18

8.8K 167 3
                                    

A/N: One more chapter to go then Epilogue na. Hope marami pang magbasa. Thanks. Vote & Comment will be higly appreciated.

Gusto ko ng sumuko. Hindi ko na talaga kaya pang lumaban. Halos kalbo na rin ako at sobrang payat na. Nasa last session na ako ng chemo ko pero parang gusto ng bumigay ng katawan ko. Kahit sa pagsasalita hirap na akong ibuka ang mga labi ko. Umiiyak na lamang ako kapag nahihirapan ako at nasasaktan sa kung anong mga tinuturok sa akin.

"Sweetie, last na ito. Please kayanin mo pa rin ha. I'm just right here."

"S-salamat s-sweetie. Last na ito ha gusto ko na kasi magpahinga hindi na kaya pa ng katawan ko."

Alam kong sobrang nasasaktan ngayon si Aiden sa kalagayan ko. Minsan naririnig ko siyang humihikbi sa tabi ko. Sana may himalang mangyari at gumaling ako. Gusto ko mag survive pero parang ayaw sumunod ng katawan ko.

Natapos na rin kanina ang last chemo ko at andito na ulit ako sa kwarto ko. Dinalaw na rin ako ng pamilya ko at alam kong awang-awa sila sa akin. Even Aiden's mom ay pinuntahan ako. Akala ko nga aawayin niya pa rin ako pero humingi siya ng tawad at sinasabi niya sa akin na sana gumaling ako para makabawi siya sa nagawa niya sa amin ni Aiden. Sa totoo lang matagal ko na siyang pinatawad kasi hindi naman ako ang Diyos para hindi magpatawad ng kapwa ko.

"S-sweetie, g-gusto ko na magpahinga. Gusto ko ng umuwi sa pilipinas kasi doon ko gustong humimlay."

"Sweetie naman. Huwag ka magsalita ng ganyan please. Huwag mo akong iiwan baka hindi ko kayanin."

Nakita ko siyang umiiyak. How I wish na mayakap ko siya at aluin pero sa lagay kong ito hindi ko kaya.

"B-but sweet-" pagputol sa akin ni Aiden.

"No, you won't leave me. I'm not yet ready sweetie. Please I'm begging you."

Tiningnan ko na lamang siya. Wala na kaming magagawa kung mismong Diyos na ang kumuha sa akin. Kahit na sobra pa ang yaman mo wala rin iyong silbi kasi kung araw mo na wala ka ng magagawa kundi tanggapin iyon at maging masaya na lamang.

****

Napagpasiyahan ni Aiden na tumungo muna sa maliit na chapel sa loob ng ospital. Alam niyang simula pa noon ni hindi niya magawang tawagin ang panginoon pero this time gusto niya magbalik loob muli at humingi ng tawad.

"Diyos ko, gusto ko po sanang humingi sa inyo ng isang pabor. Kahit ito lang po sapat na sa akin. Gusto ko po sana na bigyan niyo pa ng isang chance si Farah na mabuhay kasama ako. Alam ko po hindi ako perpekto pero gagawin ko po ang lahat para mabuhay lamang siya. Please po nagmamakaawa po ako sa inyo. Alam ko po na marami na po akong nagawang mali pero nasisiguro ko po na pinagsisisihan ko na po iyon. Maraming salamat po sa patuloy na pag gabay sa akin at kay farah. Mahal ko po kayo."

Pagkatapos niya ay dumiretso na siya agad sa kwarto ni Farah. Batid niya na sobra na ang paghihirap nito. Awang-awa siyang makita ito na ganun ang itsura. Nakalbo at sobrang pumayat na ito. Kahit na nasasaktan ay pilit pa rin itong ngumingiti para sabihing okay lang siya. Natatakot siya na maiwan ni farah kasi hindi niya alam kung paano mag moved on lalo na kasi naattach na siya dito. Iniisip niya na baka isang araw makita niya na lang ang sarili niya na susunod na siya kay farah.

Nakakatuwang isipin na kung kailan handa na siya saka naman ganito ang nangyari. Isa pa iyong ginawa ng mommy niya na ipakasal siya kay Sarah at nagpadala ng invitation kay farah. Hindi niya gustong pakasalan si Sarah, kasi una pa lang binabayaran niya ito para magpanggap na fiance niya at maprovoke si farah na umamin na mahal pa rin siya nito.

Buti na lamang at lumambot na ang puso ng kanyang ina at natanggap na rin si farah para sa kanya. Sumunod na rin dito ang tatay at mga kapatid ni farah at ako ang nagbigay ng ticket sa kanila kasi hindi ko kaya itago sa kanila ang kalagayan ni farah.

"Anak, salamat sa pag babantay kay farah. Alam ko nahihirapan ka na pero ikaw lang ang pinaghuhugutan ni farah ng lakas para lumaban pa. Gusto kong umasa na sana may himala pa at gumaling siya. Sana anak hanggang sa huli huwag na huwag mo siyang iiwan." seryosong sabi ng tatay ni farah.

"Wala po kayong dapat ipag alala tito kasi hanggang sa huli andito ako para sa kanya. Mahal na mahal ko po ang anak niyo tito. Kung pwede nga lang akuin ko na ang sakit niya eh kasi hindi ko maatim na nahihirapan siya at nasasaktan dahil sa sakit niya. Handa ko po ibigay ang buhay ko sa kanya hanggang sa huli." sagot ko.

"Napakabuti mo anak. Kaya hindi ako nagkamali na pumayag na pakasalan ka ng anak ko. Salamat." sabay tapik sa aking balikat.

Pinagpahinga muna nila ako. Ilang linggo na rin kasi ako dito sa ospital babalik na lamang ako mamayang hapon. Umuwi muna ako sa unit namin ni farah para maligo at matulog kahit na kaunti. Hindi kasi ako mapakali kapag wala ako doon sa tabi niya eh.

Pagkatapos kong mag shower ay nahiga na ako. Mga ilang oras din ang tulog ko at nagising ako sa ring ng cellphone ko. Bigla naman akong kinabahan ng rumehistro ang unknown number sa screen ko.

**unknown number calling**

"Hello?"

"Kuya si Andy to. Napatawag ako kasi si Ate.."

"Hah? Bakit? Anong nangyari sa ate mo? Intayin niyo ako pupunta na ako."

"Kasi kuya kanina hindi siya makahinga tapos naninigas pa ang katawan niya. Pero chinecheck na siya ng doctor. Naghihintay na lamang kami ng resulta."

"Okay, i'm on my way."

Then I ended the call. Sa sobrang kaba ko hindi ko alam kung paano ako agad nakarating dito. Nagmadali na akong pumunta sa E.R.

"Andy, kamusta na si ate mo? Nakalabas na ba iyong doctor?"

"Hindi pa kuya. Kinakabahan ako sana maging okay lang si ate."

"Don't worry mag pray lang tayo na sana maging okay siya."

Maya maya pa ay lumabas na ang doctor niya. Tinanong niya kung sino ang kamag anak ni farah at tumungo kami sa harap niya.

"Doc, ako po ang asawa niya at ito ang kapatid niya. Ano na pong nangyari sa kanya?"

"Hindi kasi siya makahinga dahil sa komplikasyon. Nawalan din siya ng malay kanina at we even use the defibrillator para marevive lang siya kasi hindi na talag siya nag rerespond kanina but a miracle happen and bumalik ulit ang vitals niya but now she's in coma. Base din sa records niya naging okay na ang sakit niya. Nakatulong ang chemo at maintenance niya ng gamot. Sa ngayon antayin na lanv natin siya magising. Iyon na lamang muna sa ngayon at hindi pa muna kayo pwedeng dumalaw sa kanya sa ICU. Excuse me."

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor. Pero masakit pa rin kasi she's in coma. Sana gumising siya agad at malamang matutuwa siya sa balita ng doctor kanina.

I only seen her using the fiber glass wall built inside the ICU. Sweetie please hold on I am looking forward to see you happy.

Kahit gaano ka pa katagal magising maghihintay at maghihintay pa rin ako sa iyo. I love you.

Beg for it (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon