. Ang iba pa ay pawang magkakapareha.
"Yes," matabang na sagot niya. "And I don't want company."
"Ouch!" eksaheradong sabi nito ngunit sa halip na lumayo ay hinila pa nito ang silya sa tapat niya at walang paalam na naupo roon.
"After last night, hindi kaya tama lang na iwasan natin ang isa't isa? And please," agap na agad niya nang makitang magsasalita ito. "Don't insist to me na tumutuloy ako sa hotel mo. Pinag-iisipan ko ngang mag-check out na roon."
Ikinibit lang nito ang mga balikat. "Hindi ko papansinin ang huling sinabi mo dahil hindi naman kita itinataboy. Though wala kaming pinirmahang kontrata ni Maia, I understand that verbal agreement is also binding. Rachel, hindi kaya nami-misinterpret mo ang nangyari kagabi? Sa pagkakatanda ko, ang pagtugon mo sa mga halik mo ay imposibleng maihalintulad sa pag-iwas."
Tila pumait ang piña colada na sinisimsim niya. Napahiya siya sa tinuran nito subalit hindi niya papayagang mahalata iyon ni Andrew. She was older and wiser now, paalala niya sa sarili.
"Don't flatter yourself, mister," maanghang na tugon niya dito. "My reaction came from pure shock. Kung iniisip mong may enthusiasm iyon sa panig ko ay nagkakamali ka."
"Would it be coming from another shock if I kiss you a second time?" matamang wika nito sa kanya.
Napatanga siya dito nang ilang sandali. "You know what? I would appreciate it very much if you just leave me alone," deretsahang sabi niya rito. "Inaabala mo ang paghahapunan ko."
"You call that dinner?" tila gulat pang wika nito sa halip na tablan sa pangtataboy niya. "Nabubusog ka ba riyan?"
Ilang pirasong shrimp rolls ang nasa harap niya at ang kaunting kanin na inorder niya ay hindi pa halos nagagalaw. "Sa dami ng pagkaing na-research ko sa araw na ito, tama lang na ito ang kainan ko. In fact, wala na nga sana akong balak na kumain kung hindi nga lang ako nag-aalala na baka gutumin ako pagdating ng hatinggabi."
"And I remember so well," sabi nito na waring may naalala na kaaliw-aliw. "You tend to raid the kitchen at midnight." At ang ngiting sumilay sa mga labi nito ay sapat na upang maalala niya ang senaryo bago nangyaring maangkin siya nang lubos ni Andrew.
"How dare you..."
"Yes, how dare me. Iniisip ko kung anong tulong ang ginawa sa iyo ni William kaya ka napasok sa Womanly. You have a great job now."
"Akin ang lahat ng kredito," may talim na sagot niya nang maramdaman ang sarkasmo sa tinig nito. "Kung nasaan man ako ngayon sa trabahong ito, dahil iyon sa pagsisikap ko."
"And don't you think hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya mong gawing pagsisikap? Hindi ko pa nakakalimutan hanggang ngayon kung ano ang ginawa mo para lang matulungan mo ang tiyo mo noon."
Isang buntunghininga ang pinakawalan niya bago itinulak ang plato ng pagkain palayo sa kanya. Tuluyang na siyang nawalan ng gana sa klase ng mga salitang iyon ni Andrew.
"What are you talking about?" May pinipigil na siyang galit sa tinig niya.
"Don't pretend you know nothing. You know them for damn sure. Sleeping with me, for one. Tsk! Hindi ko gustong maniwala noong una. But I saw the truth the next morning. Your uncle and you tried to set me up."
"Set you up?" malakas na sabi niya na tila nais gisingin ang sarili sa isang masamang panaginip.
"Hindi ba't ganoon nga? Ipinain mo ang sarili mo para mai-maniobra ni William ang transaksyon sa pagitan namin. I must say na impressed na sana ako sa serbisyong kayang gawin ng kumpanya niya. In fact, I was about to sign the contract but he pressed his luck too much.
"Nag-demand siya ng mga bagay na halos imposible na. And it made clear to me why he allowed us to be together for all the time both of you were in Hongkong. At ang nangyari pa noong gabing iyon. Iniisip niya sigurong dahil doon ay papayag na ako sa ilang kondisyones na gusto niyang idagdag sa kontrata."
"Wala akong sinabi sa kanya tungkol doon!" pagtatanggol niya. "That's p-private."
Umigkas lang ang isang sulok ng labi nito. "Magaling pala siyang manghula," patuyang wika nito.
Nahaplos ni Rachel ang sentido. Tila sumasakit ang ulo niya sa rebelasyong iyon. Ngayon niya naisip na nagpatay-malisya lamang marahil ang Uncle William niya noong pagkakataong lumabas siya ng silid ni Andrew at nanggaling naman ito sa banyo.
"Hindi ako kilala ni William," wika ni Andrew nang makitang nanatili lang siyang tahimik. "Nang makita niyang nawalan na ako ng gana sa pagpirma ng kontrata ay nagalit na siya at nagsimulang sisihin ka dahil sa hindi mo nagawang mahulog ako sa bitag ninyo. Ano ang palagay ninyo sa akin, walang sariling pag-iisip?" Saglit na nagtagis ang mga bagang nito.
"Hindi niya nakitang ayaw ko ng mga taong mahilig magmani-obra ng iba. At lalong ayaw ko naman ng babaeng gagamitin ang sarili para lang sa materyal na pakinabang."
"I was a virgin," desperadong depensa niya sa sarili. "At alam mo iyon."
"Virginity can be viewed as a disposable commodity sometimes."
"My goodness!" malakas na bulalas niya na ikinalingon ng iba pang diners doon. Napahinto siya at pinaglapat ang mga labi. Nagparaan siya ng ilang sandali upang paghupain ang galit na nag-uumalpas sa dibdib.
"Don't tell that to me again," wika niya mayamaya sa mahinang tinig. "Kung... kung anuman ang sinabi sa iyo ni Uncle William tungkol sa kapintasan ko, hindi totoo iyon. Lahat ng sinabi mo ngayon, ngayon ko lang din nalaman.
"Ang alam ko noon, inutusan lang niya akong pakisamahan ka. Na huwag kang ipahiya sa pag-aanyaya mong ipasyal ako. Try to remember those days, Andrew. At sana, makita mo na pareho pala tayong ginamit. He tried to hurt you nang makita niyang bigo siya sa transaksyon ninyo. But I was hurt most. Pamangkin pa naman niya ako pero ginamit niya ako para sa personal niyang interes."
She sighed. Punung-puno ang dibdib niya ng galit at sama ng loob. Mabilis siyang naglapag ng pera sa mesa at lumakad na papalayo.
--- itutuloy ---
Maraming salamat sa pagbabasa.
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals
BINABASA MO ANG
Places & Souvenirs - BORACAY 2 - Not Just Another Brief Summer Affair
Romance"Palagi na lang ba tayong ganito? Na pagkatapos ng ilang araw na pagsasama ay magkakahiwalay uli ng landas? Kailan tayo uli magkikita? After another six years? Don't you want a long, lasting affair?" Hindi lamang basta espesyal ang unang pagkakatao...