Part 16 - Ending

1.4K 80 7
                                    

Nakahiga na si Rachel ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi siya mapakali sa sinabi sa kanya ni Irene. Hindi niya gustong paniwalaan ang mga iyon subalit tila matindi naman ang dikta ng isip niya na may katotohanan iyon.

Hindi iilang beses na inisip niyang tawagan si Miss Bennet. Ngunit siya na rin ang nakaisip na baka hindi maging maganda sa paningin ng babae ang gagawin niyang pag-uusisa. Ipinasya niyang manahimik na lamang.

Subalit lumipas ang mga oras na nanatili siyang nakamulat. Naliligalig siya sa rebelasyong iyon ni Irene. Iyon ang pumapatay sa katiting niyang pag-asa na hindi hanggang doon lamang sa isla ang maari nilang maging relasyon ni Andrew.

May sandaling inisip niyang puntahan si Andrew upang dito marinig ang lahat. Ngunit naunahan na naman siya ng kahinaan ng loob.

Bumangon siya at nagsimulang ayusin ang mga gamit niya. Bago pa mag-alas kuwatro nang madaling-araw ay nai-empake na niya ang mga iyon. Pasalubong na lamang ang kulang at maari na siyang magbiyahe pabalik sa Manila.

At naisip niya, wala naman masyadong mag-e-expect ng pasalubong niya. At bigla ay nagdesisyon siyang lisanin na ang isla. Mabilis siyang nagbihis. Naghintay lamang siyang mag-alas sais at lumabas na ng kuwarto.

Iniwan niya ng maikling sulat si Andrew bilang pasasalamat sa pagtanggap nito sa kanya sa hotel. At tumuloy na siya sa boat terminal.

"Okay ka lang?" gulat na gulat na salubong sa kanya ni Maia nang makita siya nito sa opisina. Doon na siya tumuloy buhat sa airport. "Kung kelan ka binibigyan ng extension para magbakasyon saka ka naman naririto sa opisina? Gusto mo bang bigyan na kita ng assignment for our rainy season issue?"

"Wala naman na akong gagawin doon. Tapos ko na ang trabaho, bakit pa ako magtatagal doon," kaswal na sagot ni Rachel. "Suwerte ko lang na nakapag-chance passenger. Here, cat's eye beads. Iyan ang bilin mo, di ba?"

Napatawa ito. "Right. Thank you very much."

"Welcome. Heto nga pala ang mga pictures. May caption na ang likod niyan kung anong putahe at kung saang restaurant ang may especialty ng bawat isa. Ikaw na ang bahalang pumili kung alin ang isasama sa article."

Tinitigan siya ni Maia. "Nagbibilin ka yata."

"Well, hindi ko naman gustong bale-walain ang bakasyong ibinibigay mo sa akin. I'll take it. Inuna ko lang pumunta rito para ihatid ang mga pictures."

"Saan ka pupunta?"

"Hindi ko pa alam," malabong sagot niya.

"May iniiwasan ka?"

Siya naman ang tumitig dito. "What do you know?"

"Nothing," mabilis na sagot nito. "Just keep your cellphone always on. Para kahit anong oras ay puwede kitang ma-contact."

Tumango siya. "Aalis na ako."

"Ingat."

Umuwi si Rachel sa apartment. Ibinaba lang niya ang dalang bag at tila pagod na ibinagsak ang sarili sa sofa. Hindi niya maintindihan ang pakiramdam. Nalilito siya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kung maaari lamang ay gusto sana niyang tumigil ang paggana ng utak niya upang huwag siyang mag-isip. Subalit tila tukso pang pumapasok sa isip niya ang iniwan niya sa Boracay.

Si Andrew.

Gusto niyang isipin na tama lamang ang ginawa niyang pag-alis. Dahil kung mamamalagi pa siya roon ng ilang araw ay baka tumindi pa ang pag-asam niya magkakaroon ng lalim ang muling pagkikita nilang iyon. Isa pa, magaan ang loob niya kay Julian. At kung makakasama pa niya ito ay baka mahulog na rin ng tuluyan ang loob niya sa bata.

Places & Souvenirs - BORACAY 2 - Not Just Another Brief Summer AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon