14

9.1K 156 2
                                    

It's been two days since nakabalik ako dito sa Europe. Pinagalitan nga ako ni Mr. Crimson kasi hindi pa nagsisimula ang project bumalik na ako. Sinabi ko na lang sa kanya na may nangyari lang at iba na lang ang ipadala niya sa pilipinas para pumalit sa akin.

Namimiss ko rin naman siya pero tama na rin ito para naman pareho kaming makapag isip at mag move on.

"Neng!! Ano na naman bang iniisip mo? Si ano na naman ba yan. Jusko naman kase ang mga ganung lalaki hindi dapat pinag aaksayahan ng panahon. Look at you! mukha kang nasunugan sa itsura mo. Mag ayos ka nga. Paano ka mapapansin ng mga papable dito kung ganyan ka." pangaral sakin ng kaoffice mate slash friend ko na si Alice.

"Namimiss ko lang kasi siya neng. Nasaktan lang naman ako kasi hindi niya ako tinanggap ulit. Kahit naman hindi ako mag ayos maganda pa rin ako. Saka wala akong panahon sa mga papable mo ano. Siya lang talaga eh." sabi ko habang nakadukdok sa desk ko.

"Hayy, ewan ko sayo neng. Masyadong madrama ang buhay mo. Tara na nga at mag lunch na tayo. Kanina pa ko nagugutom." sabi niya habang hinihila ako patayo.

"Ayoko! Ikaw na lang muna neng. Wala akong gana ngayon. Sige na alis na! Shoo!" pagpapa alis ko sa kanya.

"Imbyerna ka talaga neng. Ang sakit mo sa bangs! Oh, siya bibilhan na lang kita ng sandwich mamaya." sabi niya sabay lakad paalis.

Ang tanga ko naman kasi eh bakit pa ako umasa ulit na babalikan niya ako. Nag susuffer tuloy ako ngayon. Kahit sa trabaho ko di rin ako makapag focus.

I tried to dial his number but parang may pumipigil sa akin. Gusto ko lang marinig ang boses niya. Tanga na kung tanga. Martir na kung martir. Mahal ko eh.

I dialed his number and after three rings sinagot na. Babae ang nakasagot.

"Hello? Hello? Who are you? Why are you calling this phone number? Do you know Aiden?" the lady asked.

"Is this Sarah Smith?" I asked.

"Yes, it's me. Who are you?" she said curiously.

Binaba ko na kasi narinig ko si Aiden na tinatawag si Sarah. Mukhang okay naman siya eh. Siguro nga hindi na niya ako mahal.

Dinukdok ko na lang ulit ang ulo ko sa desk. Ang hirap talaga pag inlove. Ang sakit sa puso at utak. Di ako makapg concentrate sa mga ginagawa ko.

Lunch break is off kaya back to work na ulit. Pinilit kong magtrabaho kahit wala sa loob ko. It's already 5:30 pm kaya nag decide na akong umuwi. Nagpaalam muna ako kay Alice na mauuna na ako. She just nod at me and wave.

Naglakad lang ako pauwi. Masyado kasi talagang pre-occupied ang utak ko ngayon. Shit lang kasi! Hindi matanggap ng puso ko eh.

Malapit na akong makarating sa bahay ng may mapansin akong sulat sa mailbox ko. It's from the philippines.

I opened it and my eyes widened in shock. Tears automatically roll down on my face. No, I thought we will heal our wounded hearts.

The letter says:

You are cordially invited to Smith & Castillo nuptials.

Wedding will be held at Manila Cathedral, 1pm in the afternoon.

The reception will be held at City of Dreams Grand Hall.

The ladies must wear a baby blue dress while for men is gray tuxedo.

And it breaks my heart..

to be continued...

Beg for it (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon