Part 14

892 51 4
                                    

TATLO ang magkakatabing kuweba na nasa pinakadulo ng isla. Napapagitnaan ng Buslugan at Crystal Caves ang Bat Cave subalit sa huli sila nagpunta. Si Julian ang nagsilbing tour guide ni Rachel. Naaaliw naman siya sa sobrang bibo nito.

"How old is he?" tanong niya kay Andrew. Hinayaang lang nilang maglaro si Julian sa paligid. Tila likas dito ang pagiging palakaibigan. Kahit ang ilang turista na naroroon ay kinakausap nito.

"He turned four last December. Mabuti nga at adjusted na siya sa environment dito. Noong una, akala ko hindi niya magugustuhan. Lumaki siya na nakikita sa mommy niya na walang ginawa kung hindi awayin ako. Ayaw ni Analyn dito. Kahit na moderno ang ibang facilities dito sa isla, hinahanap pa rin niya ang buhay sa Maynila. Hindi miminsang ginawa ni Analyn na lumuluwas sa Maynila na hindi nagpapaalam sa akin."

"Paano si Julian?"

"Noong una ay isinama niya. I got angry. Kung hindi kako siya mapipigil sa pagluwas niya ay iwan niya ang bata. She's unpredictable. Minsan, kahit may bagyo ay umaalis siya basta naisip niyang pumunta sa Maynila. As long as may flight ang eroplano or may byahe ang barko, hindi siya mapipigil sa pag-alis."

"Hindi kayo nag-compromise kung saan titira?"

"Dito ko gusto. Nagustuhan ko na ang pamumuhay dito. There's a commercialized environment as well as the typical traditional living. Hindi naman masasakripisyo ang pag-aaral ni Julian dito. There's an international school here."

"Pero paano ang gusto ng asawa mo?"

"Wala siyang magagawa kung gusto niyang huwag mawala ang nakagisnan niyang luho. Na-bankrupt ang pamilya nila at ako ang sinasandalan niya para hindi niya maiwan ang nakasanayan niyang buhay."

Napangiwi siya. Sa tono ni Andrew ay tila hindi naman nito mahal ang asawa. Ilang sandali siyang nag-isip kung itatanong dito ang personal na bagay na iyon.

"Did you love her?" mahinang tanong niya pagkuwa.

"I cared about her," walang tonong sagot nito. "We had a casual relationship. Tapos bigla na lang niyang sinabing buntis siya which was totally out of the agreement. That was why I was trapped into marriage."

"If you don't want to marry her, kahit na buntis siya hindi mo pa rin pakakasalan."

Nahilot nito ang sentido. "Yes. But you see, I am an illegitimate child myself. Hindi ko gustong maranasan ng anak ko ang mga panlilibak na dinanas ko noon dahil sa pagiging bastardo ko."

Napalunok siya. Gusto niyang magsisi na binuksan pa niya ang paksang iyon pero ano pa bang magagawa niya. The damage has already been done.

"We had a shaky marriage. Kung kailan kami naikasal ay saka humulagpos ang katiting na pagtingin namin sa isa't isa. Respeto na lang siguro ang natira, alang-alang sa anak namin. Walang makapagbabago na siya ang ina ng anak ko.

"But things get worse hanggang sa dumating ang punto na kulang na lang ay suhulan ko siya para maipa-annul na lang ang kasal namin pero ayaw niya. Hindi raw niya gagawin iyon nang madali para sa akin. When she died, nakalaya ako nang kaunti. But she didn't go without leaving a mark." Naramdaman niya ang kirot sa tinig nito.

"How did she die?"

"Julian!" sa halip ay sabi nito na nalipat ang atensyon sa anak. Masyado nang buhos ang atensyon nito sa isang pamilyang Amerikano. Palibhasa ay kaedad ang isa sa dalawang anak at nakakalaro pa kaya bawat picture taking ng mga ito ay nakikisingit sa mga ito.

"Oh, it's all right," wika ng ina.

Doon niya nakitang malaki ang takot ni Julian sa ama kaya kahit na hindi naman nagbabago ang ekspresyon ni Andrew ay parang nailang na ang kilos ng bata. Bumalik na ito sa kanila.

Places & Souvenirs - BORACAY 2 - Not Just Another Brief Summer AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon